Ang "Lead Me Lord" ay isang Ebanghelyong awit na sinulat ni Arnel de Pano na unang ni-rekord ni Basil Valdez noong 1985 sa areglo ng Pambansang Alagad ng Sining ng Pilipinas na si Ryan Cayabyab.[1] Kasama ang awitin sa album ni Basil na Ngayon at Kailaman na nailabas noong 1994 ng Vicor Records.[2] Nasa album din ito na Revive ni Gary Valenciano na nailabas noong 2000.[3] Mayroon din bersyon si Aiza Seguerra ng awitin na ito na kasama sa pinagtipong album na We Are All God's Children na ni-rekord ng iba't ibang mang-awit para sa pagbisita ni Papa Francisco sa Pilipinas.[4]

"Lead Me Lord"
Awitin ni Basil Valdez
mula sa album na Ngayon at Kailanman
Nilabas1994
TatakVicor Records
Manunulat ng awitArnel de Pano
"Lead Me Lord"
Awitin ni Gary Valenciano
mula sa album na Revive
Nilabas2000
Manunulat ng awitArnel de Pano
"Lead Me Lord"
Awitin ni Aiza Seguerra
mula sa album na We Are All God's Children
Nilabas2014
Manunulat ng awitArnel de Pano

Orihinal na nilikha ni Arnel ang awitin upang ipasok ito sa isang paligsahan para sa pagsusulat ng awitin noong mag-aaral siya sa Pamantasang Ateneo de Manila.[1] Nakuha niya ang inspirasyon sa paglikha ng "Lead Me Lord" sa isang awiting pagsamba ng kanyang simbahan.[1] Hindi planado ang pasulat niya sa kanta at dumating ang mga ideya habang pumapanaog siya sa hagdan.[1] Naibunsad ng awitin ang karera ni Arnel sa Ebanghelyong musika at nakatanggap siya ng Gawad ng Komisyon ng Wikang Filipino para sa kanyang naiambag sa musikang pangsimbahan sa Pilipinas.[1]

Ang inspirasyunal na awitin na ito ay nasa wikang Ingles at naisasalin ang pamagat bilang "Ihatid mo ako, Panginoon" na tinutukoy ang paggabay ng Diyos sa isang taong nais maging maliwanag ang landas ng buhay. Naging tanyag ang awitin sa mga pagtitipon sa mga simbahang Kristiyano, partikular na inaawit ng koro o pangkat ng manganganta tuwing komunyon.[5] Naawit din ito ng mga Muslim sa isang konsyerto ni Basil sa Pamantasang Ateneo de Zamboanga.[6]

Noong Abril 2020, sa gitna ng pandemya ng COVID-19, nang gumaling ang sumulat ng awitin na si Arnel de Pano sa COVID-19, inawitan siya ng mga nars at doktor ng Marikina Valley Medical Center at kanilang inawit ang "Lead Me Lord."[7][8] Lingid sa kanila na inaawitan nila ay ang nagsulat ng kanta.[1] Bago nito, naging himno na ang awitin ng mga manggagawa sa sektor ng pangangalaga ng kalusugan sa kabila ng pandemya.[7] Noong Marso 2020, inawit ito ng 21 doktor na alumnos ng opisyal na koro ng Unibersidad ng Pilipinas Kolehiyo ng Medisina upang palakasin ang loob ng kanilang kapwa manggagawa sa sektor ng kalusugan.[9] Ang bersyon inawit ng mga doktor ay nasa alegro ni Robert Delgado.[9]

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 1.4 1.5 Tomada, Nathalie (2020-04-12). "Frontliners serenade recovered composer". Philstar.com (sa wikang Ingles). The Philippine Star. Nakuha noong 2021-05-06.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  2. Basil Valdez – Ngayon At Kailanman (1994, CD) (sa wikang Ingles), nakuha noong 2021-05-06{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Gary Valenciano – Revive (2000, CD) (sa wikang Ingles), nakuha noong 2021-05-06{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Glorioso, Bot (2014-12-08). "Jamie writes & sings the Papal visit theme song". Philstar.com (sa wikang Ingles). The Philippine Star. Nakuha noong 2021-05-06.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  5. Balasbas-Gancayco, Dot Ramos (2009-06-15). "Basil ready for comeback album". Philstar.com (sa wikang Ingles). The Philippine Star. Nakuha noong 2021-05-06.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  6. Lo, Ricky (2014-10-01). "Basil Valdez & The Soundtrack of His Life". Philstar.com (sa wikang Ingles). The Philippine Star. Nakuha noong 2021-05-06.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  7. 7.0 7.1 "'Lead me Lord' composer survives COVID-19 as song becomes anthem of frontliners". CNN (sa wikang Ingles). 2020-04-14. Inarkibo mula sa orihinal noong 2021-05-10. Nakuha noong 2021-05-06.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Guno, Niña V. (2020-04-12). "WATCH: A musical send-off for 'Lead Me Lord' composer Arnel de Pano, a COVID-19 survivor". INQUIRER.net (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2021-05-06.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  9. 9.0 9.1 "WATCH: Amid battle against COVID-19, doctors sing inspiring 'Lead Me Lord' cover". ABS-CBN News (sa wikang Ingles). 2020-03-27. Nakuha noong 2021-05-06.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)