Rosario, Cavite

bayan ng Pilipinas sa lalawigan ng Kabite
(Idinirekta mula sa Rosario, Kabite)

Ang Bayan ng Rosario ay isang mataas na urbanisadong bayan sa lalawigan ng Cavite, Pilipinas. Ayon sa senso ng 2020, ito ay may populasyon na 110,807 sa may 31,510 na kabahayan.

Rosario

Bayan ng Rosario
Mapa ng Cavite na nagpapakita ng lokasyon ng Rosario
Mapa ng Cavite na nagpapakita ng lokasyon ng Rosario
Map
Rosario is located in Pilipinas
Rosario
Rosario
Lokasyon sa Pilipinas
Mga koordinado: 14°25′N 120°51′E / 14.42°N 120.85°E / 14.42; 120.85
Bansa Pilipinas
RehiyonCalabarzon (Rehiyong IV-A)
LalawiganKabite
DistritoUnang Distrito ng Cavite
Mga barangay20 (alamin)
Pagkatatag1845
Pamahalaan
 • Punong-bayanJose Voltaire V. Ricafrente III
 • Pangalawang Punong-bayanAntionio H. Luna, Jr.
 • Manghalalal93,315 botante (2022)
Lawak
[1]
 • Kabuuan7.61 km2 (2.94 milya kuwadrado)
Populasyon
 (Senso ng 2020)
 • Kabuuan110,807
 • Kapal15,000/km2 (38,000/milya kuwadrado)
 • Kabahayan
31,510
Ekonomiya
 • Kaurian ng kitaika-1 klase ng kita ng bayan
 • Antas ng kahirapan7.69% (2021)[2]
 • Kita(2022)
 • Aset(2022)
 • Pananagutan(2022)
 • Paggasta(2022)
Kodigong Pangsulat
4106
PSGC
042117000
Kodigong pantawag46
Uri ng klimaTropikal na monsoon na klima
Mga wikawikang Tagalog
Websaytrosariocavite.gov.ph

Ang Rosario ay isa sa dalawampung bayan na napapaloob sa lalawigan ng Cavite. Ang pangunahing kabuhayan sa bayang ito ay ang paghuli at pagtinda ng mga yamang dagat tulad ng isda, tahong, alimasag at iba pa dahil malapit ito sa dalampasigan. Bukod sa pagtinda ng mga yamang dagat, kilala rin ang Rosario sa paggawa ng asin. Dahil dito, ang Rosario ay tinatawag din sa kanyang palayaw na Salinas. Ang pangalan na Rosario ay kailan lang na bininyagan sa bayan. Ang Rosario ay unang tinatawag na Marcella ng mga prayle noong nasasakupan pa ng mga Kastila ang Pilipinas. Ang pangalan na Marcella ay nagmula sa salitang Kastila na mar na nangangahulugang dagat.

Noong 1845, ang Rosario (Salinas Marcella) ay dating pangalawang pinakamaliit na bayan sa lalawigan. Ngunit sa ngayon, ang Rosario ay kinikilalang isa sa mga pinakamaunlad na bayan sa lalawigan ng Cavite.

Mga Barangay

baguhin

Ang bayan ng Rosario ay nahahati sa 20 barangay.

  • Silangan I
  • Bagbag I
  • Kanluran
  • Ligtong I
  • Ligtong II
  • Muzon I
  • Poblacion
  • Sapa I
  • Tejeros Convention
  • Wawa I
  • Ligtong III
  • Bagbag II
  • Ligtong IV
  • Muzon II
  • Sapa II
  • Sapa III
  • Sapa IV
  • Silangan II
  • Wawa II
  • Wawa III

Mga opisyal

baguhin
  • Alkalde: Jose Voltaire Villanueva Ricafrente III
  • Bise-alkalde: Antionio Honrada Luna, Jr.

