Lansangang-bayang Antero Soriano
Tulungang mapabuti po ito sa pamamagitan ng pagdagdag ng mga pagsipi sa mga sangguniang mapagkakatiwalaan. Tandaan lamang po na maaari pong mapagdudahan at matanggal ang mga hindi beripikadong nilalaman. |
Ang Lansangang-bayang Antero Soriano (Ingles: Antero Soriano Highway), na kilala rin bilang Centennial Road at EPZA Diversion Road, ay isang lansangang panlalawigan na may dalawa hanggang anim na linya at dumadaan sa kanlurang baybayin ng Cavite. Ang haba nito ay 21 kilometro (13 milya), mula sa silangang dulo nito sa sangandaan nito sa Lansangang Tirona sa Kawit hanggang sa kanlurang dulo nito sa Governor's Drive sa Naic. Dumadaan ito sa mga lungsod at munisipalidad ng Imus, Noveleta, General Trias, at Tanza, Cavite. Isa ito sa mga tatlong pangunahing lansangan ng lalawigan (ang dalawa pang iba ay Lansangang Aguinaldo at Governor's Drive). Ang kabuuan nito ay itinakdang huling bahagi ng Daang Radyal Blg. 1 ng Sistemang Daang Arteryal ng Kalakhang Maynila.
Lansangang-bayang Antero Soriano Antero Soriano Highway | |
---|---|
Centennial Road EPZA Diversion Road | |
Impormasyon sa ruta | |
Haba | 21.6 km (13.4 mi) |
Bahagi ng |
|
Pangunahing daanan | |
Dulo sa hilaga-silangan | Lansangang Tirona sa Kawit |
Abenida Crisanto Mendoza de los Reyes sa Heneral Trias | |
Dulo sa timog-kanluran | Daang Governor sa Naic |
Lokasyon | |
Mga pangunahing lungsod | Imus, Heneral Trias |
Mga bayan | Kawit, Noveleta, Tanza, Naic |
Sistema ng mga daan | |
Mga daanan sa Pilipinas |
Pinangalanan ang lansangan kay Antero Soriano, ang dating senador ng Pilipinas at dating gobernador ng lalawigan ng Cavite.