Macario Sakay
Si Macario Sakay y de León (1870 – 13 Setyembre 1907) ay isang Pilipinong heneral na nakibahagi sa Himagsikang Pilipino noong 1896 laban sa Espanya at sa Digmaang Pilipino-Amerikano. Pagkatapos ihayag ang digmaan laban sa Estados Unidos noong 1902, ipinagpatuloy ni Sakay ang paglaban at ang sumunod na taon ay naging Pangulo ng Republikang Tagalog.[1]
Macario Sakay | |
---|---|
Pangulo ng Pilipinas (Hindi Opisyal) Republikang Tagalog | |
Nasa puwesto 6 Mayo 1902 – 14 Hulyo 1906 | |
Pangalawang Pangulo | Francisco Carreón |
Nakaraang sinundan | Miguel Malvar |
Sinundan ni | Nabuwag ang posisyon ay sunod na hinawakan ni Manuel Quezon |
Personal na detalye | |
Isinilang | 1870 Tondo, Maynila, Pilipinas |
Yumao | 13 Setyembre 1907 (gulang 29 o 37) Maynila, Pilipinas |
Partidong pampolitika | Katipunan Republika ng Katagalugan |
Propesyon | Rebolusyunaryo |
Pagkabata at Katipunan
baguhinTinatayang ipinanganak si Sakay sa pagitan ng 1870 at 1878 sa Daang Tabora, Tondo.[2] Unang nagtrabaho si Sakay bilang baguhagsikang Pilipino.[2] Noong 1899, ipinagpatuloy niya ang pagsagupa para sa kalayaan ng Pilipinas laban sa Estados Unidos. Noong unang bahagi ng Digmaang Pilipino-Amerikano, nakulong siya dahil sa sedisyon o pagsusulsol laban sa pamahalaan, at kinalaunan ay pinalaya bilang bahagi ng amnestiya.[3]
Pagkatapos ng digmaan
baguhinIsa si Sakay sa mga nagtatag ng Partido Nacionalista (walang kaugnayan sa kasalukuyang Nacionalista Party na naitatag noong 1907), na naglalayong makamtan ang kalayaan ng Pilipinas sa pamamagitan ng legal na pamamaraan. Umapela ang partido sa Philippine Commission, subalit ipinasa ng komisyon ang SedtionLaw, na nagbabawal sa lahat ng uri ng propaganda na nagtataguyod ng kalayaan.[4][5] Dahil dito, muling lumaban si Sakay.[2]
Sanggunian
baguhin- ↑ Orlino A. Ochosa (1995). Bandoleros: Outlawed Guerrillas of the Philippine-American War, 1903-1907. New Day Publishers. pp. 55, 95–96. ISBN 978-971-10-0555-9.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 2.0 2.1 2.2 Kabigting Abad, Antonio (1955). General Macario L. Sakay: Was He a Bandit or a Patriot?. J. B. Feliciano and Sons Printers-Publishers.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ C. Duka (2008). Struggle for Freedom' 2008 Ed. Rex Bookstore, Inc. pp. 200. ISBN 978-971-23-5045-0.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "The Period of Suppressed Nationalism: Act No. 292 or the Sedition Law". Salon.com. Marso 4, 2010.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ United States Philippine Commission. Law against treason, sedition, etc. (Act No. 292) Naka-arkibo 2010-08-10 sa Wayback Machine.. Washington, D.C.: Government Printing Office, 1902.