Kondado ng Luzerne, Pennsylvania
Ang Kondado ng Luzerne (Ingles: Luzerne County) ay isang kondado (county) sa estado ng Pennsylvania sa Estados Unidos. Ayon sa Kawanihan ng Senso ng Estados Unidos, may kabuuang 2,350 kilometrong kuwadrado (906 milyang kuwadrado) ang lawak ng kondado, kung saang 2,300 kilometrong kuwadrado (890 milyang kuwadrado) nito ay lupa at 41 kilometrong kuwadrado (16 milyang kuwadrado) nito ay katubigan. Ito ang pangalawang pinakamalaking kondado sa Hilaga-silangang Pennsylvania ayon sa kabuuang lawak. Magmula noong senso ng 2010, ang populasyon ay 320,918 katao, kung kaya ito ang pinakamataong kondado sa hilaga-silangang bahagi ng estado. Ang punong lungsod ng kondado at ang pinakamalaking lungsod ay Wilkes-Barre.[2] Ang iba pang mga matataong pamayanan sa kondado ay mga lungsod ng Hazleton, Nanticoke at Pittston, at ang bayan (borough) ng Kingston. Nakabilang ang Kondado ng Luzerne sa Scranton–Wilkes-Barre–Hazleton Metropolitan Statistical Area, na may kabuuang populasyon ng 558,166 katao magmula noong 2015.
Luzerne County | |
---|---|
county of Pennsylvania, home rule county of Pennsylvania | |
Mga koordinado: 41°11′N 75°59′W / 41.18°N 75.99°W | |
Bansa | Estados Unidos ng Amerika |
Lokasyon | Pennsylvania, Estados Unidos ng Amerika |
Itinatag | 25 Setyembre 1786 |
Kabisera | Wilkes-Barre |
Lawak | |
• Kabuuan | 2,349 km2 (907 milya kuwadrado) |
Populasyon (1 Abril 2020, Senso)[1] | |
• Kabuuan | 325,594 |
• Kapal | 140/km2 (360/milya kuwadrado) |
Websayt | http://www.luzernecounty.org |
Noong ika-25 ng Setyembre 1786, nabuo ang Kondado ng Luzerne mula sa bahagi ng Kondado ng Northumberland. Ipinangalan ito mula kay Chevalier de la Luzerne, isang sundalong Pranses at diplomatiko noong ika-18 dantaon. Nang itinatag ito, sinakop ang Kondado ng Luzerne ang malaking bahagi ng Hilaga-silangang Pennsylvania. Mula 1810 hanggang 1878, nahati ito sa ilang mga mas-maliit na kondado. Ang mga kondado ng Bradford, Lackawanna, Susquehanna, at Wyoming ay nabuo mula sa mga bahagi ng Kondado ng Luzerne.[3][4]
Nakamit ang kondado ng pagiging prominente noong ika-19 at ika-20 na mga dantaon bilang isang masigasig na rehiyon na nagmimina ng antrasitang karbon, na nakakahikayat ng isang malaking bahagi ng puwersang paggawa nito mula sa mga imigranteng Europeo. Noong nasa tugatog ito (sa taong 1930), ang populasyon ng kondado ay 445,109. Pagsapit ng unang bahagi ng ika-21 dantaon, karamihan sa mga pabrika at minahan ng karbon ay nakasara. Katulad ng karamihan sa mga kondado sa Rust Belt, nasaksihan ng Kondado ng Luzerne ang pagbaba ng populasyon at pagtamlay o paghina sa kagandahan at lakas ng mga pook urbano.
