Wilkes-Barre, Pennsylvania
Ang Wilkes-Barre ( /ˈwɪlksˌbɛər/ o /ʔbɛəri/) ay isang lungsod sa estado ng Pennsylvania at ang punong lungsod ng Kondado ng Luzerne. Isa ito sa mga pangunahing lungsod sa Scranton–Wilkes-Barre–Hazleton, PA Metropolitan Statistical Area. Ito ay matatagpuan sa gitna ng Lambak ng Wyoming, at pangalawa ito sa laki sa kalapit na lungsod ng Scranton. May kabuuang populasyon na 563,631 ang Scranton–Wilkes-Barre–Hazleton, PA Metropolitan Statistical Area magmula noong Senso 2010, kung kaya ito ang pang-apat na pinakamalaking estatistikal na kalakhang pook sa estado ng Pennsylvania. Pinapaligiran ng mga kabundukan ng Pocono sa silangan, mga Kabundukan ng Endless sa kanluran, at Lambak ng Lehigh sa timog ang Wilkes-Barre at ng napapalibutang Lambak ng Wyoming. Dumadaloy ang Ilog Susquehanna sa gitna ng lambak at nagtatanda sa hilaga-kanlurang hangganan ng lungsod.
Wilkes-Barre, Pennsylvania | |
---|---|
Mula itaas papuntang ibaba, kaliwa-pakanan: Tanawing panghimpapawid ng Wilkes-Barre, Pampublikong Liwasan ng Wilkes-Barre, Bahay-hukuman ng Kondado ng Luzerne, Gusaling Pederal ng Stegmaier, Paliparang Pandaigdig ng Wilkes-Barre/Scranton, Ilog Susquehanna. | |
Palayaw: The Diamond City, Coal City, Dub City, The W-B | |
Bansag: Pattern After Us | |
Kinaroroonan ng Wilkes-Barre sa Kondado ng Luzerne, Pennsylvania | |
Mga koordinado: 41°14′40″N 75°52′41″W / 41.24444°N 75.87806°W | |
Bansa | Estados Unidos |
Estado | Pennsylvania |
Kondado | Luzerne |
Itinatag | 1769 |
Isinapi | 1806: Bayan |
Ipinangalan kay (sa) | John Wilkes, Isaac Barré |
Pamahalaan | |
• Uri | Alkalde-sanggunian |
• Konseho | Sangguniang Panlungsod ng Wilkes-Barre (Wilkes-Barre City Council) |
• Alkalde | Anthony George (D) |
• Sangguniang Panlungsod[1] | Members
|
Lawak | |
• Lungsod | 18.93 km2 (7.31 milya kuwadrado) |
• Lupa | 18.08 km2 (6.98 milya kuwadrado) |
• Tubig | 0.85 km2 (0.33 milya kuwadrado) |
Taas | 160 m (525 tal) |
Populasyon (2010) | |
• Lungsod | 41,498 |
• Taya (2016)[3] | 40,569 |
• Kapal | 2,244.01/km2 (5,812.18/milya kuwadrado) |
• Metro | 562,037 (Estados Unidos: 95th) |
Sona ng oras | UTC-5 (EST) |
• Tag-init (DST) | UTC-4 (EDT) |
ZIP Codes[4] | 18701–18703, 18705, 18706, 18710, 18711, 18762, 18764–18767, 18769, 18773 |
Area code | 570 at 272[5] |
Kodigong FIPS | 42-85152 |
Websayt | www.wilkes-barre.pa.us |
Itinatag ang Wilkes-Barre noong 1769 at pormal nang nasapi noong 1806. Mabilis na lumago ang lungsod noong ika-19 na dantaon kasunod ng pagkakatuklas ng kalapit na mga reserba ng uling at ang pagdagsa ng libo-libong mga imigrante na nakapagbigay ng lakas paggawa para sa mga lokal na minahan. Ipinagtibay ng pagmimina ng uling ang industriyalisasyon sa lungsod, na naabot ang tugatog ng kaunlaran noong unang kalahati ng ika-20 dantaon. Umabot ang populasyon nito sa higit 86,000 katao noong tugatog nito. Kasunod ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, bumaba ang populasyon ng lungsod dahil sa pagbagsak ng industriya nito. Bumilis ang kalagayang ito nang naganap ang sakuna sa Minahang Knox noong 1959 kung saang binaha ang malaking bahagi ng mga minahan sa lugar at hindi na maaaring mabuksang muli. Sa kasalukuyan, may kabuuang populasyon na 40,569 katao ang lungsod (pagtataya noong 2016), kung kaya ito ang pinakamalaking lungsod sa Kondado ng Luzerne at ang panlabing-tatlong pinakamalaking lungsod sa estado ng Pennsylvania.
Demographics
baguhinTaon | Pop. | ±% |
---|---|---|
1800 | 835 | — |
1810 | 1,225 | +46.7% |
1820 | 755 | −38.4% |
1830 | — | |
1840 | 1,718 | — |
1850 | 2,723 | +58.5% |
1860 | 4,253 | +56.2% |
1870 | 10,174 | +139.2% |
1880 | 23,339 | +129.4% |
1890 | 37,718 | +61.6% |
1900 | 51,721 | +37.1% |
1910 | 67,105 | +29.7% |
1920 | 73,833 | +10.0% |
1930 | 86,626 | +17.3% |
1940 | 86,236 | −0.5% |
1950 | 76,826 | −10.9% |
1960 | 63,068 | −17.9% |
1970 | 58,856 | −6.7% |
1980 | 51,551 | −12.4% |
1990 | 47,523 | −7.8% |
2000 | 43,123 | −9.3% |
2010 | 41,498 | −3.8% |
2016 | 40,569 | −2.2% |
Pagtataya 2016:[3]; U.S. Decennial Census:[6] |
Mga sanggunian
baguhin- ↑ "City Council". Inarkibo mula sa orihinal noong 2015-02-06. Nakuha noong 17 Disyembre 2014.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "2016 U.S. Gazetteer Files". United States Census Bureau. Nakuha noong Ago 14, 2017.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 3.0 3.1 "Population and Housing Unit Estimates". Nakuha noong 9 Hunyo 2017.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "ZIP Code(tm) Lookup". United States Postal Service. Nakuha noong 17 Disyembre 2014.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "City of Wilkes Barre, PA Zip Codes". Nakuha noong 17 Disyembre 2014.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ United States Census Bureau. "Census of Population and Housing". Nakuha noong 19 Nobyembre 2013.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)