Mga Larangang Flegreo

(Idinirekta mula sa Larangang Flegreo)

Ang mga Larangang Flegrio (Italyano: Campi Flegrei [ˈKampi fleˈɡrɛi]; Napolitano: Campe Flegree, mula sa Griyegong φλέγω phlego, "sunugin")[2] ay isang malaking bulkan na matatagpuan sa kanluran ng Napoles, Italya. Ito ay idineklarang isang panrehiyong liwasan noong 2003. Ang lugar ng caldera ay binubuo ng 24 na bunganga at bulkanikong estruktura; karamihan sa mga ito ay matatagpuan sa ilalim ng tubig. Ang idrotermal na aktibidad ay maaaring makita sa Lucrino, Agnano, at bayan ng Pozzuoli . Mayroon ding mga bumubulusok na gas sa bunganga ng Solfatara, ang mitolohikal na tahanan ng Romanong diyos ng apoy, si Vulcano. Ang lugar na ito ay sinusubaybayan ng Obserbatoryong Vesubio.[3]

Mga Larangang Flegreo
Pinakamataas na punto
Kataasan458 m (1,503 tal)[1]
Mga koordinado40°49′37″N 14°08′20″E / 40.827°N 14.139°E / 40.827; 14.139[1]
Pagpapangalan
Katutubong pangalanCampi Flegrei Error {{native name checker}}: parameter value is malformed (help)
Heograpiya
LokasyonItalya
Heolohiya
Edad ng bato40,000 taon
Uri ng bundokCaldera[1]
Huling pagsabogSetyembre hanggang Oktubre 1538[1]
Sulpura sa bunganga ng Solfatara
Mapa ng topograpikong relyebo

Habang ang Campi Flegrei ay nakakaranas ng mas maraming pagkabagabag kamakailan lamang, ang isang pagsabog sa lugar ay malamang na hindi mangyari sa malapit na hinaharap. Kahit na ang isang malakihang pagsabog tulad ng nangyari 39,000 taon na ang nakakalipas ay malamang na hindi mangyayari, isang bagong pagsabog na bubuo ng caldera sa lugar ay isang posibilidad. Isinasaalang-alang ang pagkabagabag na nasasaksihan sa daungan ng Pozzuoli, maaaring ang susunod na pagsabog ay magaganap sa loob ng rehiyon ng kaldera na iyon[kailangan ng sanggunian] .

Mga sanggunian

baguhin

 

  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 "Campi Flegrei". Global Volcanism Program. Smithsonian Institution.
  2. "flegreo". Garzantilinguistica. Inarkibo mula sa orihinal noong Disyembre 31, 2017. Nakuha noong Setyembre 20, 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Giudicepietro, Flora. "Campi Flegrei - stato attuale".

Karagdagang pagbabasa

baguhin
baguhin