Si Mark Angelo Cadaweng Cielo (Mayo 12, 1988 - Disyembre 7, 2008), mas kilala bilang Marky Cielo ay isang Pilipinong aktor at mananayaw.

Marky Cielo
Kapanganakan
Mark Angelo Cadaweng Cielo

12 Mayo 1988(1988-05-12)
Kamatayan7 Disyembre 2008(2008-12-07) (edad 20)
Ibang pangalanMarky Cielo, Boknoy, Kuya Marky
Aktibong taon2006 - 2008

Buhay bago sumabak sa Showbiz

baguhin

Si Cielo ay lumaki sa Butuan bago tumira sa Mountain Province noong 2001. Nabibigkas niya ang mga wikang Kankanaey, Ilokano, Tagalog at Bisaya (gaya ng Wikang Butuanon at Wikang Cebuano). Ayon sa pangyayari sa kanyang buhay na pinakita sa Magpakailanman, ang mga magulang ni Marky ay naghiwalay noong bata pa sila ng kanyang kapatid na babae. Mag-isa silang inalagaan ng kanyang ina. Nagkita lamang sila ng kanyang ama makalipas ng maraming taon.

Buhay Pang-kolehiyo

baguhin

Siya ay isang unang taong mag-aaral sa Unibersidad ng Santo Luis sa Baguio City ng kursong arkitektura bago sumali sa Starstruck. Kabilang din siya sa SLU. Sinabi ng kanyang ama na may plano si Cielo na mag-aral muli subalit pumanaw na siya.

Pagsali sa StarStruck

baguhin

Tinanggap niya ang paghikayat ng kanyang mga kaklase na sumali sa StarStruck. Napanalunan niya ang titulong Ultimate Male Survivor, at ang titulong Sole Survivor Batch 3. Siya rin ang unang Igorot na sumali sa patimpalak. Isa sa mga napalanunan niya ay ang bahay at lote sa Antipolo na tinitirhan ng kanyang pamilya.[1]

Karera sa Showbiz

baguhin

Pumasok si Cielo sa larangan ng showbiz pagkatapos ng kanyang pagkapanalo sa StarStruck. Ang kanyang unang palabasay ang Fantastikids kasama nila Isabella de Leon at B.J. "Tolits" Forbes at pagkatapos ay Encantadia: Pag-ibig Hanggang Wakas. Namatay ang kanyang ginaganap na tauhan sa mga palabas na Bakekang at Asian Treasures. Sinasabi na ang mga palabas na ito ang tumulong sa pag-taas ng karera ni Cielo. Naging bida si Cielo sa Pilipinong paggawa Uchuu Keiji Shaider bilang Alexis del Mundo o Shaider. Subalit Dennis Trillo at StarStruck Ultimate Hunk Aljur Abrenica ay sinama din dito at pinalitan ang titulo ng programa at tinawag na Zaido: Pulis Pangkalawakan, isang sekwel sa Mga Bayaning Bakal kung saan ginanap niya si Alexis Lorenzo o ang Berdeng Zaido. Sinasabing ang Zaido ay ang pinakamalaking tulong sa kanyang pag-angat bilang artista. Sumali din siya sa Sine Novela: Kaputol ng Isang Awit. Sumali din siya sa Codename: Asero at pagkatapos ay sa LaLola na naging huli niyang palabas sa telebisyion.

Kamatayan

baguhin

Si Cielo ay natagpuan ng kanyang ina noong Disyembre 7, 2008, noong pumasok ito sa kanyang kuwarto sa kanilang bahay sa Lungsod ng Antipolo ng mga dakong alas-diyes ng umaga upang gisingin siya para sa isang programang pangkawang-gawa. Siya ay 20 taong gulang. Isang pang-unang ulat ay nagsabing namatay siya habang natutulog. Huling nakita si Cielo sa LaLola, kung saan iniwan niya ang karakter na si "Billy".[2]

Pilmograpiya

baguhin

Telebisyon

baguhin
year show(s) role
2008 LaLola (huling paglabas sa telebisyon) Billy Lobregat / Enrico
2008 Dear Friend Jerome
2008 Codename: Asero Troy / Agent Beatbox
2008 Kalam: GMA News and Public Affairs Host
2008 Sine Novela: Kaputol Ng Isang Awit Eric Valderama
2007-2008 Zaido: Pulis Pangkalawakan Alexis Lorenzo / Zaido Green / Sigma
2007 Boys Nxt Door Buboy/Mario Alberto Almante
2007 Bleach Ichigo Kurosaki (boses lamang)
2007 Asian Treasures Mateo Madrigal
2006-2008 SOP Host / Tagaganap
2006 Bakekang Miguelito "Michael" Dimayacyac
2006 Fantastikids: Season 2 Daniel Trinidad
2006 Encantadia: Pag-Ibig Hanggang Wakas Arman
2006 Magpakailanman (Marky Cielo Life Story) Bilang siya
2006 Startalk: StruckAttack Guest/Host
2006 SOP Gigsters Host / Performer
2006 Love to Love: Young At Heart Joe
2006 Fantastikids Daniel Trinidad
2005-2006 StarStruck: The Nationwide Invasion Ultimate Male Survivor/ Ultimate Sole Survivor

Pelikula

baguhin
Year Title Role
2006 Till I Met You Bryan

Parangal

baguhin
  • Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation Awardee (2007) - Most Promising Male Artist
  • Yes! Magazine's 100 Most Beautiful
  • Starstuck Batch 3 - Ultimate Male Survivor and 1st Sole Survivor
  • Candy Mag's 100 Candy Cuties

Panlabas na Kawing

baguhin

Sanggunian

baguhin

Padron:StarStruck