Mga pamyanan
baguhinNilalaman ang Kondado ng Luzerne ng 76 mga munisipalidad, kung kaya ito ang pangalawang may pinakamaraming bilang ng mga nagsasariling namamahala na mga munisipalidad sa estado ng Pennsylvania; tangi ang Kondado ng Allegheny lamang ang may higit na bilang.[5] Sa ilalim ng batas ng Pennsylvania, may apat na mga uri ng nasaping munisipalidad sa estado: lungsod, boro, township, at sa kaso ng Bloomsburg, town. Ang mga sumusunod na lungsod, boro, at township ay matatagpuan sa Kondado ng Luzerne:
Mga lungsod
baguhin- Hazleton
- Nanticoke
- Pittston
- Wilkes-Barre (punong lungsod ng kondado)
Mga bayan (borough)
baguhin- Ashley
- Avoca
- Bear Creek Village
- Conyngham
- Courtdale
- Dallas
- Dupont
- Duryea
- Edwardsville
- Exeter
- Forty Fort
- Freeland
- Harveys Lake
- Hughestown
- Jeddo
- Kingston
- Laflin
- Larksville
- Laurel Run
- Luzerne
- Nescopeck
- New Columbus
- Nuangola
- Penn Lake Park
- Plymouth
- Pringle
- Shickshinny
- Sugar Notch
- Swoyersville
- Warrior Run
- West Hazleton
- West Pittston
- West Wyoming
- White Haven
- Wyoming
- Yatesville
Townships
baguhin- Bear Creek Township
- Black Creek Township
- Buck Township
- Butler Township
- Conyngham Township
- Dallas Township
- Dennison Township
- Dorrance Township
- Exeter Township
- Fairmount Township
- Fairview Township
- Foster Township
- Franklin Township
- Hanover Township
- Hazle Township
- Hollenback Township
- Hunlock Township
- Huntington Township
- Jackson Township
- Jenkins Township
- Kingston Township
- Lake Township
- Lehman Township
- Nescopeck Township
- Newport Township
- Pittston Township
- Plains Township
- Plymouth Township
- Rice Township
- Ross Township
- Salem Township
- Slocum Township
- Sugarloaf Township
- Union Township
- Wilkes-Barre Township
- Wright Township
Mga pook na itinakda ng senso
baguhinAng mg pook na itinakda ng senso (census-designated places o CDP's) ay mga heograpikong lugar na itinakda ng Kawanihan ng Senso ng Estados Unido para sa mga layunin ng pagtatala ng demograpikong datos. Hindi sila mga tunay na kinasasakupan sa ilalim ng batas ng Pennsylvania.
- Beech Mountain Lakes
- Browntown
- Chase
- East Berwick
- Georgetown
- Glen Lyon
- Harleigh
- Hickory Hills
- Hilldale
- Hudson
- Huntington Mills
- Inkerman
- Lattimer
- Mocanaqua
- Mountain Top
- Nuremberg
- Pardeesville
- Pikes Creek
- Plains
- Shavertown
- Sheatown
- Silkworth
- Trucksville
- Upper Exeter
- Wanamie
- West Nanticoke
- Weston
Pagrarangko ayon sa populasyon
baguhinAng pagraranko ng populasyon ng sumusunod na talahanayan ay nakabatay sa senso 2010 ng Kondado ng Luzerne.[6]
† punong lungsod ng kondado
Ranggo | Lungsod/Bayan (o boro)/ Township |
Uri | Populasyon (Senso 2010)
|
---|---|---|---|
1 | † Wilkes-Barre | Lungsod | 41,498 |
2 | Hazleton | Lungsod | 25,340 |
3 | Kingston | Boro | 13,182 |
4 | Hanover Township | Township | 11,076 |
5 | Nanticoke | Lungsod | 10,465 |
6 | Plains Township | Township | 9,961 |
7 | Hazle Township | Township | 9,549 |
8 | Butler Township | Township | 9,221 |
9 | Dallas Township | Township | 8,994 |
10 | Pittston | Lungsod | 7,739 |
11 | Kingston Township | Township | 6,999 |
12 | Plymouth | Boro | 5,951 |
13 | Exeter | Boro | 5,652 |
14 | Wright Township | Township | 5,651 |
15 | Newport Township | Township | 5,374 |
16 | Swoyersville | Boro | 5,062 |
