Si Lope Félix de Vega Carpio KOM ( /ˌlp di ˈvɡə/ LOH-pei-_-de-_, Kastila: [ˈlope ˈfeliɣz ðe ˈβeɣa i ˈkaɾpjo]; 25 Nobyembre 1562 – 27 Agosto 1635) ay isang Kastilang manunula, manunulat sa dula at nobela, at marino. Isa siya sa pangunahing mga taong tanyag sa Ginintuang Panahon ng Kastila ng panitikang Baroque. Pangalawa lamang siya kay Miguel de Cervantes sa katanyagan sa mundo ng panitikang Kastila.[1] Hindi mapapantayan ang wagas na dami ng kaniyang mga gawang pampanitikan, kaya isa siya sa pinakamapanlikhang mga may-akda sa kasaysayan ng panitikan. Binansagan siya ni Cervantes na "The Phoenix of Wits" at "Monster of Nature" (sa Kastila: Fénix de los Ingenios, Monstruo de la Naturaleza) dahil sa kaniyang mapanlikhang katangian.

Lope de Vega
Larawan ni Lope de Vega
KapanganakanLope de Vega Carpio
25 Nobyembre 1562
Madrid, Espanya
Kamatayan27 Agosto 1635(1635-08-27) (edad 72)
Madrid, Espanya
TrabahoManunula, manunulat ng dula, manunulat ng nobela
WikaKastila
Kilusang pampanitikanBaroque
(Mga) kilalang gawaFuenteovejuna
The Dog in the Manger
Punishment Without Revenge
The Knight from Olmedo
(Mga) anak15

Binago ni Lope de Vega ang dulaang Kastila sa panahong nagsisimula na ito maging isang pangmadlang kaganapang pangkalinangan. Inilarawan niya ang pangunahing mga katangian nito, at dinala ang dulaang Kastilang Baroque sa rurok nito kasama sina Pedro Calderón de la Barca at Tirso de Molina. Dahil sa kabatiran, lalim, at pagkanatural ng kaniyang mga dula, tinuring siya na isa sa pinakadakilang mga dramaturgo sa panitikang Kanluranin, at itinatanghal pa rin ang kaniyang mga dula sa buong mundo. Itinuturing din siya na isa sa pinakamahusay na manunulang liriko sa wikang Kastila, at nagsulat siya ng ilang mga nobela. Bagamat hindi gaanong kilala sa mundong Ingles, itinanghal ang kaniyang mga dula sa Inglatera kasinghuli ng dekada-1660, kung kailang itinala ni diyaristang Samuel Pepys na inasikaso niya ang ilang mga adaptasyon at salin ng mga ito, bagamat hindi niya binanggit ang may-akda.

Ini-ugnay sa kaniya ang 3,000 sonete, 3 nobela, 4 maigsing nobela, 9 tulang epiko, at humigit-kumulang 500 dula. Bagamat binatikos siya sa pagpabor ng kantidad sa halip ng kalidad, itinuturing na mga obra maestra ang hindi-bababa sa 80 ng kaniyang mga dula. Kaibigan niya ang manunulat na si Francisco de Quevedo at pangunahing kaaway niya ang of dramaturgong si Juan Ruiz de Alarcón. Dahil sa dami ng kaniyang mga likhang akda, kinainggitan siya hindi lamang ng mga may-akdang kontemporaryo tulad nila Cervantes at Luis de Góngora, kung hindi pati na ang maraming iba pa. Bilang halimbawa, humiling minsan si Johann Wolfgang von Goethe na nakagawa sana siya ng isang malawak at makulay na obra.[2]

Talaan ng mga gawa

baguhin

Mga dula

baguhin

Nakatala rito ang ilan sa pinakakilalang mga dula ni Vega:

  • La selva sin amor (18 Disyembre 1627) (The Lovelorn Forest), ang unang Kastilang opereta / sarsuwela[3]

Mga tulang epiko at liriko

baguhin
  • La Dragontea (1598) ("Drake the Pirate")
  • El Isidro (1599) ("Isidro")
  • La hermosura de Angélica (1602) ("The Beauty of Angelica")
  • Rimas (1602) ("Rhymes")
  • Arte nuevo de hacer comedias (1609)
  • Jerusalén conquistada (1609)
  • Rimas sacras (1614)
  • La Filomena (1621)
  • La Circe (1624)
  • El laurel de Apolo (1630)
  • La Gatomaquia (1634)
  • Rimas humanas y divinas del licenciado Tomé de Burguillos (1634)

Kathang-isip na prosa

baguhin
  • Arcadia (inilathala noong 1598) (The Arcadia), romansang hinggil sa buhay kabukiran, at nakakalat ang berso
  • El peregrino en su patria (inilathala noong 1604) (The Pilgrim in his Own Country), adaptasyon ng mga nobelang Bisantino
  • Pastores de Belen : prosas y versos divinos (inilathala noong 1614)
  • Novelas a Marcia Leonarda
    • Las fortunas de Diana (inilathala noong 1621)
    • La desdicha por la honra (inilathala noong 1624)
    • La más prudente venganza (inilathala noong 1624)
    • Guzmán el Bravo (inilathala noong 1624)
  • La Dorotea (inilathala noong 1632)

Parangal

baguhin

Isang bayan sa lalawigan ng Hilagang Samar sa Pilipinas ay ipinangalan mula kay de Vega. Ito ay itinatag noong 1980 buhat sa 22 mga barangay ng Catarmán.

