Lesegno
Ang Lesegno ay isang comune (komuna o munisipalidad) sa Lalawigan ng Cuneo, rehiyon ng Piamonte, hilagang Italya, na matatagpuan mga 80 kilometro (50 mi) timog-silangan ng Turin at mga 35 kilometro (22 mi) silangan ng Cuneo. Noong Disyembre 31, 2004, mayroon itong populasyon na 868 at may lawak na 14.4 square kilometre (5.6 mi kuw).[3]
Lesegno | |
---|---|
Comune di Lesegno | |
Mga koordinado: 44°24′N 7°58′E / 44.400°N 7.967°E | |
Bansa | Italya |
Rehiyon | Piamonte |
Lalawigan | Cuneo (CN) |
Lawak | |
• Kabuuan | 14.24 km2 (5.50 milya kuwadrado) |
Taas | 422 m (1,385 tal) |
Populasyon (2018-01-01)[2] | |
• Kabuuan | 835 |
• Kapal | 59/km2 (150/milya kuwadrado) |
Demonym | Lesegnesi |
Sona ng oras | UTC+1 (CET) |
• Tag-init (DST) | UTC+2 (CEST) |
Kodigong Postal | 12076 |
Kodigo sa pagpihit | 0174 |
May hangganan ang Lesegno sa mga sumusunod na munisipalidad: Castellino Tanaro, Ceva, Mombasiglio, Niella Tanaro, at San Michele Mondovì.
Kasaysayan
baguhinAng Lesegno ay may sinaunang kasaysayan; noong ikasampung siglo ang nayon ay kabilang sa kondado ng Andrate, ng mga markes ng Susa.
Noong 1013, ipinagbili ni Olderico Manfredi, markes ng Susa, ang kastilyo sa isang pari, pagkatapos ay ipinasa ito sa obispo ng Asti, na ipinagkaloob ito sa mga markes ng Ceva, na humawak nito hanggang sa ika-17 siglo.
Noong 1790 ito ay naging isang markesado at ibinigay sa Markes ng Ceva at Lesegno, Cesare Gaspare. Nasira ito ng mga Español at Pranses noong 1649 at 1796.[4]
Ebolusyong demograpiko
baguhinMga sanggunian
baguhin- ↑ "Superficie di Comuni Province e Regioni italiane al 9 ottobre 2011". Istat. Nakuha noong 16 Marso 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Popolazione Residente al 1° Gennaio 2018". Istat. Nakuha noong 16 Marso 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ All demographics and other statistics: Italian statistical institute Istat.
- ↑ Guida al paese