Mga Sangguniang Bayan

baguhin
  • Christopher Posadas Go
  • Raul Jose Hernandez
  • Pio Abutin Vivo
  • Porfirio Quinto Enriquez
  • Lamberto Patriarca Cuello
  • Ethel Ricafrente Andico - Malabanan
  • ABC President: Crisanto Nazareno
  • SKF President: Bryan B. Aquino

Mga Naging Alkalde

baguhin
  • Gobernadorcillos
    • 1845 - Jacinto Jimenez
    • 1846 - Pablo Buendia
    • 1847 - Ventura Caldeira
    • 1848 - Jacinto Jimenez
    • 1849 - Adriano Zacarias
    • 1850 - Reducindo Cruz
    • 1851 - Pablo Buendia
    • 1852 - Jacinto Jimenez
    • 1853 - Reducindo Buenviaje
    • 1854 - Roberto Jimenez
    • 1855 - Lino Ner
    • 1856 - Lino Ner
    • 1857 - Benito Atangan
    • 1858 - Isidoro Gonzales
    • 1859 - Natalio Buenaflor
    • 1860 - Tomas Panganiban
    • 1861-1862 - Isidoro Gonzales
    • 1863-1864 - Lino Ner
    • 1865-1866 - Bernabe Raqueno
    • 1867-1868 - Lino Ner
    • 1869-1870 - Juan Buendia
    • 1871-1872 - Benito Atangan
    • 1873-1874 - Basilio Copon
    • 1875-1877 - Lino Ner
    • 1878-1879 - Bernabe Raqueno
    • 1880-1881 - Mariano Odvina
    • 1882-1883 - Francisco Prudente
    • 1884-1885 - Ciriaco Abutin
    • 1886-1887 - Pantaleon Raqueno
    • 1888- - Francisco Sales
    • 1889-1890 - Mariano Punzalan
    • 1891-1892 - Pablo Raqueno
  • Capitan Presidents
    • 1893 - Roman Bulda
    • 1894 Marcelo Rodriguez
    • 1895-1898 - Catalino Abueg
  • Presidente Municipal
    • 1899-1900 - Catalino Abueg
    • 1901-1905 - Andres Ner
    • 1906-1907 - Benigno Santi
    • 1908-1909 - Andres Villanueva
    • 1910-1912 - Andres Giongco
    • 1913-1915 - Pascual Jimenez
    • 1915-1922 - Julio Mata
    • 1922-1925 - Andres Giongco
    • 1925-1930 - Julio Mata
    • 1930-1934 - Narciso Jimenez Ner
  • Municipal Mayors
    • 1934-1837 - Julio Mata
    • 1938-1941 - Jose Castro
    • 1942-1943 - Agustin Abadilla
    • 1944-1945 - Julio Mata
    • 1945 - Narciso Jimenez Ner
    • 1946 - David Jimenez
    • 1947 - Julio Mata
    • 1948-1951 - David Jimenez
    • 1952-1959 - Antonio Guhit
    • 1960-1963 - Pedro Giongco
    • 1964-1978 - Calixto Enriquez
    • 1978-1980 - Agripina Abueg
    • 1980-1986 - Calixto Enriquez
    • 1986-1988 - Oscar Reyes
    • 1988-1992 - Ernesto Andico
    • 1992-1998,2007-2016,2019-2020 - Jose Ricafrente, Jr.
    • 1998-2007 - Renato Abutan
    • 2016-2019,2020-Kasalakuyan - Jose Ricafrente III

Relihiyon

baguhin

Romano Katoliko ang karaniwang relihiyon ng mga taga-Rosario. Mayroong dalawang Simbahang Katoliko ang Bayan ng Rosario. Isa sa Poblacion, ang Parokya ng Santissimo Rosario de Caracol at sa Ligtong, ang Parokya ng San Isidro Labrador.

