Legacy
Ang Legacy (Pamana) ay isang Filipinong dramang pantelebisyon na nilikha at isinahimpapawid ng GMA Network. Ito ay nasa ilalim ng panulat ni Dode Cruz at idinerehe nila Jay Altarejos at Andoy Ranay. Ang seryeng ito ay tinatampukan nina Heart Evangelista, Geoff Eigenmann, Lovi Poe, Sid Lucero, Alessandra de Rossi at Mike Tan. Nag-umpisa itong iere nong 16 Enero sa GMA Telebabad at 18 Enero naman, sa buong mundo sa pamamagitan ng GMA Pinoy TV.[1]
Legacy | |
---|---|
Uri | Drama |
Gumawa | Dode Cruz |
Nagsaayos | Denoy Navarro-Punio |
Direktor | Jay Altarejos Andoy Ranay |
Creative director | Jun Lana Jake Tordesillas Suzette Doctolero |
Pinangungunahan ni/nina | Heart Evangelista Lovi Poe Sid Lucero Geoff Eigenmann Alessandra de Rossi Mike Tan |
Bansang pinagmulan | Padron:Pilipinas |
Wika | Filipino |
Paggawa | |
Prodyuser tagapagpaganap | Winnie Hollis-Reyes |
Prodyuser | GMA Entertainment TV Group |
Sinematograpiya | Carlos S. Montaño Jr. |
Ayos ng kamera | Multiple-camera setup |
Oras ng pagpapalabas | 30-45 minuto |
Pagsasahimpapawid | |
Orihinal na himpilan | GMA Network |
Picture format | 480i NTSC |
Orihinal na pagsasapahimpapawid | 16 Enero 1 Hunyo 2012 | –
Website | |
Opisyal |
Buod
baguhinSi Cesar ay anak ni Don Romualdo Alcantara, ang nagtaguyod at presidente ng Legacy Corporation. Sa kabila ng kanyang imeheng pagiging "mapaglaro", si Cesar ay umibig sa isang trabahador sa kanilang kompanya—si Isabel. Ngunit ito ay mariing tinutulan ni Don Romualdo. At sa halip, pinilit nitong pakasalan ni Cesar si Eva, isang anak ng bankero na nagpahiram ng salapi sa kanilang kompanya upang isalba ito sa pagkakalugi. Ngunit buo na ang desisyon ni Cesar na ipaglaban ang kanilang pag-iibigan ni Isabel. Ngunit nabago ang lahat ng kaniyang plano ng isiwalat ni Eva na siya ay nagdadalang tao. Ngunit ang katotohanan, sinabi lamang nito na siya'y buntis upang hindi siya iwanan ni Cesar. Hindi siya maaaring magbuntis dahil mayroon siyang problema sa kanyang obaryo.
Dati nang napabalita na mayroong anak si Cesar sa isang bold star na si Anna Marie. Ngunit tutol si Don Romualdo na kilalanin ang bata (si Bernadette) dahil sa reputasyon ni Anna Marie. At naghihinala din siyang hindi ito talaga anak ni Cesar.
Sa isang pagkakataon na hinarap ni Eva si Isabel, ay nagkaroon ng kaguluhan sa pagitan ng mga nag-aalsang manggagawa ng kompanya. Ang mga ito ay ipnakulong ng kompanya—kabilang na si Isabel, at si Lucio, ang kanyang kaibigan at masugid na manliligaw. Ngunit buo ang loob ni Isabel na tutulungan siya ni Cesar. Hindi siya nagkamali. Naiurong ang kaso laban sa kanila at sila ay pinakawalan.
Sa sobrang kagalakan, pinuntahan ni Isabel si Cesar sa kanyang opisina upang ito'y pasalamatan sa mga ginawang tulong. Ngunit siya ay nabigla sa mga nasambit sa kanya ni Cesar. Gusto nitong magbitaw na si Isabel sa trabaho at gayon din ay tapusin na ang kanilang relasyon.
Dahil sa sobrang sama ng loob, nawalan ng malay si Isabel. Dahil dito, dinala ni Lucio si Isabel sa isang klinika upang ipatingin ang kalagayan nito. laking gulat nila ng ianunsyo ng doktor na si Isabel ay nagdadalang tao.
Minabuti ni Isabel na puntahan si Cesar upang sabihin ang magandang balita at sa pag-asang mababago ang desisyon nito. Ngunit hindi siya pinayagan ni Eva at siya ay pinagtabuyan.
Dahil sa takot ni Eva na iwan siya ni Cesar oras na malaman nito na nagdadalang tao si Isabel, kaya't minabuti nitong isikreto ang nalalaman. Sa halip, ipinagpatuloy nito ang pagpapanggap na siya ay buntis. Para mas lalong maging matagumpay ang kanyang pagpapanggap, mag-aampon siya ng isang sanggol. At naganap na nga ang lahat ng kasinungalingan. Nagtagumpay si Eva sa kanyang mga plano! Pinangalanan niyang Natasha ang sanggol.
