Maria Orosa

Pilipinong kimiko

Si Maria Ylagan Orosa (29 Nobyembre 1892 – 13 Pebrero 1945) ay isang Pilipinang kemiko at parmasiyutiko.[1]

Maria Orosa
Kapanganakan29 Nobyembre 1892
Taal, Batangas, Pilipinas
Kamatayan13 Pebrero 1945(1945-02-13) (edad 52)
Malate, Maynila, Pilipinas
EdukasyonUnibersidad ng Pilipinas, University of Seattle

Gamit ang kanyang kaalaman ng lokal na mga katangian ng pagkain, si Orosa din ang ginawa ng mga kontribusyon sa larangan sa pagluluto at nagturo ng tamang pamamaraan ng pangangalaga para sa mga katutubong pagkain tulad ng adobo, dinuguan, kilawin at escabech .

Ipinanganak siya noong 29 Nobyembre 1893 sa Taal, Batangas kina Simplicio Orosa y Agoncillo at Juliana Ylagan.[1]

Namatay si Maria Y. Orosa noong 13 Pebrero 1945 dahil sa isang shrapnel na tumimo sa kanyang puso noong tinamaan ng bomba ang Malate Remedios Hospital kung saan siya ay dinala dahil tinamaan siya ng ligaw na bala habang nagtatrabaho sa Bureau of Plant Industry sa Malate.[1]

Sa paggunita, isang kalye sa Ermita, Manila, pati na rin ang isang gusali sa Kawanihan ng halaman at Industriya ay pinangalanan pagkatapos ng kanyang pagyao.

Edukasyon

baguhin

Nagtapos ng elementarya at sekundarya si Maria Y. Orosa sa Batangas at nag-aral siya ng parmasiya sa Unibersidad ng Pilipinas. Noong 1917 ay nakapagtapos siya ng Batsilyer sa Agham ng Kemistring Parmasyutiko sa Unibersidad ng Seattle (Ingles: University of Seattle) pati na rin ng Batsilyer sa Agham sa Kemistri ng Pagkain noong 1918, Batsilyer sa Agham sa Parmasya noong 1920 at Marterado sa Parmasiya noong 1921 bilang iskolar.[1]

Mga imbensiyon

baguhin

Ginawa ni Maria Orosa ang "calamansi nip" o ang pinulbos na kalamansi na sangkap na ginagamit sa calamansi juice na mabibili sa mga tindahan. Inimbento din niya ang "soyalac" o pinulbos na soya pati na rin ang ketsap na saging, harina na gawa sa saging, harina na gawa sa cassava, alak na nagmumula sa mga prutas at jelly na ang sangkap ay bayabas, santol at iba pang prutas.[1]

Mga Gawa ni Maria Y. Orosa

baguhin
  • The history and chemistry of neoarsphenamine (1921)
  • Preservation of Philippine foods (1926)
  • Rice bran: a health food and how to cook it (1932)
  • Roselle recipes (1931)
  • Soy beans as a component of a balanced diet and how to prepare them (1932)

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 1.4 "Maria Y. Orosa". CulturEd Philippines:Sagisag Kultura. NCCA-PCEP. Nakuha noong 30 Nobyembre 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  • Maria Y. Orosa (1892-1945). Pangunguna Food technologist at Inventor . Ikinuha 11 Oktubre 2010
  • Davidson, Alan. (2003). Seafood ng Timog-Silangang Asya: A Comprehensive Guide sa recipes (2nd ed.). Sampung Speed Pindutin. pp 279–295. ISBN 1580084524 .
  • Orosa, Maria Y. at Helen Orosa del Rosario. (1970). Maria Y. Orosa, kanyang Life at Work (Helen Orosa del Rosario, Ed.). [Quezon City:] RP Garcia Pub. Co

  Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.