Heograpiya

baguhin

Ang Rosario ay napapaligiran sa hilagang at hilagang-silangan ng Noveleta, sa timog ang Tanza, at sa kanluran at timog-kanluran ay ang Look ng Maynila. Matatagpuan ang Rosario mahigit na 30 km patimog mula sa Maynila, 20 km pahilaga mula sa kapital ng probinsiya, ang Lungsod ng Trece Martires at 17 km patimog at patimog-kanluran mula sa Lungsod ng Cavite. Ang Rosario ay maaring dayuhin sa pamamagitang ng mga sasakyang panlupa at pandagat (bangka).

Kabuhayan at ekonomiya

baguhin
 
Mga sardinas na binibilad sa ilalim ng araw sa barangay Wawa Dos

Ang pangalawa sa pinaka maliit na nayon sa lalawigan ng Cavite, ang Rosario, ay ngayon isa sa "pinakamalaki" hindi dahil sa kalawakan nito ni hindi rin sa kabuuang ipon kung hindi dahil sa malaking biglaang pagunlad at pagbago ng pamahalaan, lipunan, kultura, at kabuhayan mula noong 1845.

Ang Rosario ay unang nabahagi sa San Francisco de Malabon na sa ngayon ay Gen. Trias, at tinawag itong "Tejero" ng mga Kastila. Ang pangalan na "Tejero" ay maaaring nanggaling sa salitang kastila na "tejer" (na ang ibig sabihin ay "habi") dahil sa paghahabi ng mga kababaihan ng mga lambat para maabot ang pangangailangan ng mga mangingisda, ang pangunahing hanapbuhay, sa nayon. Nakikilala rin ang bayan sa pangalan na "Salinas" na nagmula sa salitang Kastila na "sal" (na ang ibig sabihin ay asin) dahil sa paggagawa ng asin at patis, na bukod sa pangingisda, isa sa pinakamalaking pagkakabuhayan ng bayan. Ang nayong ito ay nakilala rin sa pangalan na Marcelles o Marcella na nagmula sa salitang Kastila na mar (na ang ibig sabihin ay dagat) dahil sa kalapitan nito sa dagat.Dito sa Bayan ng Rosario, matitikman ang tanyag at pinakamasarap na "TINAPANG SALINAS".

Himno ng Rosario

baguhin

Ang himno ng Rosario ay isinulat at kinompows ng Kagalang - galang na Alkalde ng Bayan ng Rosario na si Atty. Jose "Nonong" M.Ricafrente, Jr. para sa 150th Anibersaryo ng Rosario, Kabite noong 1995.

Mahal ko ang Rosario
Ito ang aking bayan
Dagat ang aming langit
At gabay n'ya ring buhay

Tayo'y magkapit bisig
Tungo sa 'ting pangarap
Isang bayang tahimik,
Masaya, at maunlad

Kasaysayan

baguhin

Ayon sa unang bersyon, ang imahe ng Madonna and The Child ay nakita ng ilang kabataan na namamayagpag sa may dalampasigan. Kinuha nila ito at ginawang laruan na pagkatapos ay tinatago sa damuhan na malapit sa dagat. Pero sa bawat oras na sila'y magbalik para paglaruan ang imahe, nakikita na lamang nila ito na muling lumulutang sa dagat na parang hinihintay silang maglangoy. Nagtaka ang mga kabataan kung paano nangyari iyon at hindi nila ito mapaliwanag.

Ilang araw ang makalipas, nalaman ng mga matatanda ang tungkol sa imahe. Kinuha nila ito at inilagay sa isang kubo na gawa sa nipa para maipamahagi sa publiko. Hindi nagtagal at ang reputasyon ng imahe ay lumaganap sa iba't ibang lugar. Sa tindi ng pananampalataya ng mga tao, dulot ng imahe, ginawa nila itong patrona ng bayan. Dahil rin dito ay naiba na ang pangalan ng bayan mula sa SALINAS MARCELLA papunta sa ROSARIO.

