Liham ng pagpapabalik
Ang liham ng pagpapabalik (Ingles: letter of recall, literal na "liham ng muling pagtawag") ay isang liham o sulat ng pagpapabalik ng isang embahador sa kaniyang pinagmulang bansa o pamahalaang nagsugo. Maaaring ito ay isang paraan ng protestang diplomatiko (tingnan ang liham ng protesta) o dahil sa ang isang diplomata ay pinapalitan ng ibang sugo. Kabaligtaran ito ng liham ng pagtitiwala (liham ng pagsusugo). Ang mga liham na diplomatiko ay pangkalahatang nakasulat sa wikang Pranses (ang lingguwa prangka o "tunay na wika" ng diplomasya), maliban na lamang sa kung ang mga bansa ay gumagamit ng magkatulad na wikang opisyal.
Ang liham ng pagpapabalik ay inihaharap din ng isang bagong embahador, kasama ng kaniyang liham ng pagtitiwala, sa pinuno ng estado ng kaniyang pinuntahang bansa habang nagaganap ang kaniyang seremonya ng presentasyon o paghaharap ng mga kredensiyal (liham ng pagtitiwala). Ito ang opisyal na kasulatan na pormal na nagpapabalik sa kaniyang pinalitang embahador sa pinagmulan nitong bansa o pamahalaan.[1]
Mga kahulugan
baguhinAyon sa The Free Dictionary by Farlex, ang liham ng pagpapabalik ay isang nakasulat na dokumentong itinuon ng tagapagpatupad ng isang pamahalaan sa tagapagpatupad ng isa pang pamahalaan, na nagbibigay-alam sa ipinadalhang tagapagpatupad ng pamahalaan na ang isang ministro na ipinadala ng nagpadalang tagapagpatupad ng pamahalaan ay ipinababalik nang pabalik sa nagpadalang pamahalaan.[2]
Ayon sa USLegal.com ang liham ng pagpapabalik ay isang opisyal na diplomatikong nakasulat na dokumento na nagpapabalik ng isang embahador pabalik sa nagsugong bansa o pamahalaan. Ihaharap ito ng isang bagong embahador (kasabay ng paghaharap niya ng sarili niyang liham ng pagtitiwala) sa pinuno ng estado ng tumatanggap na estado. Itinutuon ito ng tagapagpatupad ng isang pamahalaan sa tagapagpatupad ng ibang pamahalaan na nagpapabalik sa isang embahador, na maaaring paraan ng protestang pangdiplomasya o dahil sa ang isang diplomata ay ipadadala sa ibang lugar, magreretiro na, o naging isang persona non grata (isang taong hindi kinagigiliwan o isang taong inaayawan).[3]7
Sa Ingles, ang recall o "pagpapabalik" ay maaaring tumukoy sa pagboto na tanggalin sa tungkulin ang isang opisyal[4], na sa makatuwid ay isang "pag-alis", "pagpapaalis" o "pagtatanggal".
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Glossary of Diplomatic Terms: Credentials, Letters of Credence, Letters of Recall, ediplomat.com
- ↑ LETTER of RECALL, the Free Dictionary by Farlex
- ↑ Letter of Recall Law & Legal Definition, USLegal.com
- ↑ Deverell, William at Deborah Gray White. United States History and New York History: Post-Civil War to the Present (Holt McDougal:2010), pahina R12.
Mga kawing na panlabas
baguhin- Halimbawa ng isang liham ng pagpapabalik ng isang embahador Naka-arkibo 2016-03-14 sa Wayback Machine., mula sa Ethiomedia.com