Manok-gubat
Ang manok-gubat[1] (Ingles: grouse) ay ang alin man sa ilang mga ibong kahawig ng mga manok na may malaki at hindi kalakihang sukat. Sila ay nabibilang sa orden ng Galliformes. Bagaman kamukha ng mga manok, ang mga manok-gubat ay may mga binting napapalibutan ng mga balahibo. Ang kanilang mga balahibo ay kulay mapanglaw na kayumanggi, pula, o kaya abo. Sa lupa namumuhay ang mga manok-gubat, at sa lupa rin sila gumagawa ng mga pugad. Humuhugong ng malakas ang kanilang maluluwang ngunit maiiksing mga pakpak kapag tumatayo. Kapag nanliligaw ng mga inahing manok-gubat ang mga tandang o lalaking manok-gubat, nagsasayaw ang mga ito na pumapasag ang mga balahibo at pumuputak. May ilang mga tandang na nakalilikha ng tunog na pumuputok sa pamamagitan ng mga pakpak o ng kanilang sako ng hangin (supot ng hangin sa loob ng kanilang katawan). Ayon sa mga siyentipiko, kasama sa pangkat na ito ang mga manok ng parang (kilala sa Ingles bilang mga prairie chicken).[2]
Manok-gubat | |
---|---|
lalaking Centrocercus urophasianus | |
Klasipikasyong pang-agham | |
Kaharian: | |
Kalapian: | |
Hati: | |
Subklase: | |
Infraklase: | |
Orden: | |
Pamilya: | |
Subpamilya: | Tetraoninae Vigors, 1825
|
Genera | |
Bonasa | |
Kasingkahulugan | |
Tetraonidae Vigors, 1825 |
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Blake, Matthew (2008). "Grouse, manok gubat". Tagalog English Dictionary-English Tagalog Dictionary. Bansa.org.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Grouse". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link), Dictionary Index ng titik G, pahina 463.
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.