Ayon naman sa pangalawang bersyon ang imahe ng Madonna and The Child ay nakita sa isang puno ng Sampaloc. Nagpasya ang mga tao na gumawa ng isang maliit na kapilya para maging bahay ng imahe na kung saan din idaraos ang isang piyesta na nakasaalang-alang sa La Nuestra Señora Virgen del Santissimo Rosario, Reina de Caracol sa bawat unang Linggo ng Oktubre ng bawat taon. (Source: Medina's M.A. Thesis, p.ixx)

Ayon sa pangatlong bersyon, ayon sa pananaliksik ni Rev. Fr. Virgilio Saenza Mendoza, noong panahon ng mga Kastila, mayroon isang malakas na bagyo na sumira sa mga bahay at kabuhayan ng mga tao na nakatira sa baybayin ng Maynila. Maraming manlalayag ang naapektuhan ng malalakas na hangin sa gitna ng karagatan. Isa sa mga bangkang ito ay isang bangkang galing sa Mindoro, na naglalaman ng maraming kagamitan. Ang mga manlalayag na nakasakay rito, dulot ng takot sa posibleng pagkamatay, ay tinali ang kanilang mga katawan sa bangka. Subalit ang kapitan ng bangka ay pumasok sa kaban ng bangka para kumuha ng mga kagamitan na puwedeng maisalba. Habang nasa loob, napansin niya ang isang litrato ng Birhen ng Santo Rosario na nakasabit sa dingding. Nagdasal siya sa imahe na iligtas siya at ang kaniyang mga kasamahan sa kapahamakan kapalit ng pagpapatayo ng isang kapilya na alang-alang sa Birhen sa oras na sila'y makaapak muli sa lupa.

Edukasyon

baguhin

Elementary

baguhin
  • Bible Christian Academy (Cuevas Subd.)
  • Rosario Elementary School
  • Agustin Abadilla Elementary School
  • David Jimenez Elementary School
  • Ligtong Elementary School
  • Silangan Elementary School
  • Bagbag Elementary School (Greenfields Subd.)
  • Bagbag Elementary School (Sunrise Subd.)
  • Tejeros Elementary School

High School

baguhin
  • Isaac Librada Andico Mem. School
  • Rosario Institute
  • Rosario National High School (Formerly Known As Agustin Abadilla High School)
  • STI High School - Rosario
  • Cavite State University (formerly Known as Cavite College of Atrs and Trade CCAT)High School Dept.
  • BagBag National High School

College

baguhin

Demograpiko

baguhin
Senso ng populasyon ng
Rosario
TaonPop.±% p.a.
1903 6,601—    
1918 7,117+0.50%
1939 9,894+1.58%
1948 11,894+2.07%
1960 16,227+2.62%
1970 23,817+3.91%
1975 28,725+3.83%
1980 33,312+3.01%
1990 45,405+3.15%
1995 54,086+3.33%
2000 73,665+6.85%
2007 94,228+3.45%
2010 92,253−0.77%
2015 110,706+3.53%
2020 110,807+0.02%
Sanggunian: PSA[3][4][5][6]


Mga sanggunian

baguhin
  1. "Province: Cavite". PSGC Interactive. Quezon City, Philippines: Philippine Statistics Authority. Nakuha noong 12 Nobyembre 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "PSA Releases the 2021 City and Municipal Level Poverty Estimates". Pangasiwaan ng Estadistika ng Pilipinas. 2 Abril 2024. Nakuha noong 28 Abril 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Census of Population (2015). "Region IV-A (Calabarzon)". Total Population by Province, City, Municipality and Barangay. PSA. Nakuha noong 20 Hunyo 2016.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Census of Population and Housing (2010). "Region IV-A (Calabarzon)". Total Population by Province, City, Municipality and Barangay. NSO. Nakuha noong 29 Hunyo 2016.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Censuses of Population (1903–2007). "Region IV-A (Calabarzon)". Table 1. Population Enumerated in Various Censuses by Province/Highly Urbanized City: 1903 to 2007. NSO.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: url-status (link)
  6. "Province of Cavite". Municipality Population Data. Local Water Utilities Administration Research Division. Nakuha noong Disyembre 17, 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga panlabas na kawing

baguhin