Ang lutuing Irani ay malawak at iba-iba, at nagtataglay ang bawat lalawigan ng sari-sarili nilang mga tradisyon at paraan ng pagluto na natatangi sa kanilang mga rehyon.

Kanin-at-kebab (chelow kabāb), ang pambansang pagkain ng Iran[1]

Madalas ginagamit ang mga yerba kasama ng mga prutas tulad ng mga sirwelas, granada, membrilyo, albarikoke, at pasas. Ang mga pangunahing pagkaing Irani ay mga kombinasyon ng kanin at karne, manok, o isda at sibuyas, gulay, nuwes, at mga yerba. Upang makakamit ng isang balanseadong lasa, lubos na mahalaga sa lutuing Irani,[1] ginagamit ang adviyeh, isang halo ng mga yerba at panimpla, sa ilang mga ulam.

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 Batmanglij, Najmieh. 2008. New Food of Life. 3rd ed. Mage: Washington DC.

Mga panlabas na kawing

baguhin

Mga pamamaraan ng pagluto

baguhin


  Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.