Lee Jai-jin
Si Lee Jai-jin (Koreano:이재진, ipinanganak 13 Hulyo 1979) ay isang mang-aawit at mananayaw mula sa bansang Timog Korea.[1] Siya ang kasamang nagrarap at pangunahing mananayaw ng Timog Koreanong pangkat na puro lalaki na Sechs Kies.
Lee Jai-jin | |
---|---|
Kabatiran | |
Pangalan noong ipinanganak | Lee Jai-jin (이재진, Hanja: 李宰鎭) |
Kilala rin bilang | Lee Jaijin |
Kapanganakan | 13 Hulyo 1979 |
Pinagmulan | Seoul, Timog Korea |
Genre | K-pop, , Pop |
Trabaho | mang-aawit, mananayaw |
Taong aktibo | 1997-2006 2016–kasalukuyan |
Label | YG Entertainment (Korea) |
Binuo ni Lee at Kim Jae-duck ang crew na pinangalang "Quicksilver’" sa kanilang sariling bayan ng Busan, at napili bilang isang trainee sa kompanya ni Lee Juno. Sikat si Lee Juno bilang kasapi ng Seo Taiji and Boys'. Noong panahong iyon, humiling si Lee Ho-yeon, ang CEO ng Daesung Entertainment, sa kanya ng mairerekomendang kasaping idolo sa pangkat. Iyon ang paraan kung papaano nasali si Lee bilang kasapi ng Sechs Kies.[2] Noong 2016, sinabi ni Kang Sung-hoon na pinanood niya ang audition tape at pinili si Lee bilang isang kasapi dahil sa kanyang angking kasanayan sa pag-sayaw at sa pagiging guwapo.[3][4]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ "About the artist". Official SECHSKIES Facebook (sa wikang Ingles). YG.
Lee Jaijin is the official English name.
- ↑ [1]
- ↑ "ko:이재진, 과거 자서전서 직접 밝힌 '생활고(苦)'" (sa wikang Koreano). Now News. 9 Abril 2009. Nakuha noong 13 Pebrero 2013.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 전종선 (2 Hunyo 2016). "'라디오스타' 강성훈, 젝스키스 결성 비화 공개 "내가 원하는 멤버로 뽑았다"" ["Radio Star" Kang Sunghun Reveals the Secret behind SECHSKIES formation "I picked the members I wanted"]. 서울경제 (sa wikang Koreano). Nakuha noong 3 Disyembre 2016.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.