Letras y figuras
Ang Letras y figuras (Filipino, "Mga titik at mga pigura") ay isang dyanra ng pagpipinta na ibinunsod ni Jose Honorato Lozano sa panahon ng kolonya ng Kastila sa Pilipinas. Ang anyo ng sining ay nakikilala sa pamamagitan ng paglalarawan ng mga titik ng alpabeto gamit ang dyanra ng pagpipinta na may tabas ng mga hugis ng mga anyo ng tao, mga hayop, mga halaman, at iba pang mga bagay na tinatawag na Tipos del País na pinasikat ni Damian Domingo. Ang mga titik ay naglalarawan ng pagbabaybay ng isang parirala o isang pangalan, kadalasan sa mga patron na nag-atas sa gawain.[1] Ang mga larawang-pinta ay nililikha sa pamamagitan ng pangulay na tinutubigan sa papel de Manila. Ang pinakaunang halimbawa ng anyo ng sining na ito ay nagsimula noong 1845; ang pinakahuling umiiral na ispesimen ay nabuo sa panahon ng huling bahagi ng kapanahunang Amerikano sa mga taong 1930 sa panahon ng Komonwelt ng Pilipinas.[2]
Noong 1995, isang album ng mga larawang-pinta ni José Honorato Lozano ay nasubasta sa Christie’s sa panimulang tawad na £300,000.[2]
Mga halimbawa
baguhin- Ang BALVINO MAURICIO ay nabuo ni José Honorato Lozano noong Nobyembre 1864 para sa tukayong Balvino Mauricio, isang taga-Binondong mangangalakal na kalaunan nadawit sa 1872 Pag-aaklas sa Cavite. May sukat na 93 sm x 113 sm, ang larawang-pinta na ito ay naglalarawan ng isang bahay sa Maynila sa panahong iyon. Ang bahay na ito ay pinaniniwalaang kaparehong bahay na inilarawan ni José Rizal sa kabanatana ng pagbubukas ng Noli Me Tángere.[3]
- Ang IMELDA ROMUALDEZ MARCOS, ng di-kilalanng pinagmulan. Nakatahan sa Museo ng Malakanyang, pinaniniwalaang ito na ipinagpinta para sa dating Unang Ginang Imelda Marcos. Ito ay naglalarawan sa mga gusali't mga institusyon na itinatag niya at ni Ferdinand Marcos.[4]
- PASKO, ipininta ni Alvaro Jimenez noong 1988 para sa Museong Ayala. Ito ay inilimbag bilang kartang pamasko ng museo ng taong iyon.[5]
Tingnan din
baguhinMga sanggunian
baguhin- ↑ Blanco, John D. (2009). Mga Duluhang Konstitusyon: Kristiyanismo at Imperyong Kolonyal sa Pilipinas Noong Ikalabinsiyam na Dantaon. Pamantasan ng California. ISBN 978-0-520-25519-7.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 2.0 2.1 "Letras Y Figuras Natatanging Sining Dyanrang Pilipino". Nakuha noong 20 Hulyo 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Ocampo, Ambeth R. (2 Abril 2014). "Isang sulyap sa bahay ni Kapitan Tiago". Philippine Daily Inquirer. Nakuha noong 20 Hulyo 2015.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Kyo, Satoshi. "SATOSHI sa Letras Y Figuras, isang mapanlikhang anyo ng sining Pilipino art form". Nakuha noong 2 Abril 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Kyo, Satoshi. "SATOSHI on Letras Y Figuras and Alvaro Jimenez". Nakuha noong 2 Abril 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)