Si Ludovico Legaspi, (Setyembre 10, 1941 – Setyembre 8, 2019) o mas kilala sa pangalang Lito Legaspi[kailangan ng sanggunian] ay isang artista na gumaganap sa mga Pelikula't mga programang pantelebisyon. Ang ama ng mga magkakapatid na Zoren, Kier, at Brando, isa siya sa mga kinikilalang "Matinee Idol" noong 1950's nang siya'y maitampok sa ilang mga pelikula ng Sampaguita Pictures. Siya'y maaala-ala sa ilang mga pelikula gaya ng "Sinong Kapiling? Sinong Kasiping?" kung saan siya nagkamit ng Gawad Urian Award para sa Best Supporting Actor noong 1977.

Lito Legaspi
Kapanganakan
Ludovico A. Legaspi

10 Setyembre 1941(1941-09-10)
Kamatayan8 Setyembre 2019(2019-09-08) (edad 77)
LibinganCaravana Monastery, Magalang, Pampanga, Pilipinas
NasyonalidadFilipino
TrabahoArtista
Aktibong taon1959-2019
Kamag-anak
  • Zoren Legaspi(Anak)
  • Kier Legaspi (Anak)
  • Brando Legaspi (Anak)
  • Carmina Villaruel-Legaspi (Manugang)
  • Marjorie Barretto (Manugang)
  • Maverick "Mavy" Legaspi (Apo)
  • Cassandra "Cassy" Legaspi (Apo)
  • Dani Barretto (Apo)

Talambuhay

baguhin

Una siyang naitampok noong 1959 sa Pelikulang Komedya na "Ipinagbili namin ang aming Tatay" na pinagbidahan ng Hari ng Komedyang si Dolphy.

Taong 1963 naman nang ipinakilala siya kasama ng mga baguha't nagsisimula pa lamang na mga artistang sina Rosemarie Sonora, Gina Pareño, Dindo Fernando, Pepito Rodriguez, Romeo Rivera at Bert Leroy, Jr.

Sa kanyang paglabas sa loob ng bakuran ng Sampaguita Pictures ay nagkamit siya ng pagkakakilanlan bilang isang "Matinée Idol" kagaya ng kanyang mga kasabayan ng panahong iyon na sina Romeo Vasquez, Jose Mari Gonzales, Eddie Gutierrez, Juancho Gutierrez at Greg Martin.

Bilang isang Premyadong aktor ay lumabas siya sa kabuoang mga 190 na mga pelikula, ay siya'y pinarangalan ng isang bituin sa Eastwood City Walk of Fame noong Disyembre 2014 para sa kanyang ambag sa Pelikulang Pilipino.

Personal na Buhay

baguhin

Kamatayan

baguhin

Sanggunian

baguhin