Mahal na Ina ng Pitong Hapis ng Turumba
Ang Mahal na Ina ng Pitong Hapis ng Turumba (Kastila: Nuestra Señora de los Dolores de Turumba) ay isang imahen ni Birheng Maria bilang Ina ng Pitong Hapis, na nakadambana sa Pakil, Laguna.
Mahal na Ina ng Pitong Hapis ng Turumba Nuestra Señora de los Dolores de Turumba | |
---|---|
Lokasyon | Pakil, Laguna |
Petsa | 1788 |
Uri | imaheng kahoy at pininta ng langis |
Dambana | Pandiyosesis na Dambana ng Ina ng Pitong Hapis ng Turumba, Parokya ni San Pedro de Alcantara, Pakil, Laguna |
Pinagmulan ng salita
baguhinAng salitang turumba ay sinasabing pinagmulan sa pariralang Tagalog “Natumbá sa lakí ng tuwâ”. Ang unang turumba sa pagpaparangal sa imahen ay idinaos noong Ika-14 ng Setyembre, 1788.
Paglalarawan
baguhinAng imahen ng Birhen ay may sukat 9 at 11 pulgada (23 at 28 sentimetro), pinintang langis sa kambas. Ang mukha ni Maria ay napangiwi sa kirot mula sa punyal na sumubsob sa kanyang puso, na nanghula si Simeon.
Ang imahen ay kasalukuyang nakadambana sa Simbahan ng Parokya ni San Pedro de Alcantara sa Pakil. Ang pangalawang imahen ni Birheng Maria bilang Ina ng Pitong Hapis ay isang nasa-ikot na replika ng imahen ng Nuestra Señora de las Angustias mula sa Espanya.
Kasaysayan
baguhinAng imahen, ayon sa tradisyon, ay pagmamay-ari ng ilang mga misyonero na lumulan sa Lawa ng Laguna sa isang lantsa. Nang mawasak ang lantsa, ang ilan sa mga relikiya nito ay tinangay sa pampang kasama na ang icon ng Birhen.[1]
Isang Biyernes ng umaga, natagpuan ng mga ilang mangingisda ang imahen sa kanilang mga lambat. Naniniwalang ito ay isang imaheng panrelihiyon, nagpasiya sila na dalhin ito sa simbahang parokya. Nang binuhat ng mga kalalakihan ang maliit na larawang-pinta, natagpuan nila itong masyadong mabigat. Sinubukan nilang maglayag sa mga direksyon na may tatlong imahen hanggang dinala nila ito sa dalampasigan malapit sa Simbahan ng Pakil. Nang magtungo sila sa daan na iyon, ginabayan ng hangin at ng agos ang kanilang daan. Nang maglapag, iniwan nila ang mabigat na imahe sa isang bato upang ipagpatuloy nila ang kanilang mga gawain sa pangingisda.
Noong sumunod na Linggo ng umaga, natagpuan ng isang pangkat ng kababaihan ang imahen. Bagama't umulan nang magdamag sa gabing iyon, himalang natutuyo ang larawang kambas. Nang sinubukan nila na alisin ang imahen, hindi nila ito magalaw kahit ang pinakamalakas sa kanila, Mariangga, na hindi niya maangat. Dali-dali tumungo sila sa kura paroko, na siya namang tumawag sa mga sakristan, mga kantor, at ang mga nagsisimba sa Misa upang kunin ang imahen. Nang inangat ang imahen, bumigay ito. Ang mga taong-bayan sa paligid ay nagsimulang umawit at sumayaw, na doon nagsimula ang turumba.
Iginawad ang Nuestra Señora de los Dolores de Turumba ng koronasyong episkopal ni Obispong Alejandro Olalia ng Diyosesis ng Lipa noong Ika-24 ng Mayo, 1953.[2]
Kapistahang Lupi
baguhinAng Pitong Araw ng Hapis ay kinilala sa Pilipinas bilang mga kapistahang Lupi:
- Unang Lupi o Biernes Dolores ay pumapatak sa Biyernes na sinusundan ang Linggo ng Palaspas.
- Ika-2 Lupi o Pistang Martes ay pumapatak sa Martes kasunod ang Linggo ng Muling Pagkabuhay
- Ika-3 Lupi o Pistang Biyatiko ay pumapatak sa ika-2 Miyerkules pagkatapos ng Linggo ng Muling Pagkabuhay.
