Si Namie Amuro (安室 奈美恵, Amuro Namie) ay isang mang-aawit na mula sa bansang Hapon. Pinanganak siya noong ika-20 ng Setyembre, 1977 sa siyudad ng Naha sa Okinawa.

Namie Amuro
安室奈美恵
Namie Amuro, Live mula sa Okinawa, noong 2017
Namie Amuro, Live mula sa Okinawa, noong 2017
Kabatiran
Pangalan noong ipinanganakAmuro, Namie
Kapanganakan (1977-09-20) 20 Setyembre 1977 (edad 47)
PinagmulanHapon Naha, Okinawa Prefecture, Hapon
GenreJ-Pop, R&B, Hip Hop/Hip-Pop
Trabahomang-aawit, kompositor, record producer
InstrumentoVokal
Taong aktibo1992–1995 (grupo)
1995–2018 (TBA) (solo)
LabelToshiba-EMI (1992–1995)
Avex Trax (1995–2013)
Dimension Point (2013-2018, TBA)
Websitehttp://www.avexnet.or.jp/amuro
Namie Amuro
Pangalang Hapones
Kanji安室 奈美恵
Hiraganaあむろ なみえ
Katakanaアムロ ナミエ

Talambuhay

baguhin

Nagsimulang kumanta't sumayaw si Namie Amuro noong 4 na taong gulang siya. Tagahanga siya noon ng Amerikanong mang-aawit na si Janet Jackson na siyang nagbigay diwa sa kanya. Dahil dito, ipinasok si Namie sa Actor's School sa Okinawa para matuto siya sa pagkanta't pagsayaw. Doon napansin si Namie ng punong-guro ng Actor's School na si Masayuki Makino na siyang nagsali sa kanya sa grupong Super Monkey's nong 1992.

Habang kabilang si Namie Amuro sa Super Monkey's ay gumanap din siya sa mga pantelebisyong drama at mga pambatang palabas. Sumikat dito si Namie Amuro at ang Super Monkey's ay pinangalanang "Namie Amuro with Super Monkey's". Sa tulong ni Tetsuya Komuro, naglabas ang grupo ng mga plakang may temang "Eurobeat" at dito sila sumikat. At sa tulong ni MAX Matsuura, napabilang si Namie sa kompanyang avex noong 1995.

Pinangasiwaan ni Komuro ang mga awit ni Namie tulad ng "Body Feels EXIT", "Chase the Chance", "Don't wanna cry" at "You're my sunshine". Ang mga awit na ito ay napabilang sa plaka niya na "Sweet 19 Blues" na bumenta ng 3,000,000 na piraso. Dahil dito sumikat si Namie Amuro.

At di lamang sa pagkanta sumikat si Namie kundi sa larangan ng pananamit din. Ang moda ng kanyang pananamit na kinabibilangan ng mahabang buhok, manipis na kilay, pagsuot ng mini-skirt at makakapal na bota ay ginaya ng mga kabataang Hapones. Sila ay tinagurinag mga "Amurer"...at ang salitang ito ay naging sikat na salita noong 1996. Ngunit matapos nito ay napalugmok ang buhay ni Namie.

Nag-umpisa ito nooong 1997 nang ginulat ni Namie ang buong mundo nang mapabalita na siya ay tatlong buwang buntis sa miyembro ng grupong TRF na si Sam. Napabalita din na pinaslang ang ina ni Namie na si Emiko Taira ng kanyang tiyuhing si Kenji Tairo. Nanganak si Namie noong 1998 sa isang lalaki na pinangalanan niyang "Haruto" at naghiwalay sina Namie at Sam noong 2002. Ilang taon din ng lumipas bago bumangon muli si Namie.

Bumalik siya sa pagkanta noong 2001 at sa tulong ni Ryuusuke Imai, naglabas si Namie ng plakang pinamagatang "SUITE CHIC" na siya din ang sumulat. Lumibot si Namie Amuro sa Asya na kung saan nagtanghal siya ng mga konsyerto. Sinundan ito ng mga plaka na "ALL FOR YOU" at "GIRL TALK / the SPEED STAR" na siyang bumenta at umakyat sa itaas ng talaang Oricon. Naging sikat muli si Namie Amuro.

