Luwalhati sa umaga
Ang luwalhati ng umaga o luwalhati sa umaga (mula sa Ingles na morning glory at Kastilang gloria de la mañana[1][2]) ay mga halaman na may bulaklak na kawangis ng maliliit na kampana, balinsunsong, imbudo o embudo. Isang pangkaraniwang pangalan ang luwalhati sa umaga para sa mga mahigit sa 1,000 uri ng mga namumulaklak na halamang nasa pamilyang Convolvulaceae, karamihang mga tropikal[3], na kabilang ang nasa sumusunod na mga sari:
Bilang pahiwatig nga ng pangalan, bumubuka ang mga bulaklak ng mga halamang ito tuwing umaga, na pumapayag sa pangyayaring polinasyon o pagpapamudmod ng mga semilya at mga buto sa pamamagitan ng mga ibon, mga kulisap katulad ng paru-paro, bubuyog, at gamu-gamo tuwing pagbubukang-liwayway. Karaniwang nagsisimulang pumusyaw ng mga bulaklak bago manguluntoy ang mga talulot ng mga bulaklak makalipas ang may dalawang oras. Mas ibig ng mga halamang ito ang pagkakabilad sa araw buong maghapon at mga lupang mesiko. Sa pagtatanim at pangangalaga, itinuturing ang karamihan bilang mga halamang perenyal sa mga pook na tropikal, at bilang mga taunang halaman naman sa mga malalamig na mga lugar, subalit may mga uri na nakakapamuhay sa mga rehiyong may taglamig. Kamag-anak ang mga Luwalhati sa Umaga ng mga tinatawag namang Bulaklak ng Buwan na bumubukas naman tuwing gabi para dumaan sa proseso ng polinasyon sa pamamagitan ng mga gamu-gamo.
Kasama ang luwalhati sa umaga sa pangkat na kinabibilangan ng kamote. May pangkaraniwang luwalhati sa umaga na naging paborito ilagay sa mga halamanan sapagkat madali silang patubuin mula sa mga buto, na bukod sa parang embudong mga bulaklak na kulay rosas, purpura, bughaw, o kaya puti, mayroon din itong gumagapang na sanga, malalaking mga dahon. May mga luwalhati sa umagang tumutubo rin sa kalikasan.[3]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Morning glory, gloria de la manana, USDA.gov
- ↑ Morning glory, gloria de la manana, USDA.gov
- ↑ 3.0 3.1 "Morning glory". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link), Dictionary Index ng titik M, pahina 609.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Halaman at Botanika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.