Misyong diplomatiko

(Idinirekta mula sa Sugo)

Ang misyong diplomatiko (literal na misyong pandiplomasya) ay isang pangkat ng mga tao o kalipunan ng mga mamamayan mula sa estado (bansang may pamahalaan) o isang pandaigdigang organisasyong intergobernamental (katulad ng Mga Bansang Nagkakaisa) na naroroon sa ibang estado upang katawanin ang nagpadalang estado o organisasyon sa tumatanggap na estado. Sa gawain at nakaugalian, ang misyong diplomatiko ay karaniwang nagpapahiwatig ng misyong permanente o misyong pamalagian, partikular na ang tanggapan ng mga kinatawang diplomatiko ng isang bansa sa loob ng kabiserang lungsod ng ibang bansa. Bukod sa pagiging isang misyong diplomatiko sa bansang kinalalagyan nito, ito ay maaari ring maging isang misyong permanente na “hindi naninirahan” o “hindi residente” sa isa o mahigit pang ibang mga bansa. Kung gayon mayroong mga embahadang residente (naninirahan) at hindi residente (hindi naninirahan) sa ibang bansang kinalalagyan.[1][2][3][4]

Embahada ng Espanya sa Banal na Luklukan at Soberanong Ordeng Militar ng Malta sa Roma
Embahada ng Norwuega sa Estados Unidos, sa Washington D.C.
Maramihang mga embahada sa isang lokasyon: Ang mga embahada ng Dinamarka, Pinlandiya, Islandiya, Norwuega, at Suwesya sa isang joint compound saBerlin, Alemanya.

Pagpapangalan

baguhin

Ang isang misyong diplomatiko o misyong pangdiplomasya ay pangkaraniwang o kalimitang tinatawag bilang isang embahada o pasuguan[5] ang isang pamalagiang misyong diplomatiko, at tinataguriang embahador (sinugo o sugo) ang taong nangangasiwa, namamahala, o namumuno sa misyon. Ang katagang “embahada” ay kadalasang tumutukoy sa isang gusali o kompawnd na nagbabahay ng mga tanggapan ng embahador at ng mga tauhan niya. Teknikal na ang “embahada” ay tumutukoy sa mismong delegasyong dimplomatiko, habang ang gusaling tanggapan kung saan sila nagtatrabaho ay nakikilala bilang isang tsanserya (chancery sa Ingles). Samantala, mga mataas na komisyon ang tawag naman sa mga misyon sa pagitan ng Komonwelt ng mga Nasyon at mga mataas na komisyonado (high commissioner sa Ingles) ang tawag sa kanilang mga pinuno.

Ang mga embahador o ambassador sa Ingles ay maaaring manirahan sa loob o sa labas ng tsanserya; bilang halimbawa, ang mga misyong deplomatiko ng Estados Unidos ay nagpapanatili ng nakahiwalay na pabahay para sa kanilang mga embahador bukod pa sa kanilang mga embahada. Ang mga embahador na naninirahan sa labas ng tsanserya ay nakapagpapanatili ng natatanging proteksiyon mula sa puwersang pangseguridad ng nagpapasinayang bansa at ang mga residensiyang ambasadoryal ay nakatatanggap ng katulad na mga karapatang pangmisyon.

Ang lahat ng mga misyon para sa Mga Nagkakaisang Bansa ay payak na tinatawag bilang mga misyong permanente o misyong pamalagian (mga permanent mission sa katawagang Ingles). Isang pamalagiang kinatawan at isang embahador (pamalagiang sugo) ang karaniwang namumuno sa ganitong mga misyon. Samantala, ang mga misyon para sa Unyong Europeo ng mga kasapi o miyembrong estado ng Unyong Europeo ay tinatawag naming mga permanenteng representasyon (mga permanent representation) at ang ulo o pinuno ng ganyang misyon ay tipikal na kapwa isang representatibong permanente (kinatawang pamalagian) at isang embahador o ambasador. Ang mga misyon ng Unyong Europeo na nasa ibayong-dagat ay kinikilala bilang mga delegasyon ng EU o delegasyon ng Unyong Europeo (mga EU delegation). Ilang mga bansa ang may mas partikular na pagpapangalan o pagtawag para sa kani-kanilang mga misyon at mga tauhan.

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. Tom Nierop, Systems and Regions in Global Politics (Wiley, John and Sons 1994 ISBN 9780471949428, p. 67.)
  2. "Ang Pederasyong Ruso ay may mga ugnayang diplomatiko na may kabuuan ng 187 mga bansa, subalit ang ilan sa kanila – pangunahing dahil sa mga kadahilanang pampananalapi – ang nagpapanatili ng mga embahadang hindi residente sa ibang mga bansa", International Affairs, issues 4-6 (Znanye Pub. House, 2006), p. 78
  3. "Mula sa 109 dayuhang mga misyong diplomatiko ng Tsile noong 1988, hindi bababa sa 31 ang nasa kalagayang hindi pamahayan (residential), habang ang 17 ng 63 mga misyon sa Santiago ay hindi residente" (Deon Geldenhuys, Isolated States: A Comparative Analysis (University of Cambridge 1990 ISBN 0-521-402689), p. 158).
  4. "Ang misyong diplomatiko ng Amerika (Estados Unidos) sa (Saudi Arabia) ay binago mula hindi residente upang maging permanenteng Ministro sa Jeddah" (Fahad M. Al-Nafjan, The Origins of Saudi-American Relations, walang bilang ang pahina).
  5. English, Leo James (1977). "Embahada, pasuguan". Tagalog-English Dictionary (sa wikang Ingles). Congregation of the Most Holy Redeemer. ISBN 9710810731.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)