Sulat ni Pablo
Bagong Tipan ng Bibliya |
---|
|
Ang mga sulat ni Pablo ay mga liham na inakdaan ni San Pablo ng Tarso, isa sa mga naging unang apostol ng Kristiyanismo. Tinatawag din itong mga Paulinong Sulat (mula sa Ingles na Pauline Letters o Pauline Epistles) o mga Epistolaryong Paulino.[1] Unang naisulat ang mga liham ni Pablo bago pa man maisatitik ang mga Ebanghelyo nina San Mateo, San Marcos, San Lucas, at San Juan. Naglalaman ang mga liham na ito ng mga kapansin-pansin at naging bantog na mga pangungusap sa panitikan ng daigdig.[2]
Paglalarawan at katangian
baguhinNakaaakit ng pansin ang mga sulat na ito sapagkat - katulad ng ibang mga tunay na sulat sa araw-araw na pamumuhay ng tao, at maging ng iba ring mga sulat sa Bagong Tipan ng Bibliya - naglalaman ang mga ito ng pagtalakay sa mga pangaraw-araw na mga suliraning lumilitaw na lamang basta. Isa pang katangian nito ang pagiging mga liham na hindi nasusulat bilang mga pormal na mga sanaysay. Karamihan sa mga sulat na ito ang hinggil sa mga tiyak na suliraning inibig talakayin ni Pablo habang nakikipagugnayan sa partikular na mga parokya o pangkat ng mga tao. Ginamit din ni Pablo ang mga sulat na ito para sagutin ang mga katanungan ng mga mamamayang ito.[1]
Mga pinadalan at nakatanggap
baguhinNakatakda ang mga Sulat na Paulino para sa bawat isang parokya o simbahan ng mga sinaunang Kristiyano. Kabilang sa mga liham na ito ang para sa mga Kristiyanong Romano, Corintio, Galata, Efesio, Filipense, Colosense, at Tesalonicense. Kasama rin sa pangkat na ito ang mga sulat para sa mga pastor o pinuno ng parokyang sina Timoteo at Tito ang Alagad (o Titus ang Alagad).[1]
Pagkakasunud-sunod at kahanayan
baguhinAng mga sumusunod ang mga sulat na tradisyonal na pinaniniwalaang isinulat ng Apostol Pablo. Ang mga sumusunod ay ayon sa pagkakahanay ng mga ito sa Bagong Tipan ng Bibliya:
- Sulat sa mga taga-Roma
- Unang Sulat sa mga taga-Corinto
- Ikalawang Sulat sa mga taga-Corinto
- Sulat sa mga taga-Galacia
- Sulat sa mga taga-Efeso
- Sulat sa mga taga-Filipos
- Sulat sa mga taga-Colosas
- Unang Sulat sa mga taga-Tesalonica
- Ikalawang Sulat sa mga taga-Tesalonica
- Unang Sulat kay Timoteo
- Ikalawang Sulat kay Timoteo
- Sulat kay Tito
- Sulat kay Filemon
Autentisidad(pagiging tunay) ng mga liham
baguhinAng ilan sa mga liham na ito ay pinaniniwalaan ng karamihan ng mga iskolar ng Bibliya na pseudepigrapikal(may pekeng pangalan) o pandaraya na ang layunin ay upang pangatwiranan ang ilang mga kalaunang paniniwala.
