Lalawigan ng Phrae
Ang Phrae (แพร่) ay isang lalawigan (changwat) sa sa pinakahilagang bahagi ng Thailand.
Lalawigan ng Phrae จังหวัดแพร่ | ||
---|---|---|
| ||
Mga koordinado: 18°08′42″N 100°08′26″E / 18.145°N 100.14055555556°E | ||
Bansa | Thailand | |
Lokasyon | Thailand | |
Kabisera | Phrae, Mueang Phrae | |
Bahagi | Talaan
| |
Lawak | ||
• Kabuuan | 6,538.598 km2 (2,524.567 milya kuwadrado) | |
Populasyon (31 Disyembre 2020)[1] | ||
• Kabuuan | 437,350 | |
• Kapal | 67/km2 (170/milya kuwadrado) | |
Kodigo ng ISO 3166 | TH-54 | |
Websayt | http://www.phrae.go.th/ |
Sagisag
baguhinAyon sa alamat ang dalawang lungsod ng Phrae at Nan ay dating pinamumunuan ng magkapatid na lalaki. Nang sila ay magkita upang hatiin ang lupa para sa kanilang dalawa, ang isa ay sumakay sa isang kabayo, at ang isa naman ay sumakay sa isa ng kalabaw at doon sila magkikita sa tuktok ng bundok. Kaya mayroong kabayo sa sagisag ng Phrae, at kalabaw naman ang nasa Nan. Nang ang panglalawigang pamahalaan ng Phrae ay ipinanukala ang sagisag noong 1940, ang Kagawaran ng Sining ay minungkahi na idagdag ang mga makasaysayang mga gusali sa sagisag, kaya mayroon na ring pagoda, Ang Pagoda ng Phra Tat Cho Hae sa likod ng kabayo. Ang templo na ito ay nasa 9 na kilometro timog silangan ng lungsod ng Phrae.
Ang Panlalawigang bulaklak at puno ay Burmese Almondwood (Chukrasia tabularis). |
Pagkakahating Administratibo
baguhinAng lalawigan ay nahahati sa 8 distrito (Amphoe). Ang mga ito ay nahahati pa sa 78 mga communes (tambon) at 645 na mga barangay (muban).