Supot ng tsaa
- Para sa ibang gamit, tingnan ang supot ng tsaa (paglilinaw).
Ang supot ng tsaa (Ingles: tea bag) ay isang maliit at butas-butas na selyado o nakasarang supot na naglalaman ng mga dahon ng tsaa at ginagamit sa pagtitimpla ng tsaa. Ang mga supot ng tsaa ay pangkaraniwang yari sa papel, sutla, o plastik. Ang bag ay naglalaman ng mga dahon ng tsaa habang ibinababad ang tsaa, upang maging mas maginhawang maitapo ang mga dahon, at nagsasagawa rin ng tungkuling kahalintulad ng sa pambabad ng tsaa o panglublob ng tsaa. Ilan sa mga supot ng tsaa ang mayroong nakakabit na piraso ng tali na may isang papel ng tatak nito sa itaas na nakatutulong sa pag-aalis ng supot habang nalalaman din ang uri ng tsaa.
Sa mga bansa kung saan mas karaniwan ang paggamit ng hindi nakabalot na mga dahon ng tsaa, ang katawagang supot ng tsaa ay ginagamit upang ilarawan ang balutang papel o palara para sa hindi nakabalot na mga dahon ng tsaa. Ang mga ito ay pangkaraniwang mga sobreng parisukat o parihaba na may nakalimbag na tatak, lasa, at mga palamuti sa ibabaw ng mga ito.
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.