Posibleng totoong isinulat ng taong may pangalang Pablo
baguhinAng mga 7 liham na itinuturing na tunay ng karamihan sa mga iskolar ng Bibliya ang sumusunod at mga petsa ng pagkakasulat nito ayon sa mga iskolar ng Bibliya:[3] :
- Unang Sulat sa mga taga-Tesalonica (ca. 51 CE)
- Sulat sa mga taga-Filipos (ca. 52-54 CE)
- Sulat kay Filemon (ca. 52-54 CE)
- 1 Corinto (ca. 53-54 CE)
- Sulat sa mga taga-Galacia (ca. 55 CE)
- 2 Corinto (ca. 55-56 CE)
- Sulat sa mga taga-Roma (ca. 55-58 CE)
Peke na ipinangalan kay Pablo
baguhinAng mga sumusunod ang mga sulat na pinaniniwalaan ng karamihan sa mga iskolar ng Bibliya na pseudepigrapikal(peke):[4]
- Pastoral na liham: Sa batayan ng wika, nilalaman, at iba pang mga paktor, ang mga pastoral na liham ay itinuturing ng mga iskolar ng Bibliya na hindi isinulat ng Apostol Pablo kundi pagkatapos ng kamatayan nito. [5] Ayon sa mga mga iskolar, ang mga bokabularyo at mga stilong literaryo ng mga ito ay nabigong umangkop sa sitwayon ng buhay ni Pablo sa mga ibang sulat at natukoy ng mga iskolar dito ang lumitaw ng Iglesiang Kristiyano kesa sa henerasyong apostoliko. Ang iskolar na si P.N. Harrison sa aklat nitong "The Problem of the Pastoral Epistle" ang unang nagtangka upang pabulaanan ang pagiging may-akda ni Pablo sa pamamagitan ng pagbibilang ng hapax legomena o iba pang mga sukat bokabularyo. Ang isang halimbawa ng mga argumento ng stilo laban sa pagiging may-akda ni Pablo, ang trabaho ng pag-iingat ng tradisyon ay ipinagkatiwala sa mga ordinadong presbitero. Ang maliwanag na kahulugan ng presbuteros bilang indikasyon ng opisina ay ayon sa mga iskolar tila dayuhan kay Pablo at sa lahing apostoliko. Ang mga halimbawa ng ibang mga opisina ay kinabibilangan ng 12 apostol sa Mga Gawa ng mga Apostol at ang pagkakahirang ng pitong deakono kaya naitatag ang opisina ng deakonado. Ang ikalawang halimbawa ang mga tungkuling pangkasarian(gender) sa mga liham na nagbabawal sa mga tungkulin ng kababaihan na lumilitaw na lumilihis sa mas egalitariyanong katuruan ni Pablo na kay Kristo ay walang babae o lalake(Gal. 3:28). Kabilang din dito ang pagpapabulaan ng mga liham na ito sa mas umunlad na Gnostisismo noong ika 2 siglo CE gaya ng makikita sa 1 Tim. 4:1-4 na hindi angkop sa sinasabing panahon ni Pablo na pinaniniwalaang nabuhay noong ca. 5 hanggang 67 CE. Ang mismong salitang Griyegong γνῶσις("Gnosis o Kaalaman") na pinagmulan ng Gnostisismo ay umiiral sa 1 Tim. 6:20. Ang "irregular ng karakter, biglaang mga koneksiyon at maluwag na mga transisiyon ng liham na ito" ang nagtulak sa mga iskolar ng Bibliya na matukoy ang mga kalaunang interpolasyon(karagdagan) gaya ng konklusyon sa 1 Tim 6:20-21 na binabasa bilang reperensiya kay Marcion ng Sinope at ang mga linya na lumilitaw na marhinal na paliwanag(glosses) na kinopya sa katawan ng teksto. Kung ang mga pagkakatugma(parralels) sa pagitan ng 1 Timoteo at ng liham ni Polycarpio ay mauunawaang pagbatay na pampanitikan ng liham ni Polycarpio sa 1 Timoteo gaya ng pangkalahatang pagtanggap ng mga iskolar[6], ito ay bubuo sa terminus ante quem na 130-155 CE. Gayunpaman, si Irenaeus na sumulat noong ca. 180 CE ang pinakaunang may-akda na maliwanag at walang dudang naglarawan ng mga pastoral na liham. Ang pinakalumang manuskrito ng 1 Timoteo at 2 Timoteo ang Codex Sinaiticus na may petsang 350 CE samantalang ang pinakalumang manuskrito ng Tito na Papyrus 32 ay may petsang ika-2 siglo CE.
- 1 Timoteo: Ang "irregular ng karakter, biglaang mga koneksiyon at maluwag na mga transisiyon ng liham na ito" ang nagtulak sa mga iskolar ng Bibliya na matukoy ang mga kalaunang interpolasyon(karagdagan) gaya ng konklusyon sa 1 Tim 6:20-21 na binabasa bilang reperensiya kay Marcion ng Sinope at ang mga linya na lumilitaw na marhinal na paliwanag(glosses) na kinopya sa katawan ng teksto.
