Wikang Maltes
Ang Wikang Maltes (Malti, Ingles:Maltese, Espanyol:Maltés, Latin:Lingua Melittica) ay ang pambansang Wika ng Malta, at isa sa mga opisyal na wika ng Unyong Europeo. Ito lamang ang wikang Semitiko na gumagamit ng Alpabetong Latin.
Maltes | |
---|---|
Malti | |
Katutubo sa | Malta Awstralya |
Mga natibong tagapagsalita | 371,900 (1975)[2] |
Opisyal na katayuan | |
Unyong Europeo Malta | |
Pinapamahalaan ng | Il-Kunsill Nazzjonali ta' l-Ilsien Malti |
Mga kodigong pangwika | |
ISO 639-1 | mt |
ISO 639-2 | mlt |
ISO 639-3 | mlt |
Mula sa kanyang ponolohiya, dinadala ng Wikang Maltes ang pagkakapareho sa mga kaibahan ng Arabe Tunisio at ng iba pang wika ng Hilagang Aprika. Sa buod ng kasaysayan, marami ang naging hiram na mga salita, mga ponetiko at anyong ponolihikal, at maging ang mga anyong pangungusap ng Wikang Italyano at Wikang Sisilyano, habang ang maraming salita, (ang iba na may anyong pangmaramihan) ay hiniram mula sa Wikang Ingles.
Ang Wikang Maltes ay naging opisyal na wika ng Malta noong 1936 kasama ng Wikang Ingles. May ilang din tagapagsalita ng Maltes sa mga bansang Australia, Estados Unidos, Canada, at Gibraltar. Nito lamang ay ibinalitang marami pa rin ang gumagamit ng naturang wika sa Tunisya ng mga may lahing Maltes.
Bokabularyo
baguhinAng bokabularyong Maltes ay hinango mula sa mga wikang Semitiko at mga Wikang Indo-europeo tulad ng Italyano, Sisilyano, at Ingles.
Mga Salita mula sa Romanse
baguhinAng ilan ay halimbawa ng mga salita sa Maltes na hiram sa mga Wikang Romanse tulad ng Italyano at Sisilyano:
Maltes | Sisilyano | Italyano | Latin | Ingles | Filipino | Arabo |
---|---|---|---|---|---|---|
Skola | Scola | Scuola | Schola | School | Paaralan | مدرسة (madrassah) |
Gvern | Cuvernu | Governo | Governo | Government | Pamahalaan | حكومة (ḥukūmah) |
Repubblika | Ripùbblica | Repubblica | Res Publica | Republic | Republika | جمهورية (ǧummhūriyyah) |
Re | Re | Re | Re | King | Hari | ملك (malik) |
Natura | Natura | Natura | Natura | Nature | Kalikasan | طبيعة (ṭabīʿah) |
Pulizija | Pulizzìa | Polizia | Policia | Police | Pulisya | شرطة (shurta) |
Ċentru | Centru | Centro | Centro | Centre | Sentro | مركز (markaz) |
Teatru | Tiatru | Teatro | Theatro | Theatre | Teatro | مسرح (masraḥ) |
Mga Pagkakapareho mula sa Sikulo-Arabe
baguhinMarami rin ang pagkakapareho sa pagitan ng Maltes at ng mga salita ng Sisilyano na hango sa Arabe. Ang ilan ay mga halimbawa:
Sikulo-Arabe | Maltes | Ingles | Filipino |
---|---|---|---|
Babbaluciu | Bebbuxu | Snail | Susò |
Caponata | Kapunata | Caponata | Kaponata |
Cassata | Qassata | Sicilian cake | Pastel Sisilyano |
Gebbia | Ġiebja | Cistern | Tubig-tambakan |
Giuggiulena | Ġunġlien | Sesame seed | Binhi ng sesame |
Saia | Saqqajja | Canal | Kanal |
Tanura | Kenur | Oven | Oben |
Zaffarana | Żaffran | Saffron | Kasubha |
Zagara | Zahar | Blossom | Halimuyak |
Zibbibbu | Żbib | Raisins | Raisin |
Zuccu | Zokk | Tree trunk | tangkay ng puno |
Mga Salitang hiram mula sa Ingles
baguhinTinatayang mula anim hanggang dalawampung bahagdan ng wikang Maltes ay hango sa Ingles. Ang ilan ay mga halimbawa:
Maltes | Ingles | Filipino |
---|---|---|
Futbol | Football | Futbol |
Baskitbol | Basketball | Basketbol |
Mowbajl | Mobile [Phone] | Mobayl [telepono] |
Lift | Lift/Elevator | Elebeytor |
Friġġ | Fridge | Reprihadora |
Friżer | Freezer | Priser |
Wejter | Waiter | Weyter |
Biljard | Billiard | Bilyard |
Strajk | Strike | Strayk |
Plejer | Player | Manlalaro |
Frejm | Frame | Preym |
Bliċ | Bleach | Blits |
Fowlder | Folder | Polder |
Kompjuter | Computer | Ordenador |
Spikers | Speakers | Mga Tagapagsalita |
Televixin | Television | Telebisyon |
Tojlit | Toilet | Banyo |
Mga Diksyonaryo
baguhin- Malta Online Dictionary
- English-Maltese-English dictionary Naka-arkibo 2007-10-24 sa Wayback Machine.
