Lansangang-bayang Diokno

Ang Lansangang-bayang Diokno, kilala din bilang Daang Payapa at dating kilala bilang Daang Tagaytay-Junction–Calaca-Lemery,[2] ay isang 20.064-kilometro (12.467 mi)[1] na panglawang daang may pandalawahang-landas sa Batangas na kumukunekta sa lungsod ng Calaca, malapit sa hangganan nito sa Nasugbu at Alfonso, Kabite, at ang bayan ng Lemery.[3] Kinokonekta nito ang katimugang Kabite at Batangas.

Lansangang-bayang Diokno
Diokno Highway
Daang Payapa (Payapa Road)
Impormasyon sa ruta
Pinangangasiwaan ng Kagawaran ng mga Pagawain at Lansangang Bayann[1]
Bahagi ng N410
Pangunahing daanan
Mula sa N410 / N407 (Lansangang Tagaytay–Nasugbu) sa Alfonso, Kabite
Hanggang N436 (Daang Palico–Balayan–Batangas) sa Lemery, Batangas
Lokasyon
Mga lawlawiganKabite, Batangas
Mga pangunahing lungsodTagaytay
Mga bayanAlfonso, Laurel, Calaca, Lemery
Sistema ng mga daan
Mga daanan sa Pilipinas

Nabanggit sa isang artikulong balita sa Pilipino Star Ngayon ang isang lansangang-bayan sa Lemery, Batangas na nagngangalang Ramon Diokno Highway[4] na maaring tumutukoy kay Ramon Diokno na taga-Taal, Batangas na nagsilbing kinatawan ng Batangas, senador, at kasamang hukom ng Korte Suprema.

Paglalarawan ng ruta

baguhin

Nagsisimula ang Lansangang-bayang Diokno sa inteseksyon nito sa Lansangang-bayang Tagaytay–Nasugbu sa Calaca, malapit sa hangganang panlalawigan ng Batangas at Cavite. Simula sa malapit sa paanan ng Bundok Batulao, tinatakbo nito ang bulubunduking kalupaan sa kanlurang gilid ng Liwasang Pambansa ng Bulkang Taal, na tumatawid lalo na sa Payapa Ilaya at Payapa Ibaba, sa mga barangay sa Lemery kung saan nahango ang pangalan ng Daang Payapa. Matatagpuan ang dulo nito sa Daang Palico–Balayan–Batangas sa Lemery sa timog.

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 "Road and Bridge Inventory". Kagawaran ng mga Pagawain at Lansangang Bayan. Nakuha noong Setyembre 19, 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "VILLAR: Diokno Bridge connecting Tagaytay City and Lemery, Batangas is now open". Department of Public Works and Highways. Nobyembre 13, 2018. Nakuha noong Pebrero 27, 2021.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "2016 DPWH Road Data". Department of Public Works and Highways. Inarkibo mula sa orihinal noong Enero 9, 2018. Nakuha noong Marso 8, 2018.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Cantos, Joy (Hulyo 24, 2016). "4 drug pushers, itinumba" (sa wikang Filipino). Pilipino Star Ngayon. Nakuha noong Setyembre 19, 2021.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
baguhin