- 2 Timoteo: Ang wika at mga ideya ng sulat na ito ay makikilang iba sa dalawa pang pastoral na liham. Ito ang nagtulak sa mga iskolar na magbigay ng konklusyon na ang may-akda ng 2 Timoteo ay iba sa 1 Timoteo at Tito. [7]
- Sulat kay Tito: Gaya ng sa 1 Timoteo at 2 Timoteo, ang wika ng liham na ito ay nagpapakita ng lumitaw na Iglesiang Kristiyano kesa sa henerasyong apostoliko. [8]
Hindi matiyak kung tunay o peke
baguhinAng mga sumusunod ang mga sulat na hati ang mga iskolar ng Bibliya sa pagiging tunay: [4]
Hindi isinulat ni Pablo
baguhinAng isang walang pangalan na sulat na tradisyonal na itinuturo kay Pablo ngunit ang lahat ng iskolar ng Bibliya ay naniniwalang hindi isinulat ni Pablo ang:
Mga nawawalang liham ni Pablo
baguhin- Ang unang sulat sa Corinto[9] na tinukoy sa 1 Corinthians 5:9
- Ang ikatlong sulat sa Corinto na tinawag na Masidhing Sulat at tinukoy sa2 Corinthians 2:4 and 2 Corinthians 7:8–9
- Ang mas naunang sulat sa mga taga-Efeso na tinukoy sa Ephesians 3:3–4
- Ang sulat sa mga taga-Laodicea na tinukoy sa Colossians 4:16
Mga hindi kanonikal na panitikang ipinangalan o tungkol kay Pablo
baguhinAng mga sumusunod ang mga hindi kanonikal na sulat na inangkin na isinulat ni Pablo:
- Ikatlong Sulat sa mga taga-Corinto na kanonikal sa isang panahon sa Iglesiang Armenian Orthodox
- Sulat sa mga taga-Laodicea (na matatagpuan sa Codex Fuldensis)
- Sulat ng mga Corinto kay Pablo (hindi isinulat ni Pablo)
- Sulat sa mga taga-Alexandria
May mga teksto ring umiiral na bagaman hindi striktong mga liham ay gayunpman nag-aangkin na isinulat ni o tungkol kay Pablo:
- Mga Gawa nina Pablo at Thecla
- Mga Gawa nina Pedro at Pablo
- Apocalipsis ni Pablo
- Koptikong Apocalipsis ni Pablo
- Panalangin ng Apostol Pablo
- Sulat kay Seneca na Mas Nakababata
Ang ilan ay nagmungkahi rin ng pag-iral ng ikatlong sulat sa mga taga-Tesalonica na isinulat o pineke sa pangalan ni Pablo na posibleng tinutukoy sa 2 Th 2:1-2, 3:17é
Tingnan din
baguhinMga sanggunian
baguhin- ↑ 1.0 1.1 1.2 "(a) History of Christianity, pahina 280; (b) New Testament, pahina 161-162". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Reader's Digest (1995). "Introduction to the Old and New Testaments, pahina 16". The Reader's Digest Bible, Illustrated Edition (Condensed from the Revised Standard Version: Old and New Testaments). The Reader's Digest Association, Inc., Pleasantville, London/New York/Montreal/Sydney/Auckland/Cape Town, ISBN 0276420136.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Pheme Perkins, Reading the New Testament: An Introduction (Paulist Press, 1988), pp. 4-7.
- ↑ 4.0 4.1 New Testament Letter Structure, from Catholic Resources by Felix Just, S.J.
- ↑ See I.H. Marshall, A Critical and Exegetical Commentary on the Pastoral Epistles (International Critical Commentary; Edinburgh 1999), pp. 58 and 79. Notable exceptions to this majority position are Joachim Jeremias, Die Briefe an Timotheus und Titus (Das NT Deutsch; Göttingen, 1934, 8th edition 1963) and Ceslas Spicq, Les Epîtres Pastorales (Études bibliques; Paris, 1948, 4th edition 1969). See too Dennis MacDonald, The Legend and the Apostle (Philadelphia 1983), especially chapters 3 and 4.
- ↑ Berding, K, (1999), Polycarp of Smyrna's View of the Authorship of 1 and 2 Timothy,Vigiliae Christianae, Vol. 53, No. 4. (Nov., 1999), pp. 349-360.
- ↑ Raymond E. Brown, An Introduction to the New Testament (New York: Doubleday, 1997), pp.672-675.
- ↑ Raymond E. Brown. An Introduction to the New Testament. New York: Anchor Bible, p. 662
- ↑ Also called A Prior Epistle of Paul to the Corinthians[1] Naka-arkibo 2012-12-25 sa Wayback Machine. or Paul’s previous Corinthian letter.[2], possibly Third Epistle to the Corinthians
Mga kawing panlabas
baguhin- Ang Biblia, Buong Bibliya sa wikang Tagalog, mula sa AngBiblia.net
- Ang Dating Bibliya (1905), Buong Bibliya sa wikang Tagalog - mula Henesis hanggang Pahayag