Pagpapatupad ng batas

(Idinirekta mula sa Law enforcement)

Ang pagpapapatupad ng batas ay ibang katawagan para sa pagtukoy sa hanapbuhay at gawain ng mga pulis o mga opisyal ng pulisya. Ang pagpapatupad ng batas ay maaari ring ang trabaho ng mga sundalo (katulad ng pulis militar) sa panahon ng mga emerhensiya. Naghahanapbuhay ang mga pulis upang tiyakin na sinusunod ng mga tao ang mga batas na ginawa ng mga politiko at ng mga hukom.

Sa malawak na pananalita, ang pagsasakatuparan ng batas ay ang anumang sistema kung saan ang ilang miyembro ng lipunan ay gumaganap sa isang maayos o organisadong paraan upang maipatupad ang batas sa pamamagitan ng pagtuklas, paghadlang, pag-udlot, rehabilitasyon, o pagpaparusa sa mga tao na lumalabag sa mga patakaran at mga pamantayan na sumasaklaw sa lipunang nabanggit.[1] Bagaman ang kataga ay maaaring sumakop sa mga entidad na katulad ng mga hukuman at mga bilangguan, pinaka madalas na nilalapat ito sa mga tuwirang lumalahok sa pagpapatrolya o pagmamanman upang mapigilan at matuklasan ang mga gawaing kriminal, at ang mga nag-iimbistiga ng mga krimen at humuhuli sa mga lumabag sa batas.[2] Bilang dagdag, bagaman ang pagpapatupad ng batas ay maaaring pinaka nakaukol sa pagpigil at pagpaparusa ng mga krimen, umiiral ang mga organisasyon upang pigilan ang isang malawak na kasamu't-sarian ng mga paglabag sa mga patakaran at mga pamantayan na hindi kriminal, na maipatupad sa pamamagitan ng pagpapataw ng hindi matinding mga kahihinatnan o mga parusa.

Mga sanggunian

baguhin
  1. New Law Journal - Bolyum 123, Bahagi 1 - Pahina 358, 1974
  2. Kären M. Hess, Christine Hess Orthmann, Introduction to Law Enforcement and Criminal Justice (2008), p. 1.

  Ang lathalaing ito na tungkol sa Batas ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.