Noong 25 Nobyembre 2017, ipinagdiwang ng Google ang kaniyang ika-455 kaarawan sa pamamagitan ng isang Google Doodle.[4]

Talababa

baguhin
  1. "Works of Lope de Vega". www.classicspanishbooks.com. Nakuha noong 2019-03-09.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Cfr. Eckermann, Conversations with Goethe: in 1828 Eckermann recorded having a conversation about the extent of author's works, in which Goethe expressed his admiration towards Lope's.
  3. [1]Melveena McKendrick: "Theatre in Spain, 1490–1700", p. 215. CUP Archive, 1992. ISBN 978-0-521-42901-6
  4. "Lope de Vega's 455th Birthday". Google. 25 Nobyembre 2017.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga sanggunian

baguhin
  • Calderón, Lope de Vega and (2019). Theatre Database. Hinango sa http://www.theatredatabase.com/17th_century/calderon_and_lope_de_vega.html
  • Goldáraz, Luis H. (2018, November 30). Lope, el verso y la vida . Libertad Digital. Hinango sa https://www.libertaddigital.com/cultura/libros/2018-11-30/antonio-sanchez-jimenez-presenta-la-biografia-de-lope-de-vega-1276629134/
  • Hayes, Francis C. (1967). Lope de Vega. Twayne's World Author Series. New York: Twayne Publishers.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  • Hennigfeld, Ursula (2008). Der ruinierte Körper. Petrarkistische Sonette in transkultureller Perspektive. Würzburg: Königshausen & Neumann.
  • Ray Keck, author of Love's Dialectic: Mimesis and Allegory in the Romances of Lope de Vega
  • Samson, Alexander; Thacker, Jonathan (2018). A Companion to Lope de Vega (ika-Paperback (na) edisyon). Tamesis. ISBN 978-1855663251. Inarkibo mula sa orihinal noong 2020-06-02. Nakuha noong 2020-06-17.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  • Lope de Vega, Félix Arturo (2019). LibriVox. Retrieved from https://librivox.org/author/229?primary_key=229&search_category=author&search_page=1&search_form=get_results
  • Lope de Vega, The Works of (2011). Spanish Books. Retrieved from https://www.classicspanishbooks.com/16th-cent-baroque-lope-works.html
  • Lope Felix de (Carpio) Vega. (2011). Hutchinson’s Biography Database, 1. Retrieved from http://search.ebscohost.com/login.aspx?direct=true&db=f5h&AN=32237070
  • Morley, S., & Allardice, L. (2003). Double takes. New Statesman, 132(4639), 46. Retrieved from http://search.ebscohost.com/login.aspx?direct=true&db=f5h&AN=9901048
  • Vega Carpio, Félix Lope de (2019). Columbia Electronic Encyclopedia, 6th Edition, 1. Retrieved from http://search.ebscohost.com/login.aspx?direct=true&db=f5h&AN=134527223Asdfasdf
  • Vega Carpio, Lope Felix de (2000). Theatre History. Retrieved from http://www.theatrehistory.com/spanish/lope001.html
  • Vega, Lope de (2012). Britannica Biographies, 1. Retrieved from http://search.ebscohost.com/login.aspx?direct=true&db=f5h&AN=32425864
Sa Kastila
  • Alonso, Dámaso, En torno a Lope, Madrid, Gredos, 1972, 212 pp. ISBN 9788424904753
  • Castro, Américo y Hugo A. Rennert, Vida de Lope de Vega: (1562-1635) ed. de Fernando Lázaro Carreter, Salamanca, 1968.
  • De Salvo, Mimma, «Notas sobre Lope de Vega y Jerónima de Burgos: un estado de la cuestión», pub. en Homenaje a Luis Quirante. Cuadernos de Filología, anejo L, 2 vols., tomo I, 2002, págs. 141-156. Versión en línea revisada en 2008. URL. Consulta 28-09-2010.
  • «Lengua y literatura, Historia de las literaturas», en Enciclopedia metódica Larousse, vol. III, Ciudad de México, Larousse, 1983, págs 99-100. ISBN 968-6042-14-8
  • Huerta Calvo, Javier, Historia del Teatro Español, Madrid, Gredos, 2003.
  • Menéndez Pelayo, Marcelino, Estudios sobre el teatro de Lope de Vega, Madrid, Editorial Artes Gráficas, 1949, 6 volúmenes.
  • MONTESINOS, José Fernández, Estudios sobre Lope de Vega, Salamanca, Anaya, 1967.
  • Pedraza Jiménez, Felipe B., El universo poético de Lope de Vega, Madrid, Laberinto, 2004.
    • —, Perfil biográfico, Barcelona, Teide, 1990, págs. 3-23.
  • Rozas, Juan Manuel, Estudios sobre Lope de Vega, Madrid, Cátedra, 1990.
  • Pedraza Jiménez, Felipe B., Lope de Vega: pasiones, obra y fortuna del monstruo de naturaleza, EDAF, Madrid, 2009 (ISBN 9788441421424).
  • Arellano, Ignacio, Historia del teatro español del siglo XVII, Cátedra, Madrid, 1995 (ISBN 9788437613680).
  • Arellano, Ignacio; Mata, Carlos; Vida y obra de Lope de Vega, Bibliotheca homolegens, Madrid, 2011 (ISBN 978-84-92518-72-2).

Mga kawing panlabas

baguhin
 
May koleksyon ng mga sipi ang Wikiquote sa Ingles tungkol sa paksa ng artikulong ito.
 
Wikisource
Ang Spanish Wikisource ay may orihinal na teksto na may kaugnayan sa artikulong ito:
 
Wikisource
Ang Wikisource ay may orihinal na tekstong kaugnay ng lathalaing ito: