Si Louis Vauxcelles (1 Enero 1870, Paris – 1943, Paris) ay isang maipluwensiyang Pranses na manunuri ng sining. Siya ang kinikilala bilang tagapag-imbento ng mga katagang Fauvismo (1905), at Kubismo (1908).

Si Louis Vauxcelles, iginuhit ni Jules Chéret, 1909

Fauvismo

baguhin

Si Vauxcelles ang lumikha ng pariralang 'les fauves' (na isinasalinwika bilang 'mababangis na mga hayop') na panglarawan sa isang kapangkatan ng mga mamimintura na may kaugnayan kay Henri Matisse. Dahil sa ang kanilang mga ipininta ay nalantad sa mismong silid na kinaroroonan ng isang lilok na klasikal, ipinahayag niya ang kaniyang pagsusuri at hindi pagkagusto sa kanilang mga akda sa pamamagitan ng paglalarawan sa eskultura bilang "isang Donatello na nasa piling ng mga mababangis na hayop" ("Donatello parmi les fauves").

Una niyang ginamit ang katagang kubismo o bizarre cubiques noong 1908 pagkaraang makita ang isang larawan ni Georges Braque. Palait niyang inilarawan ito bilang 'puno ng maliliit na mga tangkalag' (ang tangkalag ay kubo, at pagkalipas nito ang kataga ay madaling ginamit nang malawakan bagaman sa una ay hindi ito ginamit ng dalawang mga manlilikha ng bagong estilo (ang kubismo) na sina Braque at Pablo Picasso.

Noong 1911, pinasimulan niya ang hindi gaanong nakikilalang katagang Tubismo para sa paglalarawan ng estilo ni Fernand Léger.[1]

Mga sanggunian

baguhin
  1. Néret, 1993, p. 42

Talaaklatan

baguhin


    Ang lathalaing ito na tungkol sa Talambuhay, Pransiya at Pamamahayag ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.