Ang ketsap ay isang uri ng sarsa. Kalimitan gawa ito sa mga kamatis, ang pinagmulan ng kanyang kulay na pula, at idinagdag dito ang mga sahog tulad ng asukal o ibang pampatamis, suka at iba't-ibang mga pampalasa.

Isang maliit na lalagyan ng ketsap

Sa Pilipinas, madalas din ginagamit ang mga saging sa paggawa ng ketsap sa halip ng kamatis. Kung gayon, idinagdag naman dito ang pulang pangkulay upang magmukhang karaniwang ketsap.

Kasaysayan

baguhin

Ang salitang 'Ketsap' ay sinasabing nagmula sa Hokkien o Malay noong 1705-1715. Mula ito sa salitang Malay na kəchap na ibigsabihin sawsawan ng isda at marahil nanggaling ito sa ilang diyalektong Tsino tulad ng kéjāp (Guangdong) o ke-tsiap (Xiamen), na maihahantulad din mula sa Tsinong qié na "talong" + chī na "katas".[1]

Sa Tsina, ang unang pagkabuo ng ketsap ay nagsimula noong 544 A.D., at naglalaman ito ng pating at bituka ng isda, tiyan at pantog bilang mga sangkap. Ang isang timpla ng adobo na isda at pampalasa na tinatawag na kôe-chiap o kê-chiap ay nilikha noong ika-17 siglo. Noong ika-18 siglo ay naibahagi at lumago ang pampalasa sa iba pang mga bansa tulad ng Malaysia at Indonesia bilang kechap at ketjap. Ito ay isang kayumanggi at madilim na likido na higit na katulad sa isang isda o toyo kaysa sa sarsa ng kamatis na makikita ngayon. Natagpuan ng mga Ingles ang pampalasa at inangkop ang pang-Indo-Malay na pangalan na Kecap sa kanilang wika. Ginawa itong Ingles na "Ketchup".[2]

Sa Pilipinas, tinagurian si Maria Ylagan Orosa bilang ang unang tagapagtaguyod ng ketsap na gawa sa saging ng Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas ngunit tinatagurian ng Universal Food Corporation si Magdalo V. Francisco bilang ang pinakauna. Si Orosa ay nag-aral sa Estados Unidos ng parmasiya at naging isang siyentipiko sa larangan ng mga pagkain at agrikultura. Noong 1920, siya ay naging kawani bilang kimiko ng estado sa Washington. Bumalik siya sa Pilipinas noong 1922 upang maihayag ang mga ideya at mapabago ang paraan ng agrikultura sa bansa. Isa sa kanyang mga ideya ang paghahalo ng saba, isang uri ng saging na kalat sa bansa, sa kamatis at iba pang mga sangkap tulad ng patis, asukal, at mga pampalasa. Dahil sa pagkakaiba nito sa kulay, [3] Nang nagsimula ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, nagkaroon ng pagkakapos sa dami ng kamatis kaya sinubukan ng ilan na ihalo ito sa saging kung saan nagsimula ang modernong ketsap na gawa sa mga ito.[2]

Sa kabilang banda, sinasabi na si Magdalo V. Francisco ang pinakaunang Pilipino na nagtaguyod sa modernong ketsap. Nakagawa siya ng isang paraan upang makabuo ng ketsap kasama ang saging noong 1938. Ibinenta niya ito sa merkado sa pangalang 'Marfan', isang kontraksyon mula sa unang dalawang pantig ng kanyang pangalan. Nirehistro niya ang Mafran bilang isang trademark sa Bureau of Patents sa Pilipinas. Matapos ang ilan taon, kinausap niya si Tirso T. Reyes upang mapalawig ang kanyang negosyo. Ito ay nagbunga bilang ang Universal Food Corporation noong 1960. Tumiwalag siya sa kompanya dahil sa ilang mga problema at siya ay nagtayo ng Jufran Food Industries. Ang pangunahing produkto nito ay ang Jufran Banana Catsup. Ang pangalan ay nagmula sa kanyang anak na si Magdalo "Jun" Francisco Jr..[3]

Sa ngayon, patuloy ang inobasyon sa pagbuo ng iba't ibang uri ng ketsap sa bansa at naging pangunahing kagustuhan ng maraming mga Pilipino ay ang ketsap mula sa saging.

Mga sanggunian

baguhin

(Lahat ay nasa wikang Ingles)

Mga kawing panlabas

baguhin
  1. https://www.dictionary.com/browse/ketchup Nakuha noong 08-01-2021
  2. https://juancarlo.ph/blog/history-ketchup/ Nakuha noong 08-01-2021
  3. https://www.esquiremag.ph/culture/lifestyle/the-history-behind-the-invention-of-banana-ketchup-a1729-20180622-lfrm Nakuha noong 08-01-2021