Luhansk
Ang Luhans'k (Ukranyo: Луганськ, IPA: [luˈɦɑnʲsʲk]) o Lugansk (Ruso: Луганск, IPA [lʊˈgansk]), at dating kilala bilang Voroshilovgrad (1935–1958 at 1970–1990) ay isang pangunahing lungsod-industriyal sa pinakasilangang bahagi ng Ukraine. Ito ang kabisera ng Luhansk Oblast. Batay sa senso noong 2001, may 463,097 katao ang lungsod. Ang populasyon ng lungsod ayon sa pagtataya noong 2013 ay 425,800.
Luhansk Луганськ | |||
---|---|---|---|
city in Ukraine, gorod | |||
| |||
Mga koordinado: 48°34′18″N 39°17′50″E / 48.5717084°N 39.2973153°E | |||
Bansa | Ukranya | ||
Lokasyon | Luhansk urban community, Luhansk Raion, Luhansk Oblast, Ukranya | ||
Itinatag | 1795 | ||
Ipinangalan kay (sa) | Kliment Vorošilov | ||
Bahagi | Talaan
| ||
Lawak | |||
• Kabuuan | 257 km2 (99 milya kuwadrado) | ||
Populasyon (2015)[1] | |||
• Kabuuan | 417,990 | ||
• Kapal | 1,600/km2 (4,200/milya kuwadrado) | ||
Sona ng oras | UTC+02:00 | ||
Wika | Wikang Ukranyano, Wikang Ruso | ||
Plaka ng sasakyan | BB | ||
Websayt | https://loga.gov.ua/ |
Mula 2014 ang lungsod ay hawak ng rebeldeng grupong Luhansk People's Republic since 2014. Pagkaraang bihagin ng mga rebelde ang Luhansk at mga katimugang bahagi ng oblast, lumipat ang maka-Kiev na administrasyon sa Sievierodonetsk.
Kasaysayan
baguhinNagsisimula ang kasaysayan ng lungsod sa taong 1795, kung kailan itinatag ng industriyalistang Briton na si Charles Gascoigne ang isang pabrika ng metal doon. Ito ang panimula ng industriya na patuloy pa ring umuunlad hanggang ngayon. Natamo ng Lugansk ang estado ng lungsod (city status) noong 1882. Matatagpuan ito sa Donets Basin, at pinaunlad ang Lugansk upang maging mahalagang sentro ng industriya sa Silangang Europa. Ang lungsod ay naging kinaroroonan ng isang pangunahing kompanya na gumagawa ng mga lokomotibo. Noong Nobyembre 5, 1935, binago sa Voroshilovgrad (Padron:Lang-ru/ua) ang pangalan ng lungsod, mula sa Soviet na hukbong komandante at politikong si Kliment Voroshilov. Noong Marso 5, 1958, binalik ang lumang pangalan bunga ng utos ni Nikita Khrushchev na huwag gumamit ng pangalan ng mga buhay-pang tao sa mga lungsod.[2][3] Noong Enero 5, 1970, kasunod ng pagpanaw ni Voroshilov, binago muli sa Voroshilovgrad ang pangalan ng lungsod. Sa huli, noong Mayo 4, 1990, binalik ang orihinal na pangalan ng lungsod dahil sa isang kautusan mula sa Supreme Soviet ng Ukrainian SSR.
Tingnan din
baguhinMga sanggunian
baguhin- ↑ http://ukrstat.org/uk/druk/publicat/kat_u/2015/zb/06/zb_nas_14xl.zip.
- ↑ "ВОЕННАЯ ЛИТЕРАТУРА -[ Биографии ]- Хрущёв С.Н. Хрущёв". Militera.lib.ru. Nakuha noong 16 Setyembre 2011.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Записки из Якирова Посада - Луганск-Ворошиловград-Луганск". Shusek.livejournal.com. 2 Nobyembre 2009. Nakuha noong 16 Setyembre 2011.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Mga ugnay panlabas
baguhin- May kaugnay na midya ang Luhansk sa Wikimedia Commons
- Gabay panlakbay sa Luhansk mula sa Wikivoyage
- Opisyal na websayt ng konsehong panlungsod ng Luhansk (huling naisapanahon noong Hulyo 2015) Naka-arkibo 2009-04-20 sa Wayback Machine.
- Topographic map 1:100 000 Naka-arkibo 2012-07-16 sa Wayback Machine.
- Historic images of Luhansk
- The sightseeings of Luhansk
- Marble sculpture of King of marble of Nicolai Shmatko.