Samantala, inalok ni Lucio si Isabel na pakasalan siya nito upang iligtas siya sa kahihiyan at upang magkaroon ng ama ang batang kanyang ipinagbubuntis. Agad ding pumayag si Isabel—ngunit isa itong desisyon na kanya ring pagsisisihan sa bandang huli. Ilang buwan ang lumipas at isinilang ni Isabel ang isang magandang batang babae na pinangalanan niyang Diana.
Ilang taon ang lumipas... nag krus ang mga landas nina Diana at Natasha nang di sinasadyang mabangga ng huli si Diana. Agad na nagkaroon ng di pagkakaunawaan ang dalawa.
Samantala, ang noo'y pangkalahatang tagapamahala ng Legacy Corporation na si Cesar ay pinaslang ng isang hindi matukoy na salarin. Dito magsisimulang ipaglaban nila Bernadette at Diana ang kanilang mga legal na karapatan sa pangalan at yaman ng yumao nilang ama.
Sino kila Natasha, Diana at Bernadette ang tagapagmana ng Legacy Corporation?
Mga Tauhan at Karakter
baguhinPangunahing Tampok
baguhin- Heart Evangelista bilang Diana Calcetas - Lumaki sa hirap kapiling ng kanyang ina at maalupit na amain na si Lucio. Mabait, matalino at responsableng anak. Mataas ang pangarap at iyon ay ang maiahon sa hirap ang kanyang ina at mailayo ito sa malupit na si Lucio.
- Lovi Poe bilang Natasha Alcantara - Lumaki sa yaman at luho. Maganda, matalino at mapagmataas. Ngunit sa kabila ng kanyang maituturing na "kumpletong buhay", isang lihim sa kanyang pagkatao ang nakatakdang sumira at umagaw ng lahat ng nasa kanya.
- Geoff Eigenmann bilang Joshua "Josh" Castillo - Anak mayaman, gwapo at isang batang negosyante. Isa siyang maituturing na "mapaglaro" pagdating sa larangan ng pag-ibig, ngunit lahat ng ito ay mababago ng makilala niya si Natasha. Ngunit ang kanilang relasyon ay masisisra din sa pagdating ni Diana sa kanilang mga buhay. Sino ang nararapat na babae para kay Josh... si Natasha o Diana?
- Sid Lucero bilang Iñigo Salcedo - Isang batang negosyante. Gwapo, matalino at mayaman—mga katangiang hinahangad ng kahit na sinong kababaihan. Ngunit ang atensiyon ni Iñigo ay nasa isang bagay lamang at iyon ay ang makaganti sa mga taong nagbigay ng matinding unos sa kanilang buhay.
- Alessandra de Rossi bilang Bernadette Leviste - Ang anak ni Cesar Alcantara sa "bold star" na si Anna Marie. Maganda, mapagmataas at mapagpanggap. Handa niyang gawin ang lahat upang mapa sakanya ang yaman ng mga Alcantara.
- Mike Tan bilang Arturo "Third" San Jose III - Ang apo ng isa sa mga ehekutibo ng Legacy Corporation. Gwapo, matalino at may mataas na pangarap. Paiibigin si Natasha Alcantara, hindi dahil sa mahal niya ito, ngunit para gamitin lang ito upang mapataas ang kanyang puwesto sa kompanya.
Iba pang Tauhan
baguhin- Eddie Garcia bilang Don Romualdo Alcantara
- Cherie Gil bilang Eva Alcantara
- Jackie Lou Blanco bilang Isabel Calcetas
- Maritoni Fernandez bilang Anna Marie Leviste
- Liza Lorena bilang Sofia
- Solenn Heussaff bilang Chloe Martin
- Sam Pinto bilang Ciara Estuar
- Mark Bautista bilang Eboy
- Ryza Cenon bilang Juliet
- Chariz Solomon bilang Candy
- Bon Vivar bilang Arturo San Jose Sr.
- Richard Quan bilang Lucio
- Lloyd Samartino bilang Rowell
- Tim Yap bilang Justin
- Shamaine Centenera bilang Lydia Dimacuycoy
- Carlo Gonzales bilang Gary
- Arthur Solinap bilang Quintin
- Bodie Cruz bilang Franco
Natatanging Tampok na Tauhan
baguhin- Robert Seña bilang Cesar Alcantara
- Ma. Isabel Lopez bilang Lala Salcedo
Mga Panauhin
baguhin- Dennis Trillo bilang batang cesar Alcantara
- Chynna Ortaleza bilang batang Eva Alcantara
- Bianca King bilang batang Isabel Calcetas
- Dominic Roco bilang batang Lucio
- Sue Prado bilang batang Sofia
- Benedict Campos bilang batang Rowell