Ang MAX ang isang grupo ng mang-aawit na mula sa bansang Hapon. Ang ibig sabihin ng "MAX" ay "Musical Active eXperience".

Ang grupong MAX sa kanilang music video na "TORA TORA TORA"

Kasaysayan

baguhin

Ang MAX ay kinabibilangan ng dating miyembro ng Super Monkey's na sina "Mina" (Minako Inoue), "Nana" (Nanako Takushi), "Reina" (Reina Miyauchi) at "Lina" (Ritsuko Matsuda). Nagsimula sila bilang "MAX" noong humiwalay si Namie Amuro sa grupo. Pinangalan silang "MAX" ng pangulo ng kompanyang avex na si MAX Matsuura. Ang mga pangalang "Mina", "Nana", "Reina" at "Lina" (mga pangalan na nagtatapos sa "...na") ay ginamit na "stage name" ng grupo noong sumikat na sila.

Nilabas ang una nilang plaka noong 1995 at ito ay pinamagatang "Koi suru Velfarre Dance". Hindi ito bumenta at tumigil pansamantala ang MAX sa pagkanta matapos nilang ilabas ang kanilang pangalawang plaka na "Seventies". Ngunit naging sikat sila noong ilabas nila ang pangatlo nilang plaka...ang "TORA TORA TORA". Matapos nito ay naglabas sila ng una nilang album...ang "MAXIMUM" na kinapapalooban ng mga salin na awit na may temang "Eurobeat". Ito ay sinundan noong 1997 ng plakang "Give me a shake" na naging "no. 1" sa talaan ng musika na Oricon.

Simula noong 1996 ay nakipagsapalaran ang grupong MAX sa larangan ng pag-arte. Gumanap sila sa isang pelikula na pinamagatang "Ladies MAX" at kinanta nila ang "theme song" ng pantelebisyong drama na "Sweet Devil" ng TV Asahi. Gumanap din sila sa telebisyon tulad ng "daiba:ba" ng Fuji TV at "Girls" ng Nippon TV.

Noong 2002 ay napabalitang nagdadalantao si Mina at iniwan niya pansamantala ang grupo. Noong Hulyo ng taong iyon, napabilang si Aki Maeda ("Aki") sa grupo bilang bagong miyembro. Hati ang opinyon sa kanya ng mga tagahanga ng MAX. Ngunit noong 2006, inihayag ni Mina na aalis na siya sa grupo.

Sa 2006 din sila unang magtatanghal ng konsyerto sa Beijing sa bansang Tsina.

Mga Miyembro

baguhin
  • Nana: totoong pangalan: Nanako Takushi · pinanganak noong ika-25 ng Marso, 1976 Binigyan siya ng palayaw na "Mop" ni Ishibashi Takaaki noong naging panauhin ang MAX sa programang pantelebisyon na "Utaban" ng TBS. May taas siyang 5'3" at ang "blood type" niya ay "A". Ang kanyang "vital statistics" ay 32-24-31. Binago ni Nana ang pagsulat sa kanyang pangalan. Ang totoo niyang pangalan ay "澤岻奈々子" ngunit ang ginagamit niyang pangalan ay "沢詩奈々子". Pareho silang binibigkas na "Takushi Nanako".
  • Reina: totoong pangalan: Reina Miyauchi · pinanganak noong ika-6 ng Enero, 1978. "Sophie" ang binigyang palayaw sa kanya ni Ishibashi Takaaki. May taas siyang 5'2" at "blood type" niya ay "AB".
  • Lina: totoong pangalan: Ritsuko Matsuda · pinanganak noong ika-26 ng Pebrero, 1977. "Chachai" ang binigyang palayaw sa kanya ni Ishibashi Takaaki. May taas siyang 5'3" at "blood type" niya ay "O".
  • Mina: totoong pangalan: Minako Ameku (siya ay nagngangalang "Minako Inoue" bago siya ikasal) · pinanganak noong ika-29 ng Disyembre, 1977. "Dango" ang binigyang palayaw sa kanya ni Ishibashi Takaaki. May taas siyang 5'1".
  • Aki: totoong pangalan: Aki Maeda · pinanganak noong ika-22 ng Oktubre, 1980. Kasama niya dati si "Chika" sa grupong D&D (mang-aawit), si Miyuki Oda sa grupong Mission (mang-aawit) at si Eri Ishikawa sa grupong Hipp's. May taas siyang 5'4" at "blood type" niya ay "O". Si Aki lang ang walang "...na" sa pangalan niya.

Mga Tampok na Plaka

baguhin

Single

baguhin
  • Koi suru Velfarre Dance
  • KISS ME KISS ME,BABY
  • TORA TORA TORA
  • Seventies
  • GET MY LOVE!
  • Give me a Shake
  • Love is Dreaming
  • Shinin'on-Shinin'love
  • Senkou -hikari- no VEIL
  • Ride on time
  • Grace of my heart
  • Love impact
  • Ano natsu he to
  • Ginga no chikai
  • Isshou ni...
  • Never gonna stop it
  • MAGIC
  • Bara iro no hibi
  • always love
  • Perfect Love
  • moonlight
  • Feel so right
  • Spring rain
  • eternal white
  • Festa
  • LOVE SCREW
  • Be With You
  • Niraikanai
  • Omoubodo
  • Natsu no kiseki
  • MAXIMUM (1996)
  • MAXIMUM II (1997)
  • MAXIMUM GROOVE (1998)
  • EMOTIONAL HISTORY (2001)
  • Jewel of Jewels (2006)

Trivia

baguhin
  • Ang awit na "TORA TORA TORA" ay isa sa mga kanta na kabilang sa video game na Para Para Paradise.

Mga Pahinang Pag-uugnay

baguhin