- Ika-4 na Lupi o Pistang Biyernes ay pumapatak sa ika-3 Biyernes pagkatapos ng Linggo ng Muling Pagkabuhay.
- Ika-5 Lupi o Pistang Linggo ay pumapatak sa ika-4 na Linggo pagkatapos ng Pasko ng Muling Pagkabuhay.
- Ika-6 na Lupi o Kapistahan ng Pag-akyat sa Langit ni Jesus ay pumapatak sa ika-5 ng Linggo pagkatapos ng Pasko ng Muling Pagkabuhay.
- Ika-7 Lupi o Kapistahan ng Banal na Espiritu ay pumapatak sa Linggo ng Pentekostes.
Ang imahen ay dinadala rin sa prusisyon sa Oktubre 19, ang Pistang-Bayan ng Pakil. Sa Linggo na pinakamalapit sa ika-15 ng Setyembre, ipinagdidiriwang ng Simbahang Katoliko ang pambansang kapistahan ng pagtuklas ng imahen.
Ang Pintuho Ina ng Pitong Hapis ay ginagawa sa pamamagitan ng pag-aawit at pagsasayaw, hampas sa tambol at mga marurubdob na sigaw na isinasaalang-alang ng mga tao bilang kabahagi ng pighati ni Maria sa panahon ng Pagpapasakit kay Kristo. Ang mga yugto ng turumba ay tinatawag na lupi, ito ay sapagkat sa pagtatapos ng bawat kapistahan, ang aklat ng pagsisiyam ay nakatiklop upang matandaan ang likat sa paghahanda para sa susunod na Lupi.
Ang mga damit ng Birhen ay ginutay-gutay at ibinibigay sa mga manlalakbay bilang mga alaala. May nagsabi na ang pirasong tela mula sa sa Birhen ay nananatiling nakatago at iniingatan ng isang tao, nangyayari ang mga himala at naiiwasan laban sa pansariling pinsala, mga sakuna at aksidente, mga sunog at kalamidad.
Ang imahen ay nakadambana sa retablo sa punong altar. Siya ay nakadamit sa lila bilang tanda ng kalungkutan ukol sa pagpapasakit ng kanyang Anak (ang kulay ng Kuwaresma). Ang orihinal na imahen ay nakadambana sa isang hiwalay na retablo, sa paligid ng bas-relief ng kanyang Pitong Hapis sa kapilya ng simbahan.
Awit ng Turumba
baguhinTurumba, Turumba Mariangga
Matuwa tayo’t magsaya
Sumayaw ng Tu-Turumba
Puri sa Birheng Maria, (Sa Birhen!)
Turumba, Turumba sa Birhen
Matuwa tayo’t mag-aliw
Turumba’y ating sayawin
Puri sa Mahal na Birhen, (Sa Birhen!)
Biyernes nang makita ka
Linggo nang i-ahon ka
Sumayaw ng Tu-Turumba
Puri sa Birheng Maria, (Sa Birhen!)
Turumba, Turumba sa Birhen
Turumba, Turumba sa Birhen
Turumba’y ating sayawin
Puri sa Mahal na Birhen,
Sa Birhen! Sa Birhen!
Mga sanggunian
baguhin- ↑ ALBA, REINERIO. "Sa Pokus: Pagpatak para sa Turumba". Pambansang Komisyon para sa Kultura at Sining. Inarkibo mula sa orihinal noong 2020-11-08.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ MALABANAN, JAMES. "Virgen Coronada Diocesana de Filipinas - Ang mga Kinoronahang Episkopal na Imahen ni Maria sa Pilipinas". Pintakasi.
{{cite web}}
:|archive-date=
requires|archive-url=
(tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
Mga karagdagang babasahin
baguhin- Barcelona, Mary Anne. Ynang Maria: Isang Pagdiriwang ni Mahal na Birheng Maria sa Pilipinas. Pinamatnugutan ni Consuelo B. Estepa, P.D., Lungsod Pasig: Anvil Publishing, Inc., 2004.
- Nuestra Señora de los Dolores de Turumba - Reynang Naghahapis ng Laguna at Sanhi ng Kanilang Tuwa Pintakasi, 10 Marso 2017
- Katolikong Romanong Pandiyosesis ng San Pablo: Pandiyosesis na Dambana ng Nuestra Señora de los Dolores de Turumba
Coordinates needed: you can help!