Ang Lantaka ay isang uri ng baril na ginagamit sa Karagatang Timog Silangang Asya bago pa man dumating ang mga mananakop mula sa Europa[1]. Ito ay sandatang inilululan sa mga bangka at sa mga tanggulan o kota[2][3].

Nakalap na lantaka mula sa Pilipinas sa isang museong Europeo

Di lamang pandigma ang mga lantaka, kundi ginagamit din ang mga ito bilang salapi na ginagamit sa pangangalakal[3].

Paglalarawan

baguhin

Kadalasan itong yari sa tanso. Ang mga lantaka ay sari-sari sa haba, ngunit ang karaniwang haba ay nasa humigit-kumulang isang metro (~1m) o mga dalawang talampakan at isang bisig(~40in), habang ang butas naman ay may laking humigit-kumulang tatlong sentimetro (~3cm) o halos isang pulgada (~1in)[4]. May lawit ito sa likuran na ginagamit bilang kabitan ng kahoy na hawakan nang sa maitutok sa kaaway[3]. Kalimitan itong nilalagyan ng mga palamuti, na kahit ang karaniwang baril ay may mga palamuti[4].

Mga sanggunian

baguhin
  1. Lantaka Mula sa bansa.org, noong 2016
  2. A history of the Philippines ni David P. Barrows noong 2011.
  3. 3.0 3.1 3.2 Bronze Lantaka Mula sa Land and Sea Collection.
  4. 4.0 4.1 CANNONS OF THE MALAY ARCHIPELAGO ni Don Davie. Nakalap noong Pebrero 1, 2022.

  Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.