Lalawigan ng Iğdır

Ang Lalawigan ng Iğdır (Turko: Iğdır ili) ay isang lalawigan sa silangang Turkiya na matatagpuan sa mga hangganan ng Armenia, Azerbaijan (ang lugar ng Awtonomong Republika ng Nakhchivan), at Iran. Kabilang sa mga katabing lalawigan ang Kars sa hilagang-kanluran at Ağrı sa kanluran at timog. Nasasakupan nito ang sukat na 3,587 km2 at may populasyon na 184,418[2] (taya noong 2010), mayroon itong 168,634 populasyon noong 2000 (tumaas mula sa 142,601 noong 1990). Nabuo ito mula sa timog-silangang bahagi ng dating Lalawigan ng Kars noong 1993.

Lalawigan ng Iğdır

Iğdır ili
Lokasyon ng Lalawigan ng Iğdır sa Turkiya
Lokasyon ng Lalawigan ng Iğdır sa Turkiya
Mga koordinado: 39°53′37″N 43°59′52″E / 39.893611111111°N 43.997777777778°E / 39.893611111111; 43.997777777778
BansaTurkiya
RehiyonHilagang-silangang Anatolia
SubrehiyonAğrı
Pamahalaan
 • Distritong panghalalanIğdır
Lawak
 • Kabuuan3,588 km2 (1,385 milya kuwadrado)
Populasyon
 (2016)[1]
 • Kabuuan192,785
 • Kapal54/km2 (140/milya kuwadrado)
Kodigo ng lugar0476
Plaka ng sasakyan76

Narito ang pinakamataas na bundok sa Turkiya, ang Bundok Ararat (Ağrı Dağı) ngunit karamihan sa lupain ay malawak na kapatagan na malayo sa bundok. Pinakamainit ang klima sa bahaging ito ng Turkiya, maaring itanim ang bulak dito. Sinusundan ng nakasarang hangganan sa Armenia ang Ilog Aras.

Ang lungsod ng Iğdır ang panlalawigang kabisera nito. Ang mayorya ng populasyon ng lalawigan ay mga Kurdo, na ang mga Azerbaijani ang mga natitira sa populasyon.[3]

Mga distrito

baguhin

Nahahati ang lalawigan ng Iğdır sa 4 na distrito (nasa makapal ang distritong kabisera):

Mga sanggunian

baguhin
  1. Turkish Statistical Institute, dokumentong spreadsheet' – Population of province/district centers and towns/villages and population growth rate by provinces (sa Ingles at Turko)
  2. "Statistical Institute page" (sa wikang Turko). tuik.gov.tr.
  3. Watts, Nicole F. (2010). Activists in Office: Kurdish Politics and Protest in Turkey (Studies in Modernity and National Identity) (sa wikang Ingles). Seattle: University of Washington Press. p. 167. ISBN 978-0-295-99050-7.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)