Ang malunggay, na may pangalang pang-agham na Moringa oleifera at Moringa pterygosperma ay ang pinaka malawakang itinatanim at inaalagaang espesye ng saring Moringa, na nag-iisang sari sa pamilyang Moringaceae. Sa wikang Ingles, nakikilala ang malunggay sa pangkaraniwang mga pangalang moringa, benzolive tree ("punong bensoliba"),[1] at West Indian ben ("ben ng Kanlurang India"). Nakikilala rin ito sa Ingles bilang drumstick tree ("punong panambol" o "punong baketa"), mula sa paglitaw ng mahaba, balingkinitan, at patatsulok na mga supot ng mga buto. Ang puno rin mismo ay may pagka balingkinitan, na may nakalaylay na mga sanga na lumalaki hanggang sa tinatayang 10 metro ang taas. Sa kultibasyon, madalas itong tinatabas taun-taon sa 1 hanggang 2 mga metro at pinapahintulutang muling tumubo upang ang mga supot ng mga buto at mga dahon ay nanatiling nasa hangganan ng maaabot ng mga bisig ng tao.[1]

Moringa oleifera
Klasipikasyong pang-agham edit
Kaharian: Plantae
Klado: Tracheophytes
Klado: Angiosperms
Klado: Eudicots
Klado: Rosids
Orden: Brassicales
Pamilya: Moringaceae
Sari: Moringa
Espesye:
M. oleifera
Pangalang binomial
Moringa oleifera
Puno ng malunggay
dahon ng maulunggay

Sa mga bansang umuunlad, ang malunggay ay maaaring makapagpainam ng nutrisyon, makapagbunsod ng seguridad sa pagkain, makapagkandili ng kaunlarang rural, at makapagsuporta ng tuluy-tuloy na pangangalaga sa kalagayan ng lupa.[2] Maaari itong gamitin bilang pakain para sa mga alagang baka, isang likidong mikronutriyente, isang likas na anthelmintiko (pampaalis ng mga bulating parasitiko mula sa katawan ng tao), at posibleng adhubante (pantulong sa mga ahenteng gamot na katulad ng bakuna at iba pa).[3][4]

Noong Abril 2012, ang Moringa oleifera ay ipinamalas sa Dr. Oz Show[5] bilang isang suplemento upang mapainam ang antas ng enerhiya at pangkabuoang kapakanan ng tao. Iniharap ni Dr. Oz ang malunggay bilang mga supot ng tsaa.

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 "USDA GRIN Taxonomy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2015-09-24. Nakuha noong 2012-05-27.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. National Research Council (2006-10-27). "Moringa". Lost Crops of Africa: Volume II: Vegetables. Lost Crops of Africa. Bol. 2. National Academies Press. ISBN 978-0-309-10333-6. Nakuha noong 2008-07-15. {{cite book}}: Unknown parameter |chapterurl= ignored (|chapter-url= suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Makkar HP, Francis G, Becker K (2007). "Bioactivity of phytochemicals in some lesser-known plants and their effects and potential applications in livestock and aquaculture production systems". Animal. 1 (9): 1371–91. PMID 22444893.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
  4. Mahajan SG, Mali RG, Mehta AA (2007). "Protective effect of ethanolic extract of seeds of Moringa oleifera Lam. against inflammation associated with development of arthritis in rats". J Immunotoxicol. 4 (1): 39–47. PMID 18958711.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
  5. "Dr. Oz Show".

  Ang lathalaing ito na tungkol sa Gulay ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.