Maguindanao del Norte
Ang Maguindanao del Norte (Maguindanao: Perubinsya nu Pangutaran Magindanaw, Jawi: ڤروبنشا نو ڤڠوترن ماڬينداناو; Iranun: Perobinsia a Pangutaran Magindanao, ڤروبنسيا ا ڤڠوترن ماڬينداناو) ay isang lalawigan sa Pilipinas na matatagpuan sa Rehiyong Awtonomo ng Bangsamoro sa Mindanao. Ang bayan ng Datu Odin Sinsuat ay ang kabisera nito.[1] Napapaligiran ito ng lalawigan ng Cotabato sa silangan, Lanao del Sur sa hilaga, Maguindanao del Sur sa timog-silangan, at Sultan Kudarat sa timog. Ayon sa senso ng 2020, mayroon itong populasyon na 864,062.
Maguindanao del Norte | ||
---|---|---|
Lalawigan ng Maguindanao del Norte | ||
| ||
Mapa ng Pilipinas na magpapakita ng lalawigan ng Maguindanao del Norte | ||
Mga koordinado: 7°8'N, 124°16'E | ||
Bansa | Pilipinas | |
Rehiyon | Bangsamoro | |
Kabisera | Datu Odin Sinsuat | |
Pagkakatatag | 18 Setyembre 2022 | |
Pamahalaan | ||
• Uri | Sangguniang Panlalawigan | |
Populasyon (senso ng 2020) | ||
• Kabuuan | 864,062 | |
Kodigo ng ISO 3166 | PH-MGN |
Malaya sa pamamahala ng lalawigan ang Lungsod ng Cotabato subalit nakagrupo ito para sa representasyon sa kongreso. Nabuo ang Maguindanao del Norte nang nahati ang lalawigan ng Maguindanao sa dalawang lalawigan; ang isa pang lalawigan ay ang Maguindanao del Sur. Nangyari ang paghahati kasunod ng isang plebisito noong Setyembre 17, 2022, na niratipika ang Batas Republika Republic Act 11550 kung saan nakasaad ang dibisyon ng lalawigan.[1] Bagaman, noong 2006 pa ang ideya ng paglikha ng isang probinsya sa kasalukuyang teritoryo ng Maguindanao del Norte nang nalikha at nanatili ng dalawang taon ang lalawigan ng Shariff Kabunsuan bago bumalik muli sa Maguindanao.[2]
Mga bayan at lungsod
baguhinBinubuo ang Maguindanao del Norte ng 12 bayan at 1 distritong pambatas
- Barira
- Buldon
- Lungsod ng Cotabato (malaya sa pamamahala ng lalawigan subalit kasama sa representasyon sa kongreso)
- Datu Blah T. Sinsuat (kabisera ng lalawigan)
- Datu Odin Sinsuat
- Hilagang Kabuntalan
- Kabuntalan
- Matanog
- Parang
- Sultan Kudarat
- Sultan Mastura
- Sultan Sumagka
- Upi
Mga sanggunian
baguhin- ↑ 1.0 1.1 "With Maguindanao split into 2, Mindanao now has 28 provinces and BARMM has 6". MindaNews (sa wikang Ingles). 2022-09-18. Nakuha noong 2022-10-05.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Unson, John (11 Enero 2009). "Shariff Kabunsuan province abolished". The Philippine Star. Nakuha noong 19 Setyembre 2022.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)