Manasses ng Juda

(Idinirekta mula sa Manasseh of Judah)

Si Manasses ( /məˈnæsə/; Wikang Hebreo: מְנַשֶּׁה Mənaššé, "Forgetter"; Acadio: 𒈨𒈾𒋛𒄿 Menasî [me-na-si-i]; Griyego: Μανασσῆς Manasses; Latin: Manasses) ay hari ng Kaharian ng Juda at ang pinakamatandang anak na lalake ni Hezekias at kanyang inang si Hephzibah (2 Hari 21:1). Siya ay naging hari sa edad na 12 at naghari ng 55 taon(2 Hari 21:1, 2 Cronica 33:1). Ang mga kuwento sa buhay ni Manasses ay matatgagpuan sa 2 Hari kapitulo 21 at 2 Cronica 32. Siya ay binanggit rin sa Aklat ni Jeremias kung saan humula si Jeremias sa apat na anyo ng pagkawasak sa mga mamamayan ng Kaharian ng Juda dahil sa ginawang kasamaan ni Manasses.(Jeremias 15:3-4). Siya ang kauna-unahang hari ng Juda na hindi kontemporaryo sa mga hari ng Kaharian ng Israel (Samaria) na winasak ng Imperyong Neo-Asirya noong ca. 722-720 BCE. Siya ay inilarawan sa Bibliya na isang masamang tao na nagbalik ng politeismo sa Juda at nagbaliktad sa mga repormang pangrelihiyon ng kanyang amang si Hezekias(2 Hari 21:2). Siya ay ikinasal kay Meshullemeth na anak ni Haruz ng Jotbah at nagkaroon ng anak na si Amon ng Juda na humalili sa kanya sa kanyang kamatayan. Sina Hezekias, Manasses at Amon ng Juda ay binanggit na mga ninuno ni Hesus sa Ebanghelyo ni Mateo 1:10. Aton sa 2 Hari 20:24 at 2 Croica 32:22, siya ay naging hari sa kamatayan ng kanyang ama. Ayon kay Thiele, si Manasses ay nagsimulang maghari bilang kapwa pinuno ng kanyang ama noong 697/696 BCE na tumagal ng 12 taon at naging nag-iisang hari noong 687/686 BCE hanggang 643/642 BCE.[1] Nang maging hari si Manasses, si Sennacherib ang hari ng Imperyong Neo-Asirya at isang basalyo ng anak at kahalili ni Sennacherib na si Esarhaddon.Nang mamatay si Esarhaddon, siya ay naging basalayo ng kahalili nitong haring Asiryong si Ashurbanipal na tumulong sa kanyang kampanya laban sa Sinaunang Ehipto.[2] Ayon sa Pag-akyat ni Isaias, siya ang pumatay sa propetang Isaias sa pamamagitan ng paghahati ng katawan nito sa dalawa at may alusyon sa Sulat sa mga Hebreo 11.

Manasses
SinundanHezekias, ama
KahaliliAmon ng Juda, anak
Konsorte kayMeshullemeth
SuplingAmon ng Juda
Bahay MaharlikaSambahayan ni David
AmaHezekias
InaHephzibah

Mga sanggunian

baguhin
  1. Edwin Thiele, The Mysterious Numbers of the Hebrew Kings, (1st ed.; New York: Macmillan, 1951; 2d ed.; Grand Rapids: Eerdmans, 1965; 3rd ed.; Grand Rapids: Zondervan/Kregel, 1983). ISBN 0-8254-3825-X, 9780825438257, 217
  2. Bright, John (10 Agosto 2017). A History of Israel. Westminster John Knox Press. ISBN 9780664220686 – sa pamamagitan ni/ng Google Books.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)