- ParadiseMalta'sEnglish-Maltese dictionary Naka-arkibo 2007-07-14 sa Wayback Machine.
- Collection of Maltese dictionaries
- English-Maltese-English online translator Naka-arkibo 2014-02-13 sa Wayback Machine.
Mga Sanggunian
baguhinAng buong artikulo o mga bahagi nito ay isinalin magmula sa artikulong Maltese language ng Ingles na Wikipedia, partikular na ang bersiyong ito.
- Azzopardi, C. (2007) Gwida għall-Ortografija. Malta, Klabb Kotba Maltin.
- Borg, A. J. & Azzopardi-Alexander, M. (1997) Maltese. Routledge, ISBN 0-415-02243-6
- Mifsud, M. & Borg, A. J. (1997) Fuq l-għatba tal-Malti. Strasbourg, Council of Europe.
- http://www.macmillandictionary.com/MED-magazine/February2005/27-LI-Maltese.htm Naka-arkibo 2005-09-05 sa Wayback Machine.
Kawing Panlabas
baguhin- Organisasyon
- Il-Kunsill Nazzjonali ta' l-Ilsien Malti Naka-arkibo 2017-10-04 sa Wayback Machine.
- L-Akkademja tal-Malti Naka-arkibo 2018-08-07 sa Wayback Machine.
- Għaqda tal-Malti - Università Naka-arkibo 2018-08-01 sa Wayback Machine.
- Għaqda Poeti Maltin Naka-arkibo 2011-05-12 sa Wayback Machine.
- Teknolohiya at Maltes
- Unicode for Maltese
- XML for Maltese Naka-arkibo 2007-12-25 sa Wayback Machine.
- Maltese Spellchecker Naka-arkibo 2006-04-24 sa Wayback Machine.
- YahooGroup Kelmet - The Maltese language online forum Naka-arkibo 2007-05-04 sa Wayback Machine.
- Pagsasahimpapawid sa Maltes
- Linji gwida mill-Awtorità tax-Xandir Naka-arkibo 2009-08-19 sa Wayback Machine.
- Literatura and Kawikaan
- The Technical Committee for Literature within the National Council for the Maltese Language Naka-arkibo 2011-07-25 sa Wayback Machine.
- Maltese Language in Broadcasting Naka-arkibo 2009-08-19 sa Wayback Machine.
- Pagsasalin sa Maltes
- Technical Documentation for Europe: Malta Naka-arkibo 2011-09-20 sa Wayback Machine.
- Mga Glosaryo at Pwente ng Wikang Maltes (Patuloy lamang pong magdagdag ng inyong impormasyon dine)
- Rimarju Malti
- Kappelli Maltin Naka-arkibo 2007-12-11 sa Wayback Machine.
- L-ewro Naka-arkibo 2007-09-28 sa Wayback Machine.
- Il-Lingwa tas-Sinjali Maltija
- Ikteb l-inviti tat-tieġ bil-Malti