Pangasiwaan ng Light Rail Transit

(Idinirekta mula sa Light Rail Transit Authority)

Ang Pangasiwaan ng Light Rail Transit[1] (Ingles: Light Rail Transit Authority, daglat LRTA) ay ang tagapagtakbo at tagapagpanatili ng Sistema ng Light Rail Transit ng Maynila (LRT) sa Pilipinas. Kabahagi nito ng Kagawaran ng Transportasyon (DOTr) bilang isang kabit na ahensiya. Habang kabahagi naman ng DOTC ang LRTA, isa ring kompanyang pampamahalaan ito.

Pangasiwaan ng Light Rail Transit
Light Rail Transit Authority
UriPagmamay-ari ng estado
IndustriyaPampublikong transportasyon
ItinatagMaynila, Pilipinas (1980)
Punong-tanggapanPasay, Pilipinas
Pangunahing tauhan
Atty. Rafael S. Rodriguez, Tagapangasiwa
KitaPHP 5,664,808 kada karaniwang araw
Dami ng empleyado
1,707
Websitewww.lrta.gov.ph

Hindi pinatatakbo at pinapanatili ang LRTA ang pribadong Sistema ng Metro Rail Transit ng Maynila (MRT), kung saan ang responsibilidad na ito ay itinasa sa Metro Rail Transit Corporation (MRTC). Gayunpaman, may ilang panukalang isanib ang pangangasiwa ng dalawang lambat-lambat sa ilalim ng LRTA.

Kasaysayan

baguhin

Noong Hulyo 12, 1980, nilikha ni dating Pangulo Ferdinand Edralin Marcos ang Light Rail Transit Authority sa pamamagitan ng Executive Order No. 603[2], at itinalaga ang Unang Ginang at Gobernador ng Metro Manila na si Imelda Marcos bilang tagapangulo nito.

Mga sanggunian

baguhin

Mga kawing panlabas

baguhin


  Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.