LaLola
Ang Lalola o lal♂♀la ay isang palatuntunan ng GMA Network na gaya sa orihinal na palabas ng Arhentina. Ito ay unang ipinalabas noong ika-labintatlo ng Oktubre 2008 (13 Oktubre 2008) at pinangungunahan ni JC de Vera at Rhian Ramos. Simula sa 28 Pebrero 2011, muli syang pinapalabas sa buong mundo sa pamamagitan ng GMA Life TV.
LaLola | |
---|---|
Uri | Romantiko |
Gumawa | Sebastián Ortega |
Nagsaayos | Jun Lana |
Direktor | Dominic Zapata Jun Lana |
Pinangungunahan ni/nina | Rhian Ramos JC de Vera |
Isinalaysay ni/nina | Keempee de Leon |
Kompositor ng tema | Tats Faustino (musika) Janno Gibbs (titik) |
Bansang pinagmulan | Pilipinas |
Wika | Filipino |
Paggawa | |
Prodyuser tagapagpaganap | Wilma Galvante |
Lokasyon | Kalakhang Maynila, Pilipinas |
Oras ng pagpapalabas | 30-45 minuto |
Pagsasahimpapawid | |
Orihinal na himpilan | GMA Network |
Picture format | 480i SDTV |
Orihinal na pagsasapahimpapawid | 13 Oktubre 2008 6 Pebrero 2009 | –
Kronolohiya | |
Kaugnay na palabas | Lalola (bersyon ng Argentina) |
Website | |
Opisyal |
Pinaikling Istorya
baguhinIsang lalaki nagngangalang Lalo (Wendell Ramos), ang presidente ng Distelleria Lobregatt, na maraming niloko at nasaktang babae. Noong nasaktan niya ang babaylang si Ada at ito'y nagpakamatay, maghihiganti ang kanyang kapatid na si Sera. Nilagyan si Lalo ng sumpa. Isang halik lamang kay Sera at ito ay makukulong sa katwan ng isang babae. Wala nang iba ngunit ang kanyang kaibigang si Gary (Keempee de Leon) lamang ang naniniwala sa kanyang pagbabalat-kayo. Wala siyang magagawa ngunit magpanggap na babae.
Pinasok ni Lalo ang kanyang dating kompanya, ang Distelleria Lobregat, at nagpakilalang Lola, syota ni Lalo. Habang nasa kompanya, kailangan niyang malampasan ang lahat ng hamon at ang makakalaban niyang si Gaston (Marvin Agustin).
Habang nasa loob ng isang babae, napapansin ni Lalo/Lola na habang dumadaan ang araw, mas nagiging babae siya at nabibighani siya kay Facundo (JC de Vera), ang bise-presidente ng Distelleria Lobregat at kumpletong kabaliktaran ni Lalo.
Mga Gumanap
baguhinPangunahing Tauhan
baguhin- Rhian Ramos bilang Lolita "Lola" Padilla
- JC de Vera bilang Facundo Diaz
- Eddie Garcia bilang Don Aguirre Lobregat
- Keempee de Leon bilang Josano "Gary" / "Grace" Theodorico Jose
- Marvin Agustin bilang Gaston Sanvictorres
- Angelika dela Cruz bilang Sabrina Starr
- Eula Valdez bilang Susanna Fuentabella (Isa dating Lobregat)
- Jackie Lou Blanco bilang Griselda Lobregat
- Lovi Poe bilang Julia Fuentabella
- Sheena Halili bilang Vicky
- Patricia Ysmael bilang Sera Romina / Soledad
- Jay-R bilang Pato
- Gladys Reyes bilang Tita Iris
- Yul Servo bilang Matias / Pekeng Lalo
- Robert Villar bilang Boogie
Iba Pang Tauhan
baguhin- Say Alonzo bilang Connie
- Marco Alcaraz bilang Hector
- Ruby Rodriguez bilang Aling Marita
- Krystal Reyes bilang Che Che
- Rich Asuncion bilang Nina
- Stef Prescott
Panauhing Tauhan
baguhin- Wendell Ramos bilang Lazaro "Lalo" Lobregat
- Iza Calzado bilang Sera Romina
- Isabel Granada bilang Tala Romina
- Ana Capri bilang Oreng
- Melanie Marquez bilang Garganta
- Jewel Mische bilang Ada Romina
Dating Tauhan
baguhin- Marky Cielo bilang Billy Lobregat/Enrico
Mga Iba Pang Impormasyon(Tribya)
baguhin- Ang Pilipinas ay ang ika-apat na bansa na bumili ng karapatan ng Lalola para ipalabas ang isang lokal na bersyon nito.
- Bago mapili si Wendell Ramos sa papel ni Lalo, si Paolo Contis ang napili para gumanap bilang Lalo.
- Pagkatapos ang pagkamatay ni Marky Cielo noong 7 Disyembre 2008, patuloy pa rin ang paglabas niya sa palatunutunan. Bilang parangal sa kanya, pagkatapos ng mga kabanata(Disyembre 8-12) ay nakasulat ang In Loving Memory of Marky Cielo. Huling nasulyapan ang aktor noong kumakain ng almusal kasama nina Griselda, pekeng Lalo, at si Aguirre. Ang kanyang papel ay natapos dahil sa sinadyang aksidente at dinala sa huling hantungan sa kabanata ng 15 Enero 2009.
- Dahil buntis si Angelika dela Cruz, hanggang Enero na lamang siya masusulyapan sa Lalola. Dahil siya'y buntis at lumalaki na ang tiyan, ipinalabas sa Lalola na siya ay mayroong bata sa kanyang sinapupunan.