Lungsod ng Nakhon Ratchasima

Ang Nakhon Ratchasima (sa wikang Thai: นครราชสีมา) ay isang lungsod sa hilagang-silangan ng bansang Thailand.[1] Ang lungsod na ito ay ang kabisera ng lalawigan ng Nakhon Ratchasima at ng distrito ng Nakhon Ratchasima. Noong, Disyembre taong 2005, ang lungsod ay may populasyon na 150,768. Ang lungsod ay ang pangatlong pinakamalaking lungsod sa bansang Thailand.

Ang rebulto ni Thao Suranaree na matatagpuan sa Lungsod ng Nakhon Ratchasima

Ang lungsod ay kilala rin sa pangalang Khorat o Korat (sa wikang Thai: โคราช). Ito ay matatagpuan sa kanlurang bahagi ng Khorat plateu at sa kasaysayan, ito ay nagsilbing hangganan ng Laos at ng Siamese territory. Ang lokasyong heyograprikal nito ay 14°58.5′H 102°6′S.

Kasaysayan

baguhin

Mula sa mga edibensiyang pang-arkeolohiya, makikita na may dalawang sinauang bayan sa Nakhon Ratchasima. Ang mga bayan ay ang Sema at Korakapura na may layong 30 kilometro sa kanlurang bahagi ng Korat sa kasalukyan. Ang mga bayang ito ay naging bahagi ng emprire ng Khmer. Sa mga taong 1656 hanggang 1688, inilipat ni Haring Narai ang lungsod sa kasalukuyang lokasyon nito. Ang lungsod ay nilusob ni Anouvong, ang hari ng Vientiane noong taong 1827 na may layuning pigilin ang lumalagong impluwensiya ng mga Siamese sa Laos. Si Thao Suranaree, isang lokal na bayani, ay may rebulto sa gitna ng lungsod, siya ay pinarangalan sa kanyang ginawang pagsagip sa lungsod mula sa sandatahan ni Anouvong.

Mga sanggunian

baguhin
  1. http://www.reference.com/browse/columbia/NakhonRa Naka-arkibo 2007-10-21 sa Wayback Machine. Mula sa Chicago Manual Style CMS Nakhon Ratchasima Columbia Electronic Encyclopedia Columbia University Press hinango noong 16 Abril 2007


  Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.