Si Luz Banzon Magsaysay (Hunyo 25, 1914 – Agosto 17, 2004) ay asawa ni Pangulong Ramon Magsaysay at ang ikapitong Unang Ginang ng Pilipinas.

Luz Magsaysay
Ika-7 Unang Ginang ng Pilipinas
Ginampanan
Disyembre 30, 1953 – Marso 17, 1957
PanguloRamon Magsaysay
Nakaraang sinundanVictoria Quirino-Delgado
Sinundan niLeonila Garcia
Personal na detalye
Isinilang
Luz Rosauro Banzon

25 Hulyo 1914(1914-07-25)
Balanga, Bataan, Kapuluang Pilipinas
Yumao17 Agosto 2004(2004-08-17) (edad 90)
Lungsod Quezon, Pilipinas
HimlayanSementeryo Norte
AsawaRamon Magsaysay (k. 1933–57)
AnakTeresita (1934–1979)
Milagros (ipinanganak 1936)
Ramon Jr. (ipinanganak 1938)

Tubong Balanga, nilaa ni Luz ang kanyang buhay sa pamilya, kamag-anak at kaibigan. Nagkaroon siya at si Ramon ng tatlong anak: sina Teresita (1934–1979), Milagros (ipinanganak 1936) at Ramon Jr. (ipinanganak 1938).

Bilang asawa ng Pangulo, naging aktibo si Luz Magsaysay sa maraming programang sosyo-sibiko lalo na sa Krus na Pula ng Pilipinas, kung saan siya ang honoraryang Tagapangulo sa loob ng ilang taon. Naaalala siya bilang isa sa mga pinakahinahangaang Unang Ginang at nakilala para sa kanyang kagandahang loob at pagiging magiliw.[1]

Sina Presidente at Ginang Magsaysay kasama ang dating Unang Ginang ng Estados Unidos na si Eleanor Roosevelt sa Malacañang.

Nabalo si Magsaysay sa 43 na taong gulang nang mamatay si Pangulong Magsaysay sa isang pagbagsak ng eroplano noong 1957, tatlong taon at dalawang buwan sa kanyang pamumuno, kaya isa ito sa pinakamaikling termino ng pagkapangulo sa kasaysayan ng Pilipinas. Inialay niya ang kanyang sarili sa pangangalaga ng alaala ng kanyang asawa at namuhay ng isang walang karangyaang buhay na tapat sa pamana ng kanyang asawa.[2][3]

Pagpanaw at pamana

baguhin

Namatay siya noong Agosto 17, 2004, sa edad na 90. Bilang paggunita sa kanyang alaala, isang Barangay sa Lungsod ng Cebu, malapit sa Dating Paliparan sa Lahug ay pinangalanang Barangay Luz noong huling bahagi ng dekada 1960 at Barangay Luz Banzon sa Jasaan, Misamis Oriental.

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Luz Banzon Magsaysay: Well-loved First Lady". Philstar.com (sa wikang Ingles).
  2. Mrs. Luz B. Magsaysay: Constant Light and The Private Life of the Former First Lady | Google Books (sa wikang Ingles)
  3. Mrs. Luz B. Magsaysay: Constant Light and The Private Life of the Former First Lady | National Library of Australia (sa wikang Ingles)