Ang shōnen, shonen, or manga na shonen (少年漫画, shōnen manga) ay isang manga na tinatarget ang mga kabataang lalaki sa demograpikong nagbabasa. Nag-iiba ang pangkat ng edad sa indibiduwal na nagbabasa at sa iba't ibang mga magasin, ngunit pangunahin itong binalak para sa mga kabataan nasa gulang na 12 hanggang 18. Ang mga karakter sa kanji (少年) ay literal na nangangahulugan na "batang lalaki" (o "kabataan"), at ang mga karakter (漫画) ay nangangahulugan na "komiko". Sa gayon, nangangahulugan ang buong parirala na "komiko ng kabataan" o "komiko ng batang lalaki"; ang katumbas nito sa babae ay shōjo manga. Ang shōnen manga ay ang pinakapopular na anyo ng manga.[1][2] Tipikal na matindi ang aksyon sa shōnen manga[3] na kadalasang may patawa at tinatampok ang mga bidang lalaki.

Mga sanggunian

baguhin
  1. Aoki, Deb. "What is Shonen Manga?". About.com (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2013-04-24. Nakuha noong 2015-08-23.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Kamikaze Factory Studio (2012). Shonen Manga (sa wikang Ingles). HarperCollins. pp. 8. ISBN 9780062115478.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Short anime glossary [Краткий анимешно-русский разговорник]". anime*magazine (sa wikang Ruso) (3): 36. 2004. ISSN 1810-8644.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)