Lansangang-bayang N64

Ang Pambansang Ruta Blg. 64 (N64) ay isang pambansang daang primera ng sistema ng lansangang bayan sa Pilipinas. Dumadaan ito sa hilagang bahagi ng lalawigan ng Kabite.[1]

Paglalarawan ng ruta

baguhin

Kawit papuntang Tanza

baguhin

Ang hilagang bahagi ng N64 ay bumubuong karugtong ng E3 (o Manila–Cavite Expressway) mula Kalakhang Maynila. Dumadaan ang N64 sa kahabaan ng Daang Centennial (bahagi ng Lansangang Antero Soriano) kalinya ng baybay-dagat ng Kabite, nilalagpasan ang Kawit, Noveleta at Rosario. Bumubuo itong bahagi ng Daang Radyal Blg. 1 (R-1) ng lumang sistema ng daang arteryal ng Kamaynilaan.[2]

Tanza papuntang Trece Martires

baguhin

Sa Tanza liliko ang N64 paloob papuntang Trece Martires sa kahabaan ng isang 12 kilometro (o 7.5 milyang) pambansang daan na may dalawa hanggang apat na linya na tinatawag na Daang Tanza–Trece Martires.

Mga sanggunian

baguhin
  1. "2016 DPWH Road Data". Department of Public Works and Highways. Inarkibo mula sa orihinal noong 2018-01-09. Nakuha noong 8 Marso 2018.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Google Maps". Nakuha noong 8 Marso 2018.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga kawing panlabas

baguhin