Malayang Konsorsiyong Komunal ng Ragusa

Ang Malayang Konsorsiyong Komunal ng Ragusa[1] ay isang malayang konsorsiyong komunal ng mga munisipalidad na may 317 136 na naninirahan sa Sicilia, kasama ang Ragusa bilang kabesera nito. Kinuha nito ang binuwag na rehiyonal na lalawigan ng Ragusa noong 2015; ang nakaraang lalawigan ay naitatag noong 1926, sa loob ng dalawampung taon ng pasismo.[2]

Ang konsorsiyo ay may lawak na 1,614 km² at isang densidad ng populasyon na humigit-kumulang 193 na naninirahan bawat km²; kabilang dito ang labindalawang munisipalidad: Ragusa, Acate, Chiaramonte Gulfi, Comiso, Giarratana, Ispica, Modica, Monterosso Almo, Pozzallo, Santa Croce Camerina, Scicli, at Vittoria.[3] Ito ay may hangganan sa mga malayang konsersiyo ng Syracuse at Caltanissetta, at ang Kalakhang Lungsod ng Catania; ang katimugang bahagi nito ay tinatanaw ang Dagat Mediteraneo. Ang mga lungsod ng Ragusa, Modica, at Scicli (bahagi ng sinaunang Val di Noto at sa mga kamakailang panahon ay bahagi Malayang Konsorsiyong Komunal ng Ragusa) ay kinilala bilang isang Pandaigdigang Pamanang Pook ng UNESCO mula noong 2002.

Ang komplikadong orograpiya ng lugar ay humahantong sa pagkakaroon ng iba't ibang uri ng klima.

Tingnan din

baguhin

Mga tala

baguhin
  1. Home page della Provincia Regionale di Ragusa
  2. In tale occasione furono riuniti i comuni di "Ragusa Superiore" e di "Ragusa Inferiore" (poi rinominata "Ragusa Ibla" nel 1922) che si erano in precedenza separati nel 1866.Scheda dell'Archivio di Stato di Ragusa Naka-arkibo 2015-09-24 sa Wayback Machine.
  3. Scheda su treccani.it.