Bakekang
Ang Bakekang ay dramang pantelebisyon na ipinalabas GMA Network mula 11 Setyembre 2006 hanggang 30 Marso 2007. Ipinalabas din ito sa GMA Pinoy TV na nahuli ang pagpapalabas ng talong linggo.
Nakuha ng GMA ang karapatan sa pagpapalabas sa telebisyon ng Bakekang, isang sikat na nobelang pang-komiks ni Carlo J. Caparas. Umiinog ang kuwento sa isang pangit na babae na nagtagumpay sa buhay sa kabila ng diskriminasyon at paghihirap na kanyang naranasan. Sinasabing lumikha ang seryeng pantelebisyon ng tinatawag na Bakekang syndrome, na kung saan pinagtatanggol ang mga karapatan at mga pinaglalaban ng mga kababaihan.[1] Pinagbibidahan ito ni Sunshine Dizon bilang si Bakekang at dahil sa kanyang pagganap, nanalo siya bilang Pinakamagaling na Aktres sa PMPC Star Award. Ipinalabas din ito sa Singapore, Malaysia at Indonesia.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ "Sunshine, bida sa 'Bakekang' movie", journal.com.ph, n.d. Accessed last March 26, 2007.