Ang Ragusa (Italyano: [raˈɡuːza]; Sicilian: Rausa [raˈuːsa]; Latin: Ragusia) ay isang lungsod at comune (komuna o munisipalidad) sa Malayang Konsorsiyong Komunal ng Ragusa, sa timog ng Sicilia, katimugang Italya, na may 73,288 na naninirahan noong 2016. Ito ay itinayo sa isang malawak na burol na kalisa sa pagitan ng dalawang malalalim na lambak, Cava San Leonardo at Cava Santa Domenica. Kasama ang pitong iba pang mga lungsod sa Val di Noto, ito ay bahagi ng isang Pandaigdigang Pamanang Pook ng UNESCO.

Ragusa

Rausa (Sicilian)
Città di Ragusa
Panorama ng Ragusa Ibla
Panorama ng Ragusa Ibla
Eskudo de armas ng Ragusa
Eskudo de armas
Ragusa sa loob ng homonimong lalawigan
Ragusa sa loob ng homonimong lalawigan
Lokasyon ng Ragusa
Map
Ragusa is located in Italy
Ragusa
Ragusa
Lokasyon ng Ragusa sa Italya
Ragusa is located in Sicily
Ragusa
Ragusa
Ragusa (Sicily)
Mga koordinado: 36°56′N 14°45′E / 36.933°N 14.750°E / 36.933; 14.750
BansaItalya
RehiyonSicilia
LalawiganRagusa (RG)
Mga frazioneMarina di Ragusa, San Giacomo Bellocozzo
Pamahalaan
 • MayorGiuseppe Cassì
Lawak
 • Kabuuan444.67 km2 (171.69 milya kuwadrado)
Taas
520 m (1,710 tal)
Populasyon
 (2018-01-01)[2]
 • Kabuuan73,638
 • Kapal170/km2 (430/milya kuwadrado)
DemonymRagusano
Sona ng orasUTC+1 (CET)
 • Tag-init (DST)UTC+2 (CEST)
Kodigong Postal
97100
Kodigo sa pagpihit0932
Santong PatronSan Juan Bautista (Ragusa)
San Jorge (Ragusa Ibla)
Saint dayHunyo 24
WebsaytOpisyal na website
Bahagi ngMga Huling Barokong Bayan ng Val di Noto (Timog-Silangang Sicilia)
PamantayanCultural: (i)(ii)(iv)(v)
Sanggunian1024rev-007
Inscription2002 (ika-26 sesyon)
Lugar17.39 ha (1,872,000 pi kuw)
Sona ng buffer29.32 ha (3,156,000 pi kuw)

Kasaysayan

baguhin

Ang mga pinagmulan ng Ragusa ay matutunton pabalik sa ika-2 milenyo BK, noong nagkaroon ng ilang mga pamayanan ng mga Sicel sa pook. Ang kasalukuyang distrito ng Ragusa Ibla ay kinilala bilang Hybla Heraea.

Heograpiya

baguhin

Ang Ragusa ay isang hilltown na nasa ibaba ng Kabundukang Ibleo, at ayon sa kasaysayan ay nahahati sa Ragusa Ibla at Ragusa Superiore. Ang munisipalidad ay may hangganan sa Chiaramonte Gulfi, Comiso, Giarratana, Modica, Monterosso Almo, Rosolini (SR), Santa Croce Camerina, Scicli, at Vittoria.[4] Binibilang nito ang mga nayon (frazione) ng Marina di Ragusa, na matatagpuan sa tabi ng dagat, at San Giacomo Bellocozzo.

Mga pangunahing tanawin

baguhin

Ang lungsod ay may dalawang natatanging lugar, ang mas mababa at mas matandang bayan ng Ragusa Ibla, at ang mas mataas na Ragusa Superiore (Mataas na Bayan). Ang dalawang hati ay pinaghihiwalay ng Valle dei Ponti, isang malalim na bangin na tinatawid ng apat na tulay, na ang pinaka-kapansin-pansin ay ang ika-labingwalong siglo na Ponte dei Cappuccini.

Kakambal na bayan — kinakapatid na lungsod

baguhin

Si Ragusa ay kakambal sa:[5][6]

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Superficie di Comuni Province e Regioni italiane al 9 ottobre 2011". Istat. Nakuha noong 16 Marso 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Popolazione Residente al 1° Gennaio 2018". Istat. Nakuha noong 16 Marso 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. (sa Italyano) Source: Istat 2016
  4. Padron:OSM
  5. "Comune di Ragusa". comune-italia.it (sa wikang Italyano). Comune Italia. Nakuha noong 2019-12-16.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "Twinning". mostalocalcouncil.com. Mosta Local Council. Inarkibo mula sa orihinal noong 2019-12-16. Nakuha noong 2019-12-16.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
baguhin

Padron:World Heritage Sites in Italy