Lindol sa Mindanao ng Disyembre 2023

Isang Lindol sa Mindanao ang nangyari noong ikalawa ng Disyembre taong 2023 sa dakong 22:37 (10:37 PM, GMT +8) ng gabi. Niyanig ng malakas na lindol ang rehiyon ng Caraga sa Mindanao, na nag-iwan ng 3 katao na nasawi, at mahigit 67 na mga sugatan. Habang ang iba ay nawawala.

Damaged PAGASA Doppler weather radar station in Hinatuan.Map
Map
Map of main shock and aftershocks – M 4.0 or greater (map data)
UTC time2023-12-02 14:37:03
USGS-ANSSComCat
Local dateDecember 2, 2023
Local time22:37
Magnitud7.6 Mww
7.4 Mw
Lalim32.8 km (20.4 mi)
Lokasyon ng episentro8°31′37″N 126°26′56″E / 8.527°N 126.449°E / 8.527; 126.449
UriOblique-thrust
Kabuuang pinsala₱133 milyon (US$2.4 milyon)
Pinakamalakas na intensidadMMI VII (Very strong)

PEIS VII (Destructive)
Tsunami64 cm (2.10 tal)
Mga kasunod na lindol5,653 (235 above Mw 4.5, as of 10/12/2023)<ref name="USGS catalog"</ref>
Strongest is Mw 6.9
Nasalanta3 patay, 67 sugatan, 9 nawawala

Lindol

baguhin

Ang United States Geological Survey ay nakapag-ulat na ang 7.6 na lindol na tumama sa Mindanao ay naglabas ng enerhiyang magnitud 7.4.

Ang mga pag lindol ay naitala malapit sa Palya ng Pilipinas (Philippine Trench), ayon sa PHIVOLCS sa lungsod ng Tandag sa Surigao del Sur. Isa sa mga sanhi ay ang paggalaw ng Philippine Sea Plate na may layong 103 mm (4.1) papunta sa Sunda Plate.

Ang PHIVOLCS ay nakapagtala ng 5.653 na mga aftershocks sa loob ng walong araw at 235 ang mga naitala M 4.5 ayon sa USGS.

Tsunami

baguhin

Nagbabala ang PHIVOLCS ng tsunami sa mga lalawigan ng Surigao del Sur at Davao Oriental na may taas na 1m (3.3) ay aabot hanggang sa timog baybayin sa Japan, Ang Pacific Tsunami Warning Center ay nagbabala na inaasahang magkakaroon ng tsunami na aabot 1-3 m (3.3-9.8) feet .

Pinsala

baguhin

Tatlo ang naitalang nasawi, isa sa Lungsod ng Tagum, isa sa Barobo at isa sa Bislig, Sanhi ng mga pagguho ng ilang debris mula sa mga pader, 67 ang mga sugatan, kabilang ang 12 sa Rehiyon ng Davao, Mahigit 4,913 na mga kabahayan ang napinsala at 371 ang iba pa, Mahigit ba 44 milyon (US$810,000), at ang datos ay aabot pa sa 113 milyon peso (US$2.4 milyon), Higit na 399,765 na katao mula sa pamilyang 100,174 na lubos na naapektuhan, kabilang rin ang 100,533 na mga residente ang nawalan ng tirahan.

Episentro

baguhin

Sa bayan ng Hinatuan na kung saan ay malapit ang episentro ay higit 142 mga kabahayan ang nasira at 852 ang iba pa, Nawalan ng suplay ng kuryente at internet. At ayon sa dalawang mayor ay mahigit 11,000 (taya 41,000), na mga pamilya ang apektado.

Nagiwan ng pinsala ang lindol sa mga paliparan ng Butuan, Surigao, Sayak, Tandag at Bislig, Nawalan rin ng suplay ng kuryente sa Bayugan, Agusan del Sur.

Tingnan rin

baguhin

Sanggunian

baguhin