Noong 2004 ay ginawaran siya ng parangal sa MTV Japan Video Music Awards ng "Best R&B Video". Sa pagkakataong din iyon, nakamit ni Namie ang pangarap niyang makasama sa entablado si Janet Jackson nang iabot niya kay Janet ang "Special Inspiration Award".

Mga Tampok na Plaka

baguhin

Mga Single

baguhin
  1. [1995.04.26] Taiyou no Season
  2. [1995.07.24] Stop the music
  3. [1995.10.25] Body Feels Exit
  4. [1995.12.04] Chase the Chance
  5. [1996.03.13] Don't wanna cry
  6. [1996.06.05] You're my sunshine
  7. [1996.08.21] Sweet 19 Blues
  8. [1996.11.27] A walk in the park
  9. [1997.02.19] Can You Celebrate?
  10. [1997.05.21] How to be a Girl
  11. [1997.11.27] Dreaming I Was Dreaming
  12. [1998.12.23] I Have Never Seen
  13. [1999.03.17] Respect the Power of Love
  14. [1999.07.07] toi et moi
  15. [1999.09.01] Something 'bout the Kiss
  16. [2000.01.01] Love 2000
  17. [2000.07.12] Never End
  18. [2000.10.04] Please Smile Again
  19. [2001.01.24] Think of me / no more tears
  20. [2001.08.08] Say the word
  21. [2002.02.14] I Will
  22. [2002.09.11] Wishing On The Same Star
  23. [2003.03.05] Shine more
  24. [2003.07.16] Put 'Em Up
  25. [2003.10.16] So Crazy / Come
  26. [2004.03.17] Alarm
  27. [2004.07.22] All For You
  28. [2004.10.14] Girl Talk / The Speed Star
  29. [2005.04.06] Want Me, Want Me
  30. [2005.11.16] White Light / Violet Sauce
  31. [2006.05.17] Can't Eat, Can't Sleep, I'm sick / Ningyo
  32. [2007.01.24] Baby Don't Cry
  33. [2007.04.04] Funky Town
  34. [2008.03.12] 60s 70s 80s
  35. [2009.03.18] Wild / Dr.
  36. [2010.07.28] Break It / Get Myself Back
  37. [2011.07.27] Naked / Fight Together / Tempest
  38. [2011.12.07] Sit! Stay! Wait! Down! / Love Story
  39. [2012.03.21] Go Round / Yeah-Oh!
  40. [2013.03.06] Big Boys Cry / Beautiful
  41. [2014.01.29] Tsuki
  42. [2014.11.12] Brighter Days
  43. [2015.12.02] Red Carpet
  44. [2016.05.18] Mint
  45. [2016.07.27] Hero
  46. [2016.10.26] Dear Diary / Fighter
  47. [2017.05.31] Just You And I

Mga Digital Single

baguhin
  1. [2012.10.31] "Damage"
  2. [2013.05.26] "Contrail"
  3. [2013.10.16] "Neonlight Lipstick"
  4. [2013.10.23] "Ballerina"
  5. [2016.12.20] "Christmas Wish"
  6. [2018.02.11] "Hope"
  7. [2018.04.14] "Body Feels Exit (New Recording Ver.)"

Mga Album

baguhin
  1. [1995.10.16] Dance Tracks Vol.1
  2. [1996.07.22] Sweet 19 Blues
  3. [1997.07.24] Concentration 20
  4. [2000.01.26] Genius 2000
  5. [2000.12.20] Break the rules
  6. [2003.12.10] Style
  7. [2005.07.13] Queen of Hip-Pop
  8. [2007.06.27] Play
  9. [2009.12.16] Past < Future
  10. [2012.06.27] Uncontrolled
  11. [2013.07.10] FEEL
  12. [2015.06.10] _genic

Mga Greatest Album

baguhin
  1. [1998.01.28] 181920
  2. [2002.03.13] LOVE ENHANCED Single Collection
  3. [2008.07.30] Best Fiction
  4. [2011.04.27] Checkmate
  5. [2014.06.04] Ballada
  6. [2017.11.08] Finally

Trivia

baguhin

Mga Pahinang Pag-uugnay

baguhin