Lalawigan ng Tokat
Ang Lalawigan ng Tokat (Turko: Tokat ili) ay isang lalawigan sa Turkiya na matatagpuan sa hilaga ng bansa. Kabilang sa mga katabing mga lalawigan nito ay Amasya sa hilagang-kanluran, Yozgat sa timog-kanluran, Sivas sa timog-silangan, at Ordu sa hilagang-silangan. Kabisera nito ang lungsod ng Tokat, na nasa loob ng bansa mula sa gitna ng rehiyong Dagat Itim, 422 kilometro mula sa Ankara.
Lalawigan ng Tokat Tokat ili | |
---|---|
Lokasyon ng Lalawigan ng Tokat sa Turkiya | |
Mga koordinado: 40°21′10″N 36°33′52″E / 40.352777777778°N 36.564444444444°E | |
Bansa | Turkiya |
Rehiyon | Kanlurang Dagat Itim |
Subrehiyon | Samsun |
Pamahalaan | |
• Distritong panghalalan | Tokat |
Lawak | |
• Kabuuan | 9,959 km2 (3,845 milya kuwadrado) |
Populasyon (2016)[1] | |
• Kabuuan | 602,662 |
• Kapal | 61/km2 (160/milya kuwadrado) |
Kodigo ng lugar | 0356 |
Plaka ng sasakyan | 60 |
Kasaysayan
baguhinAng Tokat ay isang mahalagang Romanong lungsod ng Comana ng Pontus noong sinaunang panahon, na nawasak noong 47 BCE ng mga Romano. Noong 1071 CE, naging bahagi ito ng mga Turkong Danismend, at naging isa sa mga prinsipal na lungsod. Umunlad ang rehiyon mula sa kalakalan sa pagitan ng Anatolia at Persia.
Mga distrito
baguhinNahahati ang lalawigan ng Tokat sa 12 distrito (nasa makapal ang distritong kabisera):
- Almus
- Artova
- Başçiftlik
- Erbaa
- Niksar
- Pazar
- Reşadiye
- Sulusaray
- Tokat
- Turhal
- Yeşilyurt
- Zile
Mga muhon
baguhinDalawang sikat na bantayog sa lalawigan na ito ang Hatuniye Medrese ng ika-15 siglo, na ginawa ni Sultan Bayezid II, at isang tulay ng Seljuk na bumabagtas sa IlogYeşilırmak, na ginawa noong ika-12 siglo. Ang ikatlo pang muhon ay ang Mansyon ngLatifoğlu Mansion, na isang halimbawa ng tradisyunal na arkitektura ng isang bahay na Turko ng ika-19 na siglo, na pananumbalik sa orihinal na katayuan.
Klima
baguhinMga buwan | Enero | Pebrero | Marso | Abril | Mayo | Hunyo | Hulyo | Agosto | Setyembre | Oktubre | Nobyembre | Disyembre | |
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
Katamatamang Pinakamataas °C (1970 - 2011) | 20.2 | 22.8 | 31.1 | 33.5 | 36.1 | 38.5 | 45.0 | 40.8 | 37.9 | 35.3 | 27.6 | 23.0 | |
Katamtamang Pinakababa °C (1970 - 2011) | -23.4 | -22.1 | -21.1 | -4.5 | 0.0 | 3.2 | 6.1 | 7.8 | 2.4 | -3.2 | -8.3 | -21.0 | |
Pinagkuhanan: Turkish State Meteorological Service[2] |
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Turkish Statistical Institute, dokumentong spreadsheet' – Population of province/district centers and towns/villages and population growth rate by provinces (sa Ingles at Turko)
- ↑ Meteoroloji Genel Müdürlüğü-Tokat Resmi İstatistikler, (sa wikang Turko)