Ang Padua ( /ˈpædjuə/ PAD-ew; Italyano: Padova [ˈpaːdova]  ( pakinggan); Benesiyano: Pàdova) ay isang lungsod at komuna (munisipalidad) sa Veneto, hilagang Italya. Ang Padua ay nasa ilog ng Bacchiglione, kanluran ng Venecia. Ito ang kabesera ng lalawigan ng Padua. Ito rin ang sentro ng ekonomiya at komunikasyon ng lugar. Ang populasyon ng Padua ay 214,000 (noong 2011). Minsan kasama ang lungsod, kasama ang Venecia (Italyanong Venezia) at Treviso, sa Kalakhang Pook ng Padua-Treviso-Venecia (PATREVE) na may populasyon na humigit-kumulang 2,600,000.

Padua

Padova (Italyano)
Pàdova (Benesiyano)
Città di Padova
Prato della Valle
Prato della Valle
Watawat ng Padua
Watawat
Eskudo de armas ng Padua
Eskudo de armas
Lokasyon ng Padua
Map
Padua is located in Italy
Padua
Padua
Lokasyon ng Padua sa Italya
Padua is located in Veneto
Padua
Padua
Padua (Veneto)
Mga koordinado: 45°25′N 11°52′E / 45.417°N 11.867°E / 45.417; 11.867
BansaItalya
RehiyonVeneto
LalawiganPadua (PD)
Mga frazioneAltichiero, Arcella, Bassanello, Brusegana, Camin, Chiesanuova, Forcellini, Guizza, Mandria, Montà, Mortise, Paltana, Ponte di Brenta, Ponterotto, Pontevigodarzere, Sacra Famiglia, Salboro, Stanga, Terranegra, Volta Brusegana
Pamahalaan
 • MayorSergio Giordani (PD)
Lawak
 • Kabuuan93.03 km2 (35.92 milya kuwadrado)
Taas
12 m (39 tal)
Populasyon
 (2018-01-01)[2]
 • Kabuuan210,440
 • Kapal2,300/km2 (5,900/milya kuwadrado)
DemonymPadovano
Patavino
Sona ng orasUTC+1 (CET)
 • Tag-init (DST)UTC+2 (CEST)
Kodigong Postal
35100
Kodigo sa pagpihit049
Santong PatronSan Antonio ng Padua
Saint dayHunyo 13
Websaytcomune.padova.it
Mga labi ng pader ng ampiteatrong Romano ng Padua

Nakatatag ang Padua sa Ilog Bacchiglione, 40 kilometro (25 mi) sa kanluran ng Venecia at 29 kilometro (18 mi) timog-silangan ng Vicenza. Ang Ilog Brenta, na minsan ay dumadaloy sa lungsod, ay dumadaloy pa rin sa hilagang mga distrito. Ang kapaligirang pang-agrikultura nito ay ang Kapatagang Veneciano (Pianura Veneta). Sa timog kanluran ng lungsod ay matatagpuan ang Kaburulang Euganea, na pinuri nina Lucano at Marcial, Petrarca, Ugo Foscolo, at Shelley.

Dalawang beses na lumilitaw ang Padua sa Talaan ng Pandaigdigang Pamanang Pook ng UNESCO: para sa Harding Botaniko nito, ang pinakasinauna sa mundo, at ang mga ika-14 na siglong fresco, na matatagpuan sa iba't ibang gusali ng sentro ng lungsod.[3] Ang isang halimbawa ay ang Kapilya Scrovegni na ipininta ni Giotto sa simula ng 1300.

Ang lungsod ay kaakit-akit, na may siksik na ugnayan ng mga arkadang kalye na nagbubukas sa malaking komunal na piazze, at maraming tulay na tumatawid sa iba't ibang sangay ng Bacchiglione, na minsang nakapalibot sa mga sinaunang pader na tila isang foso.

Si San Antonio, ang patron ng lungsod, ay isang Portuges na Fransiscano na gumugol ng bahagi ng kaniyang buhay sa lungsod at namatay doon noong 1231.

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Superficie di Comuni Province e Regioni italiane al 9 ottobre 2011". Istat. Nakuha noong 16 Marso 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Popolazione Residente al 1° Gennaio 2018". Istat. Nakuha noong 16 Marso 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Padova Urbs Picta. "Padova Urbs Picta, UNESCO candidacy". Padova Urbs Picta (sa wikang Ingles). Nakuha noong 15 Agosto 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Bibliograpiya

baguhin
baguhin

 

Padron:Cities in Italy