Lusambo
Ang Lusambo ay isang teritoryo (katumbas ng mga bayan) at kabisera ng lalawigan ng Sankuru, Demokratikong Republika ng Congo. Matatagpuan ito sa hilaga ng tagpuan ng Ilog Sankuru at ng Ilog Lubi.[1][2][3] Pinaglilingkuran ito ng Paliparan ng Lusambo IATA: LBO, ICAO: FZVI.
Lusambo | |
---|---|
Mga koordinado: 4°58′22″S 23°26′12″E / 4.972912°S 23.436756°E | |
Bansa | Demokratikong Republika ng Congo |
Lalawigan | Sankuru |
Kasaysayan
baguhinNoong 1890 pinili ni Paul Le Marinel ang Lusambo bilang pangunahing hukbuhing takad ng Belhika sa rehiyon ng Kasai upang magtanggol laban sa banta ng mga Arabe at Swahiling mangangalakal ng alipin at garing na nanghihimasok mula sa silangan. Ang estasyon ay magiging isa sa mahalagang mga puwestong militar ng Malayang Estado ng Congo na may permanenteng tauhan ng labimpitong mga puti, 600 katutubong sundalo at apat na mga piyesang kanyón.[4]
Noong 1999, sinabi ng bagong pamahalaang Kabila at ng pamahalaang Simbabweyano ni Robert Mugabe, na tinutulungan ng mga Amerikanong upahan (mercenaries) ang mga puwersang manghihimagsik na sinuportahan ng Uganda at Rwanda. Pinalibot ng mga manghihimagsik ang 700 mga Simbabweyanong kawal malapit sa Lusambo noong Ikalawang Digmaang Congo.[5]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ National Geographic Atlas of the World: Revised Sixth Edition, National Geographic Society, 1992
- ↑ www.maplandia.com
- ↑ www.geonames.org
- ↑ De Coster, Pieter (1997). "Biografie van Paul Le Marinel". De eerste Europese ontdekkingsreizen in Katanga 1797-1897 (sa wikang Olandes).
{{cite book}}
: Invalid|ref=harv
(tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Smith, Alex Duval (2 Disyembre 1999). "Foreign troops under siege as war rages in Congo, four months after peace deal". The Independent. Nakuha noong 16 Hunyo 2016.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)