17 | Duryea | Boro | 4,917 |
18 | West Pittston | Boro | 4,868 |
19 | Edwardsville | Boro | 4,816 |
20 | Jackson Township | Township | 4,646 |
21 | West Hazleton | Boro | 4,594 |
22 | Fairview Township | Township | 4,520 |
23 | Larksville | Boro | 4,480 |
24 | Jenkins Township | Township | 4,442 |
25 | Salem Township | Township | 4,254 |
26 | Forty Fort | Boro | 4,214 |
27 | Sugarloaf Township | Township | 4,211 |
28 | Freeland | Boro | 3,531 |
29 | Lehman Township | Township | 3,508 |
30 | Foster Township | Township | 3,467 |
31 | Pittston Township | Township | 3,368 |
32 | Rice Township | Township | 3,335 |
33 | Wyoming | Boro | 3,073 |
34 | Wilkes-Barre Township | Township | 2,967 |
35 | Ross Township | Township | 2,937 |
36 | Luzerne | Boro | 2,845 |
37 | Dallas | Boro | 2,804 |
38 | Harveys Lake | Boro | 2,791 |
39 | Ashley | Boro | 2,790 |
40 | Bear Creek Township | Township | 2,774 |
41 | West Wyoming | Boro | 2,725 |
42 | Dupont | Boro | 2,711 |
43 | Avoca | Boro | 2,661 |
44 | Hunlock Township | Township | 2,443 |
45 | Exeter Township | Township | 2,378 |
46 | Huntington Township | Township | 2,244 |
47 | Dorrance Township | Township | 2,188 |
48 | Lake Township | Township | 2,049 |
49 | Union Township | Township | 2,042 |
50 | Black Creek Township | Township | 2,016 |
51 | Conyngham | Boro | 1,914 |
52 | Plymouth Township | Township | 1,812 |
53 | Franklin Township | Township | 1,757 |
54 | Nescopeck | Boro | 1,583 |
55 | Laflin | Boro | 1,487 |
56 | Conyngham Township | Township | 1,453 |
57 | Hughestown | Boro | 1,392 |
58 | Fairmount Township | Township | 1,276 |
59 | Hollenback Township | Township | 1,196 |
60 | Nescopeck Township | Township | 1,155 |
61 | Dennison Township | Township | 1,125 |
62 | Slocum Township | Township | 1,115 |
63 | White Haven | Boro | 1,097 |
64 | Sugar Notch | Boro | 989 |
65 | Pringle | Boro | 979 |
66 | Shickshinny | Boro | 838 |
67 | Courtdale | Boro | 732 |
68 | Nuangola | Boro | 679 |
69 | Yatesville | Boro | 607 |
70 | Warrior Run | Boro | 584 |
71 | Laurel Run | Boro | 500 |
72 | Buck Township | Township | 435 |
73 | Penn Lake Park | Boro | 308 |
74 | Bear Creek Village | Boro | 257 |
75 | New Columbus | Boro | 227 |
76 | Jeddo | Boro | 98 |
Mga sanggunian
baguhin- ↑ https://data.census.gov/cedsci/table?t=Populations%20and%20People&g=0100000US,%241600000&y=2020; hinango: 1 Enero 2022.
- ↑ "Find a County". National Association of Counties. Nakuha noong 2011-06-07.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Tice, Joyce M. "History of Bradford County PA, 1770–1878 by David Craft – Chapter 9". www.joycetice.com.
- ↑ "Wyoming County Historical Society". pawchs.org.
- ↑ "Pennsylvania Municipalities Information". Pamunicipalitiesinfo.com. Inarkibo mula sa orihinal noong 1 Abril 2022. Nakuha noong 16 Agosto 2012.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "2010 Census". Census.gov. Nakuha noong 22 Pebrero 2017.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Mga kawing panlabas
baguhin- Official Luzerne County website
- "Luzerne County Library System". Inarkibo mula sa orihinal noong Pebrero 12, 2008.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - Tournepa.com: Luzerne County Convention and Visitors Bureau
- The Luzerne Foundation — the county's Community Foundation.
- Luzerne County Community College website